Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 394 - Na-miss Kita

Chapter 394 - Na-miss Kita

Ibinababa niya ang kanyang presensiyang militar kapag nakikipag-usap kay Mubai, na tila ba na isa siyang bata.

"Kuya, kakaiba talaga si Big Sister Xia. Gustung-gusto ko siya. Sa tingin mo ba ay napakatalino din niya? Hindi na nakakapagtaka na isang maliit na henyo ang aking little cousin. Sobrang napapahanga niya ako, tila siya ang aking diyosa." Napapabuntung-hininga pa si Munan habang lumalabas ang mga salitang ito sa kanyang bibig.

Napapasimangot naman si Mubai sa kabilang linya ng telepono, pakiramdam niya na ang kanyang pinakaiingatang sikreto ay nalalaman ng iba.

"Kahit gaano pa kahusay si Xinghe, wala itong kinalaman sa iyo; hindi mo kailangang matuwa ng husto," babala niya kay Munan, na isang bagay na hindi naman niya ginagawa ng madalas. Hindi nakuha ni Munan ang pakahulugan nito, at nagpatuloy pa, "Paanong wala itong kinalaman sa akin? Siya ang aking Big Sister Xia."

"Kahit na ba, siya pa din ay ang magiging sister-in-law mo. Mabuti na ang may kaunting respeto."

"Kuya, nagseselos ka ba sa akin?!" Dagdag ni Munan ng may pilyong ngiti pero mabilis niyang sinigurado ito, "Kuya, huwag kang mag-alala, respeto lamang ay mayroon ako para kay Big Sister Xia. Pero kailangan kong sabihin sa iyo na kailangan mo pang pag-igihan kasi mukkhang hindi pa siya nahuhulog sa iyo."

May tinamaan doon. Kaya malamig na sumagot si Mubai, "Mas lalong wala itong kinalaman sa iyo; mind your own business."

"Sige, sige. Pero maiba nga ako, kuya, kailan ka ba uuwi?"

"Hindi ko pa sigurado, baka matatagalan pa ng kaunti. Babalik ako sa lalong madaling panahon matapos ko ang mga bagay na nandito."

"Kuya, salamat. Magtatrabaho din ako ng husto para hindi mapahiya ang karangalan ng ating Xi family."

"Okay, iyon lamang. Ibababa ko na." Mabilis na ibinaba ni Mubai ang telepono dahil hindi na siya makahintay na tawagan si Xinghe. Matapos ang paliligo niya. Nakatanggap si Xinghe ng tawag mula kay Mubai.

"Hello." Sinagot niya ang tawag at may maganda ng hinala sa kung tungkol saan ang tawag na ito.

Tulad ng kanyang inaasahan, taimtim na sinabi ni Mubai na, "Narinig ko ang lahat kay Munan. Salamat at pasensiya ka na sa mga pinagdaanan mo."

"Wala iyon, sanay na ako."

Hindi niya gustong ipaliwanag ang kanyang sarili at wala siyang pakialam sa opinyon ng iba tungkol sa kanya dahil naniniwala siya, na sa bandang huli, ay mas matimbang ang paggawa kaysa sa mga salita. Kaya naman, hindi siya apektado sa pagdududa ng ibang tao o sa mga salita nila dahil alam niyang mapapatunayan niya ang kanyang sarili sa bandang huli at ang mga mapapahiya ay hindi naman siya. May tiwala siya sa sarili at hindi na iya kailangan pang mamaluktot o yumuko pa para naman pasiyahin lamang ang iba.

Ito ang gusto ni Mubai sa kanya. Ngumiti ito. "Siguro ay dapat na tawagan ko ang mga tao na lumaban sa iyo at humingi ng pasensiya… sa pagpapadala sa iyo sa landas nila."

"Iyan na ba ang lahat ng gusto mong pag-usapan?" Tanong ni Xinghe.

Kumurba ang labi ni Mubai para maging ngiti. "Siyempre hindi, may importanteng bagay akong gustong sabihin sa iyo."

"Ano?" Inisip ni Xinghe na may sasabihin itong bagay na importante, kaya naman itinuon niya ang buo niyang pansin para makinig.

Sa kabilang linya ng telepono ay sinabi ni Mubai ang mapang-akit na deklarasyon niya, "Na-miss kita."

Natigagal si Xinghe…

Bago pa siya maka-react, sinabi ni Mubai na, "Babalik ako sa lalong madaling panahon. Pag-ingatan mo ang iyong sarili at magpahinga ka ng maayos."

Matapos niyon, ibinaba na nito ang telepono. Tiningnan ni Xinghe ang telepono at inisip ang sinasabing importanteng bagay na gusto nitong sabihin sa kanya. So, na-miss pala siya nito…

Nahiga si Xinghe sa kanyang kama pero hindi siya tinatablan ng antok dahil abala ang kanyang isip. Ngayon ay naunawaan na niya na ang isip niya, at marahil pati na din ang kanyang puso, ay nagsimula ng maramdaman ang mga salita ni Mubai. Marahil ay nagtagumpay na ito na mapababa ang mga depensa niya…

Ang mga bagay ay nagagawa na ng tech team ayon sa plano ni Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag