Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 393 - Pinaka Matalinong Babae

Chapter 393 - Pinaka Matalinong Babae

Hindi pa din siya mapakali pero hindi na niya maaari pa itong ipakita. Tahimik siyang nakatayo sa isang sulok, pinanonood ang lahat na purihin si Xinghe.

Pabirong pinagalitan ni Yan Lu ang lahat, "Hindi ba't sinabi ko sa inyong lahat na magtiwala sa ating Major? Paano na ang agent na personal niyang inimbitahan ay isang taong hindi marunong? Dapat ay naghintay kayo bago ninyo isinumbong si Miss Xia. Ngayon nakita ninyo, hindi ba't nakakahiya ito?"

"Adjutant Yan, tama ka. Sigurado ako na ang taong nagsumbong ay sinisipa na ang sarili ngayon habang nagsasalita tayo, sigurado ako na wala nang mangangahas na isumbong si Miss Xia sa hinaharap."

"Tama iyon, kakalabanin na namin siya hanggang kamatayan kung may mangangahas pang gawin ito!"

Ang lahat ay nagkamali kay Xinghe sa oras na ito pero kung may mangangahas pa na saktan si Xinghe sa hinaharap, hindi na sila makapapayag pa. Ganito ang patakaran sa militar. Matapos mo silang makumbinsi silang lahat, susuportahan ka na nila mula ngayon.

Tumawa ng tumawa si Yan Lu matapos marinig ang sagot ng lahat. "Mas mabuti ngayon. Tratuhin ninyo ng mas may respeto si Miss Xia sa hinaharap. Tulad ninyo, siya ang ating pag-asa at karangalan!"

"Tama iyon!" Tumango si Munan ng may maliwanag na ngiti, "Kung ang bawat isa sa atin ay magtatrabaho ng sama-sama, sigurado akong abot-kamay na natin ang ating tagumpay!"

"Sigurado!" Lahat ay sabay-sabay na sumagot. Ang kasiyahan ay napakataas. Maski ang Internal Affairs officers ay pinakiusapan na nila na huwag nang ituloy pa ang imbestigasyon. Naniniwala na silang lahat sa kakayahan ni Xinghe, at karapat-dapat siya sa posisyon ng second-in-command. Ang lahat ay isa lamang hindi pagkakaunawaan, at lubos na ang kanilang tiwala dito ngayon.

Nandoon din ang mga opisyales nang magkaalaman ang lahat kaya naniniwala sila kay Xinghe ngunit ang bureaucratic process ay kailangang gawin.

Nakipagtulungan sina Xinghe at Munan, sumunod sila sa mga opisyales para gawin ang ilang papeles at mabilis silang napakawalan.

Habang naglalakad, hindi mapigilan ni Munan na hindi ngumiti, "Big Sister Xia, hindi ito kapani-paniwala. Hindi na ako nagtataka kung bakit napakalalim at napakalaki ng tiwala sa iyo ni kuya; tila ikaw ang aming tagapagligtas."

"Habang nasa tabi ka namin, nakikini-kinita ko na ang mga mukha ng mga Feng na umaasim sa pagkatalo. Dapat ay tinawagan ka na ni kuya habang maaga, pero mas mabuti na huli kaysa hindi, mangyari ay tulungan mong pangalagaan kami mula ngayon."

Tumingin sa kanya si Xinghe at mahinang nagsabi na, "Ang totoo, hindi ko ito magagawa ng sarili ko lamang. Ang pinakamalaki mong asset ay ang tech team, sa pamamagitan lamang ng pagpapataas ng kanilang kagustuhang magtrabaho at matuto ay saka lamang makakamit ang tagumpay."

Naiintindihan na ni Munan ang ibig niyang sabihin. Pinanatili niya ang ngiti at humahangang nagkomento, "Kaya ba sinadya mong gawin ang mga bagay na iyon?"

Sadyaing bigyan sila ng isang imposibleng trabaho, para magreklamo sila at gamitin ang aktwal na talento at kakayahan para makumbinsi sila. Sa ganitong paraan, malalaman ng tech team kung gaano katagal silang kumikilos ng walang lakas at magtatrabaho na ng may pagsusumikap.

Bahagyang tumango si Xinghe.

Tinitigan ni Munan si Xinghe na tila isa siyang internasyonal na artista. "Big Sister Xia, ikaw na ang pinakamatalinong babae na nakilala ko. Kaya naman pala hindi ka mapakawalan ni kuya hanggang ngayon. Ikaw lamang ang tanging babae na minahal niya ng husto at nakuha mo ng buo ang puso niya."

Kahit na sa pagkakataong ito, hindi nakalimutan ni Munan na purihin ng kaunti si Mubai.

May kakaibang kislap ang mga mata ni Xinghe. "Magpapahinga na ako sa ngayon. Maaari na ninyong ituloy ang susunod na serye ng inyong pagsasanay; ang susunod na software ay malapit ng matapos."

"Sige, salamat ulit sa lahat. Ako na ang bahala sa iba pa."

Tumango si Xinghe para magpaalam. Sa sandaling umalis siya, nagmamadaling bumalik si Munan sa opisina para tawagan si Mubai at ibalita ang kasalukuyang sitwasyon.

Related Books

Popular novel hashtag