Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 367 - Ang Date Ngayon

Chapter 367 - Ang Date Ngayon

"Mabuti, so magkakaroon tayo ng movie date pagkatapos ng brunch." Kumurba ang mga labi ni Mubai para ngumiti. Masyado na siyang nasasabik sa kanilang lakad. Wala pa siyang nai-date dati kaya sinunod niya ang tradisyunal na ruta. Ayon sa ruta na itinuro sa kanya ni Munan, matapos ng sine ay ang kape, at pagkatapos ay hapunan. Sa wakas, sinabi ni Munan na kapag matagumpay ito, mauuwi ito ng pagbisita pabalik sa bahay o sa isang hotel…

Isang malalim na V ang lumitaw sa pagitan ng mga kilay ni Mubai nang isipin niya ang huling bagay sa kanyang plano. Kapag iminungkahi niya ito kay Xinghe, may posibilidad na patayin siya nito. Kaya naman, nagdesisyon siya na magkasya na lamang sa sine at pagkain sa ngayon.

Hindi itinayo ang Roma ng isang araw at ang panliligaw ay siguradong mas matrabaho pa kaysa doon. Tulad ng dati, palaging may bagay na sisira ng kanyang plano. Tumigil ang kanilang kotse sa may street food carnival. Kailangan nilang bumagal dahil sa dami ng tao.

Tumuro si Lin Lin sa labas ng bintana ng may pananabik. "Mommy, ano ang ginagawa nila?"

Hindi pa niya naranasan ang isang food carnival dati.

"Isa itong food carnival. Nagbebenta sila ng maraming klase ng pagkain dito."

Natuon ang mga mata nito sa maraming klase ng street food, at sabik itong nagtanong, "Pwede ba natin itong subukan?"

"Gusto mo ba?" Tanong ni Xinghe.

"Oo, hindi ko pa natitikman ang kahit ano sa mga klase ng pagkaing iyan dati." Naglalaway na ang maliit na bata habang pinanonood ang makukulay na display ng mga pagkain.

Agad na pumayag si Xinghe, "Okay, kung gayon ay tayo na."

Sumagot si Mubai, "Pero ipinareserba ko na ang restaurant."

"Hindi na kailangan pang magmadali, hayaan mong magsaya si Lin Lin." Si Xinghe ay 100 porsiyentong maka-Lin Lin. Ang tanging dahilan na pumayag siya sa date na ito ay para samahan ang kanyang anak kaya hindi niya tatanggihan ang mga kahilingan nito, at hindi naman tatanggihan ni Mubai ang kanyang kahilingan.

"Sige, itigil ang kotse." Utos ni Mubai sa kanyang tsuper.

Habang naghahanda silang bumaba, biglang binalingan ni Lin Lin si Mubai at sinabi, "Daddy, hindi ka pwedeng lumabas ng ganito. Makikilala ka ng mga tao. Masyadong makakasagabal ito."

Para sa date na ito, nagsuot ng mamahaling custom suit si Mubai. Ang tuxedo ay niyari ng kamay at nagkakahalaga ng ilang daang libo. Talagang nakaka-agaw pansin ito. Kahit ang mga tao na hindi nakakakilala sa kanya ay tititigan siya.

Kaya nga sinabi ko na dapat ay dumeretso na kanina sa restaurant. Reklamo ni Mubai sa loob-loob niya. Ipinareserba pa niya ang buong restaurant.

"Bakit hindi mo na lamang kami hintayin sa kotse, ako na lamang ang sasama kay Lin Lin," mungkahi ni Xinghe.

"Tama iyon, Daddy. Sasama ako kay Mommy." Tumatangong pagsang-ayon ng maliit na bata.

Binigyan ni Mubai ng isa pang sulyap ang kanyang anak. Napansin niya ang isang damitan na panglalaki sa hindi kalayuan. Sinabihan niya ang mga ito, "Mauna na kayong dalawa. Susunod ako, huwag kayong lalayo masyado."

Naintindihan ni Xinghe ang pinaplanong gawin nito kaya tumango siya bago inakay palabas ng kotse si Lin Lin. Masunuring sumunod sa kanya si Lin Lin. Kumikislap ang mga mata nito sa kainosentehan at interes, gusto niyang masubukan ang lahat ng kanyang nakikita.

"Mommy, ano iyon, gusto mo bang sumubok ng isa?"

Matalino ang maliit na bata. Imbes na sabihin na gusto niya ito pra sa kanyang sarili, tinatanong niya si Xinghe kung gusto nito na subukan ang mga iyon.

"Isa iyong sugar doll. Sige, subukan natin ang isa," natural ay naintindihan ni Xinghe ang plano nito at bumili ng isa para dito.

Kumagat si Lin Lin sa sugar doll na hugis unggoy at nasorpresa sa tamis nito. Inisip niya na napakasarap nito, mas masarap kaysa sa mga pagkain na natikman niya dati.

"Mommy, napakasarap nito. Heto, kumagat ka." Ipinasa niya ito kay Xinghe ng buong sigla.

Yumuko si Xinghe para kumagat at nagkumento ng may ngiti, "Masarap nga siya."

Masayang ngumiti si Lin Lin bago tumuro sa isa pang klase ng pagkain sa hindi kalayuan. "Mommy, ang meatball na bagay na iyon ay mukhang masarap din."