Ang dali ng pagkakatalo sa kanila ng lupon ni Saohuang ay nagpapakita lamang ng lubos nilang pagkukulang. Ang pagkatalo ng ganito kalaki ay mahirap para kanino na tanggapin.
"Report!"
Sa oras na ito, isang naghihilahod na sundalo ang nagmamadaling pumasok. "Sir, ang mga kalaban natin ay nasira na ang huling linya ng ating depensa, mabilis nila tayong matatalo!"
"F*Ck, ako na mismo ang papatay sa kanila!" Ibinagsak na naman ni Yan Lu ang kanyang kamay sa mesa habang pinupulot niya ang isang drill-specified laser gun.
Tumayo sa harapan niya si Munan at seryosong sinabi, "Sasama ako sa iyo, kapag nabigo tayo, mabigo tayong lahat ng magkakasama!"
"Lumarga na tayong lahat kung ganoon!" Ang lahat ay kinuha na ang kanilang laser na mga baril, preparado na makipaglaban hanggang sa huli sa kanilang mga kaaway. Marahil ay isa nga lamang itong drill, pero tinatrato nila ito tulad ng isang tunay na labanan. Napupuno sila ng kalungkutan at galit na harapin ang nalalapit na pagkatalo. Gayunpaman, kahit na personal na silang pinamumunuan ni Munan, ang kanilang pagkatalo ay hindi na maiiwasan.
Inaantantala lamang nila ang kanilang hindi mababagong pagkatalo. Ang kanilang mga istratehiya ay nalaman na bago pa magsimula ang giyera. Kapalaran na nila ang matalo. Nang nasabi at nagawa na ang lahat, nagkaroon ng pagdududa sa sarili si Munan sa kanyang isip, pero mabilis niya itong iniwaksi sa kanyang isipan. Siya ang pinuno. Siya ang tanging tao na hindi dapat maapektuhan ng ugaling sanay na matalo!
Isa pa, ang isang pagkatalo ay hindi nangangahulugan ng pagkatalo sa lahat. Ang tunay na drill ay ilang buwan pa ang layo. Gayunpaman, mula sa pananaw ng lupon ni Saohuang, ang kalaban nila ay talunan na.
"Isa lamang itong maliit na drill, talaga bang kailangan ni Major Xi na sumali sa laban?" Lumapit si Saohuang patungo kay Munan at nagkomento ng may nakakainis na ngisi. Kumpara kay Munan, na puno ng putik sa kanyang uniporme, wala mang lamang bahid ng dumi kay Saohuang.
Sa mga nakaraang araw ng itinagal ng drill, pinangunahan niya ang kanyang grupo mula sa likuran. Hindi siya sumali ni minsan sa aktwal na labanan. Agad na kinakitaan ng pagkakaiba ang dalawa. Si Munan ang halatang talunan…
Ang pagkatalong ito ay isang lubos na kahihiyan.
Gayunpaman, nanatiling kalmado si Munan, ang tingin niya ay matalim pa din tulad ng dati. "Ano ang masama kung personal na sumali sa labanan? Ito ay ang karangalan ko na makipaglaban kasama ang aking mga kapatid."
Umismid si Saohuang. "Siyang tunay, na ang isa ay makakita ng ikararangal kahit na sa mga pagkakatalo."
Ang mga salita nito ay puno ng sarkasmo.
Ang komentong ito ang nagpainis kay Yan Lu. "Feng Saohuang, maglaban tayo ng one-on-one kung nangangahas ka! Ang pagkatalong ito ay hindi dapat nagtatakda ng aming kakayanan, ang isa sa mga tauhan namin ay madaling mapapatay ang kahit sa mga tauhan mo!"
Binigyan siya ni Saohuang ng isang nakakakilabot na tingin at nang-uyam. "Talaga, nakakahanga ang mga tao mo, sobrang nakakatalo na hindi halos ginamit ng mga tao ko ang kanilang buong lakas para durugin kayong lahat. Alam mo ba kung ano ang bilang ng namatay sa lupon ko?"
Sa ilalim ng malungkot na tingin nina Munan at ng kaniyang adjutant, ang mga salita ay lumabas sa bibig ni Saohuang. "Dalawampung porsiyento."
Nahulog ang mukha ng grupo ni Munan. Dalawampung porsiyento lamang…
Habang ang kanila ay dumanas na ng animnapung porsiyento at patuloy pa itong tumataas!
Ang malaking pagkakaiba na ito ay ipinapakita kung gaano sila natalo ng lubusan. Isang panig ng patayan ito. Habang kaharap ang nakakagulat na statistic na ito, ang grupo ni Munan ay halos wala ng lakas para makaisip pa ng salitang igaganti. Ang atmospera ay lalo pang bumaba.
Tinapik ni Saohuang si Munan sa balikat ng may nanghahamak na ngiti at inalo siya, "Pero huwag mong hayaang malungkot ka. Isa lamang itong test drill. Baka sa susunod na pagkakataon ay mabaliktad mo ang mga pangyayari. Major Xi, good luck. Sa susunod ay bigyan mo naman ng magandang hamon ang mga tauhan ko."