Tumingin siya sa lahat bago idinagdag na, "Dahil ako ang humingi ng tulong kay Miss Xia, ibig sabihin nito ay naniniwala ako sa kakayahan niya. Marahil ay may dahilan siya sa likod ng pagsasaayos na iyan. Ang tanging hinihingi sa inyong lahat ay ang inyong pakikipagtulungan!"
"Pero nag-aalala lamang kami sa bilis ng pagsasanay ng lupon…" may isang nangatwiran.
Walang tuwa na tumawa si Munan. "Sa tingin ko ay wala nang mas nag-aalala pa kaysa sa akin." Dahil wala naman siyang sinasabi na kahit ano, bakit kailangan nilang mag-alala ng husto para sa kanyang kapakanan?
"Tama si Major, naniniwala kami sa abilidad ni Miss Xia. Sundin ninyo ang mga utos niya at gawin ang magagawa ninyo sa pinakamahusay na alam ninyo." Pumunta din doon si Gu Li para ipagtanggol si Xinghe.
Dumagdag din si Yan Lu sa malakas niyang boses, "Tama iyon, naniniwala kami kay Miss Xia, nagtitiwala kami sa talentong napili ni Major!"
Dahil tatlo na sa kanila ang nagsalita, ano pa ba ang masasabi ng mga ito?
"Sige, kung iyan pala ang kaso, susunod kami sa mga utos. Major, mauuna na muna kaming umuwi, paalam."
"Okay, salamat sa inyong lahat sa pagtatrabaho ninyo ng husto. Alam kong mahirap ang mga nakaraang ilang linggo." Hindi kinalimutan ni Munan na aluin sila. Sa wakas, tanging si Xinghe at ilan na lamang sa kanila ang naiwan sa silid.
Tinanong ni Munan si Xinghe, "Big Sister Xia, kumusta ka naman? Alam kong hindi naman malugod ang pagtanggap sa iyo ng grupo."
Umiling si Xinghe. "Ayos lang ako."
Hindi siya ganoon kahina, saka ang isang bagay na wala siyang pakialam ay kung ano ang iniisip sa kanya ng ibang tao.
Nagtanong si Xinghe matapos ang ilang sandali ng pag-iisip, "Ganoon kalaki ang pagtitiwala ninyo sa akin?"
Ngumiti si Munan. "Siyempre."
"Pero bakit?" Hindi ito maintindihan ni Xinghe. Kahit na sa kanyang pananaw, ang mga pagkilos niya nang araw na iyon ay dapat na magbibigay katanungan.
Nag-isip ng ilang sandali si Munan bago nagbigay ng sagot na nagpasorpresa kay Xinghe, "Dahil naniniwala sa iyo ang kuya ko."
Nabigla si Xinghe…
Ngumiti si Munan, "Dahil lubos ang tiwala niya sa iyo, kailangang ganoon din ako."
Iyon pala ay dahil sa tiwala ni Munai. Nanginig ang mga mata ni Xinghe at dinagdag niya na, "Hindi ko bibiguin ang tiwala ninyong dalawa sa akin."
"Alam ko. Big Sister Xia, gabi na, bakit hindi ka pa matulog sa hostel sa ngayon?" Payo ni Munan sa kanya.
"May kaunting trabaho pa akong gagawin. Mauna na kayo, aalis na din ako mamaya ng kaunti."
"Pero…"
"Kaunting sandali lang naman ito." Kumpirma ni Xinghe.
Pumayag na si Munan. "May mga taong magbabantay sa labas, tawagin mo sila kung may kailangan ka."
"Okay." Isinama na ni Munan sina Gu Li at Yan Lu paalis.
Sa wakas, tanging si Xinghe ang naiwan sa silid. Sinulyapan niya ang malawak at walang katau-taong lab bago naupo sa harap ng isa sa mga computer at nagsimulang magtrabaho…
Hindi ibinigay sa kanya ng mga technician ang kanilang mga kopya bago sila umalis kaya naman kailangan niyang kopyahin ang mga ito ng isa-isa…
…
Hindi nagtagal at sumikat na ang araw. Nagulantang ng pang-umagang horn call ang mapayapang pagbubukang-liwayway. Ang mga disiplinadong sundalo ay hinila na ang kanilang sarili paalis sa kanilang mga kama, handa na para sa bagong araw ng pagsasanay.
Nakatayo si Xinghe sa may bintana, pinapanood ang mga nagmamartsang lupon na dumaan ng nakasuot ng kanilang uniporme. Ilang araw na siyang nandito at nararamdaman niya ang kasiglahan sa loob ng kampo militar. Nararamdaman niya ang pulso ng buhay dito. Isa pa, nakikita niya ang hindi sumusukong kalooban ng bawat isa sa mga sundalo.
Doon niya naunawaan na nasisiyahan siya sa kanyang karanasan na nagtatrabaho doon, kung saan maliliwanagan ka sa karanasan.
Hindi nagtagal, ang mga miyembro ng tech team ay nagsipasok na din sa lab.