Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 390 - Pero Hindi Ko ito Gusto

Chapter 390 - Pero Hindi Ko ito Gusto

Tumutulong sila para sa kapakanan ng kanilang lupon, pero ngayon, ay mas higit na naiinis sila dito. Ito ay dahil iniisip nila na ang ginawa ni Xinghe ay puno ng kalokohan. Paano niya magagawang magbigay ng bagong trabaho kung ang dati ay hindi pa natatapos?

Ang lahat ay may kaunti pang hinanakit matapos ang nangyari kahapon. Nagsimula na din silang isipin na ginagamit ni Munan ang kanyang posisyon para sa pansariling kapakanan. Sa anumang kaso, nagsimula na silang pagdudahan at pag-isipan ng masama ang kanilang Major…

At sa pagkakataong iyon, isang grupo ang pumasok sa lab. Ang nasa unahan ay natural na si Munan, at pagkatapos ay ang grupo ni Yan Lu. Sumusunod sa kanila ay tatlong opisyal mula sa Internal Affairs Department. Ang mga technician ay nagulat habang pinapanood ang Internal Affairs officer na pumasok sa kanilang lab.

Gayunpaman, sa sumunod na segundo, nahuhulaan na nila kung bakit. Hindi inaasahan, hindi nagtagal ay nagtanong si Munan, "Nandito ba si Xinghe?"

"Hindi pa siya dumadating." Mayroong agad na sumagot.

"Sino ang naghahanap sa akin?" Ang mahinang boses ni Xinghe ay umalingawngaw mula sa main control room habang lumalakad ito palabas. Nagulat ang buong lab, wala silang ideya na nandoon na siya. Ang tatlong opisyales ay agad na lumapit.

"Ikaw si Xia Xinghe?" Ang pinuno ng mga lalaki ang nagtanong.

"Ako nga." Tumango si Xinghe. Nakita ng mga mata niya ang kaseryosohan sa mga maiitim na mata ni Munan. Mukhang may gulong namumuo.

"Miss Xia, ikinagagalak kitang makilala. Kami ay mula sa Internal Affairs Department. Nakatanggap kami ng ulat ngayong umaga na nakuha mo ang posisyon ng second-in-command para sa tech department kahit na hindi ka kwalipikado. Nilalabag nito ang mga patakaran at panuntunan sa militar. Kaya naman, hinihingi namin na sumunod ka sa amin para matulungan kami sa aming pag-iimbistiga."

Nag-aalala si Munan na baka natatakot siya kaya mabilis nitong idinagdag, "Xinghe, iimbestigahan din ako. Huwag kang mag-alala, pormalidad lamang ito."

Pinasadahan ni Xinghe ng tingin ang silid ng mga technician at nakita na marami sa mga ito ay labis ang katuwaan. Halata naman na ang taong nagsumbong ay galing sa silid na ito. Hindi niya inaasahan na irereklamo din ng taong ito si Munan.

Tiningnan ni Xinghe ang mukha ng lahat at nagtanong, "Sino sa inyo ang gumawa ng reklamo?"

Hindi nila inaasahan na itatanong niya ng hayagan ang tanong na ito. Isang taong tanga lamang ang aamin na sila ang gumawa!

"Isang bagay na ang pagdudahan ang kakayahan ko , pero ang ireklamo ako? Mukhang may tao talaga na may galit sa akin," diretsang sabi ni Xinghe.

Napasimangot ang mga opisyales. "Xia Xinghe, ano ang ibig mong sabihin dito? Ang Internal Affairs Department ay hindi kagamitan ng kung sinuman para parusahan ang iba. Kami na nasa militar ay laging pinaluluguran ang pagrereklamo ng mga unlawful conduct!"

"Ang katotohanan ay ayoko ng tinatrato ng ganito," malamig na komento ni Xinghe.

Natigagal ang mga nasa silid…

Hindi ba't masyado siyang mayabang?!

Kahit si Munan ay nagitla sa katotohanan na ang maaanghang na salita ay nagmula sa bibig ni Xinghe.

Napikon na ang mga taga Internal Affairs na opisyales. "Xia Xinghe, sumunod ka sa amin para makumpleto na ang imbestigasyon ngayon!"

Tumawa si Xinghe. "Sige, pero bago iyon, gusto kong malaman ng taong nagreklamo sa akin na malaman na kahangalan ang ginawa nilang pagkilos."

Hindi na ito matanggap pa ni Shu Mei. "Xia Xinghe, ano'ng klaseng pag-uugali ba ito? Kailangan mo pa bang maghiganti dahil may nagdududa at inireklamo ka? Isa pa, ang pagrereklamo sa iyo ay para sa kapakanan ng lupon!"

"Tama si Sister Shu. Kung ganoon ka kagaling, bakit ka natatakot na maisumbong?"

"Siguro dahil alam niyang hindi siya kwalipikado!"

"Sigurado iyan, bakit niya tayo babantaan bilang ganti?"

"Bantaan?" Tumawa si Xinghe. "Sasabihin ko itong muli. Ang tingin ko sa lahat ng ito ay isang kahangalan!"