Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 372 - Durugin ng Pino ang Xi Family!

Chapter 372 - Durugin ng Pino ang Xi Family!

Tumawa ng may kalupitan si Saohuang nang matanggap niya ang sagot. "Mabuti! Sa pagkakataong ito, ipapalasap ko sa kanila ang desperasyon!"

Si Sun Yu, na nakasuot ng gold-rimmed na salamin, ay bahagyang ngumiti. "Kagabi, nakagawa pa sila ng ilang istratehiya. Hindi naman ito masama, pero, wala na itong silbi ngayon."

Mayabang na tumawa si Saohuang. "Well, ang mga walang kwentang tao lamang ang makakagawa ng mga walang kwentang plano. Panoorin mo ako, mula sa pagkakataong ito, personal kong dudurugin ng pino ang Xi family!"

"Congratulations, boss." Puri ni Sun Yu.

Nagpatuloy sa pagtawa si Saohuang. Nakikita na niya na abot-kamay na niya ang tagumpay. Siyempre, ang puntirya ng buhay niya ay mas higit pa sa pagtatagumpay sa maliit na paligsahang ito. Isang araw, mapupunta sa ilalim ng kanyang mga paa ang buong mundo. Ang puntirya niya ay ang pinakatuktok ng human pyramid! At makakarating siya doon sa pamamagitan sa pag-apak sa mga bangkay ng patay na Xi family!

Ang bawat isang drill sa loob ng militar ay pinakaaabangan. Gayunpaman, ang partikular na drill na ito ay mas nakakaagaw ng pansin kaysa sa normal dahil ito ay nakadepende sa pagkabuhay o kamatayan ng parehong lupon. Ito ay siguradong mahirap na makabalik mula sa maagang pagkatalo. Isa pa, ang mga nakatataas ay nagbigay lamang sa kanila pareho ng anim na buwan para maghanda. Hindi nila makakayanang magkaroon ng pagkakamali o ang tagumpay ay makukuha mula sa kanila. Kaya naman, ang dahilan ng paligsahang ito, ang bawat partido ay nangako na manalo at bigyan ng malaking pinsala ang morale ng kanilang kalaban!

Mula sa pananaw ni Munan, kahit na mas mahusay ng kaunti ang lupon ni Saohuang, hindi naman ganoon kalayo ang kakayanan ng kanyang mga tauhan. Kapag ibinigay nila ang lahat, may tsansa silang manalo. Ang kaisipang ito ay pinagsasaluhan ng kanyang buong lupon. Alas, hindi nila inaasahan na darating ang kanilang pagkatalo!

Ang kanilang inisyal na pag-asa at tiwala ay lubusang nabura ng katotohanan. Ang kanilang pagkatalo ay lubos na sobrang nakakatawa ito. Nasa kanila ang lakas pero, sa ibang kadahilanan, patuloy na dumarating ang kanilang pagkatalo…

Air combat, TALO!

Marine combat, TALO!

Ang final ground combat ay halos malapit na ding matalo…

Hindi maiwasan ni Munan na magulat sa kinalalabasan na ito. "Paano ito nangyayari?"

Ito ang pinakamalaking pagkatalo na naranasan niya sa kanyang buhay sa militar. Ang kanyang adjutant, si Yan Lu, na lumaban sa tabi ni Munan mula halos sa pinakaumpisa ay hindi rin ito mapaniwalaan. "Ito ay imposible!"

Malakas na napahampas siya sa mesa at ang salamin na nasa ibabaw nito ay nagsimulang mabasag. "Ang mga sundalo natin ay hindi ganoon asama. Tayo ay isang military unit na nakatalo na ng maraming internasyonal na ilegal na organisasyon dati, kaya paano tayo natatalo ng ganito kasama?!"

Sa loob ng lupon na ito, marami ang sumunod kay Munan mula sa pagsisimula ng kanyang karera. Sila ay mga kasamahan nila na magkakasama sa mahihirap na hamon, tulad ng pagtalo sa mga drug lords, mga paghihimagsik, at iba pang kriminal na organisasyon…

Tulad sila ng matalim na kutsilyo; walang makakaharang sa kanilang landas. Kahit gaano pa kalakas ang kanilang kalaban, hindi sila lubusang matatalo. Gayunpaman, para sa paligsahang ito, ang lupon ni Saohuang ay nilampaso sila sa sahig. Naubos sila ng wala man lamang napapatay na kahit isa sa mga sundalo ng kanilang kalaban.

Related Books

Popular novel hashtag