Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 388 - Ako ang Aako ng Responsibilidad

Chapter 388 - Ako ang Aako ng Responsibilidad

"Sinabi ko sa inyo na hindi natin matatapos ito eh."

"Nasaan na ba iyang si Xia Xinghe? Sabihin ninyo na pumunta at tingnan ito ng siya mismo. Paano natin matatapos ang isang misyong napaka-demanding?"

Sa sandaling naisatinig ang reklamong ito, biglang lumabas mula sa main control room si Xinghe. Ang mga mas nakakatandang technician ay agad na nagmadaling lapitan siya para pagalitan.

"Miss Xia, tingnan mo ito. Ang bawat isa sa amin ay ginawa ang aming makakaya pero hindi talaga namin matapos ang trabaho. Ang pasasaayos mo ay mali, puro at napakasimple. Pabababain lamang nito ang ating morale!"

"Hindi naman sa dahil ayaw naming makipagtulungan sa iyo, dahil ginawa naman naming lahat, pero halos lahat kami ay hindi natapos ang trabaho namin."

"Kaya nga sinabi ko sa iyo na hindi mo alam ang trabaho namin at hindi dapat na nagpunta dito para magkunwaring pinuno eh," sarkastikong dagdag ni Shu Mei.

Nagalit ang lahat. Isang bagay kung ang misyon ay isang tagumpay pero ang pilitin para matalo ay nagpainis ng ilang tao. Kung hindi dahil sa kakaibang katauhan ni Xinghe, pagagalitan pa nila ito ng mas matindi.

Hindi naman tanga ang mga taong ito. Maaaring mababa ang pagtingin nila kay Xinghe pero hindi sila mangangahas na talagang galitin ito. Isa pa, nasa militar sila at si Xinghe ay mas mataas ang ranggo kaysa sa kanila.

Tahimik na nakinig si Xinghe sa mga reklamo nila at tumango. "Hindi bale kung natapos ninyo ang trabaho o hindi, ipadala ninyo sa akin ang lahat ng kopya ninyo. Ako ang magsasaayos ng misyon para bukas."

Ipinasa ni Xinghe sa tauhan na itinalaga sa kanya ni Gu Li ang isang bungkos ng mga dokumento. "Ipasa mo ito sa lahat."

"Oo." Kumilos ang tauhan para sumunod. Ang mga tao sa silid ay natigagal na mapanood ito.

"Miss Xia, hindi pa namin natapos ang mga bagay na nasa aming mga kamay at binibigyan mo na kami ng mga bagong asignatura?"

"Ano ang pinaplano mong gawin? Ito ang militar hindi isang kumpanya sa labas, hindi isang bagay na kung saan magagawa mo ang lahat ng gusto mo!"

"Wala kang ideya kung paano gumagana ang militar! Paano mo nagagawa ang mga bagay ng padaskul-daskol lang?"

"Nasaan si Leader Gu, papuntahin ninyo siya dito at para malaman niya kung paano pinapatakbo ng taong ito ang grupo! Isa itong bloody mess!"

Sa wakas, sumabog na ang mga nasa silid. Ang pagsasaayos ni Xinghe ay masyadong magulo. Paano niya bibigyan ng bagong asignatura ang mga ito kung ang kasalukuyang gawain ay hindi pa natatapos?

"Miss Xia, huwag mong sabihin na gusto mong pagtrabahuhin kami ng buong magdamag para matapos ito at bigyan kaming muli ng panibagong asignatura bukas?" Masungit na tanong ni Shu Mei. Mahahalata ang panghahamak sa tinig nito.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Ibigay ninyo sa akin ang lahat ng kopya at maaari na kayong umuwi na lahat. Maaari na kayong magpatuloy sa trabaho bukas, kung may anumang isyu, ako lamang ang aako ng lahat ng responsibilidad!"

"Paano mo eksaktong gagawin lahat ng iyan?"

"Hindi ka naman tunay na tao ng militar, isa ka lamang civilian agent, paano mo aasahan na akuin ang mga kahihinatnan nito?" May hindi nasisiyahang nagreklamo.

Bago pa nakasagot si Xinghe, ang mababang boses ni Munan ay biglang lumitaw sa silid.

"Kung ganoon ako na ang aako ng mga kalalabasan, sapat na ba iyon?"

Nagulantang ang madla habang lumingon ang mga ito para tingnan siya!

Nakasuot ng full army uniform si Munan, at napakagwapo niya dito. Sa likod niya ay sina Gu Li at Yan Li.

Ang mga senior technician ay agad na pumalibot sa kanila, "Major Xi, ang Miss Xia na ito ay hindi man lamang alam kung paano magpagana ng computer, tingnan ninyo siya…"

Itinaas ni Munan ang kamay para tumigil sila.

"Alam ko."

"Kung alam mo, bakit mo siya hinayaan na gumawa ng kaguluhan? Ito ang military, hindi palaruan ng bata!"

"Alam naman pala ninyo na ito ang military, kaya bakit ninyo hayagang sinusuway ang utos sa inyo?!" Maawtoridad na utos ni Munan. Napatahimik nito ang buong silid.

Related Books

Popular novel hashtag