Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 368 - Paluguran Natin Siya

Chapter 368 - Paluguran Natin Siya

"Halika't tingnan natin kung gayon…"

Matapos noon, kahit na ano pa ang sabihin ni Lin Lin na interesado siya, binibili ito ni Xinghe para sa kanya. Tulad nito, ang mag-ina ay kumakain sa halos lahat ng tindahan na nandoon. Nang sa wakas ay dumating si Mubai na nakasuot ng normal na hitsurang damit, busog na sila. Gayunpaman, kahit na sa normal na kasuotan, masyado pa din siyang nakakaagaw ng pansin kaya kinailangan niyang magsuot ng pares ng sunglasses.

"Daddy, busog na kami. Ano ang gusto mong kainin?" Maalalahaning tanong ni Lin Lin habang naglalakad siya palapit.

Nasorpresa si Mubai. "Busog ka na?"

"Tama po iyan. Nabusog na po kami ni Mommy, napakaraming masasarap na pagkain dito, subukan mo po!"

"Kung gayon ay pupunta na tayo sa restaurant!" Angil ni Mubai sa pagitan ng nagtangis na ngipin bago tumalikod para umalis. Nagpakahirap pa siya na magpalit ng kasuotan at natapos na ang mga itong kumain ng wala siya…

Malungkot si Mubai habang papunta sa restaurant. Mukhang nababasa ni Lin Lin ang kanyang kondisyon at nang-aamo na inalok, "Daddy, ang totoo pupwede pa akong kumain…"

Tahimik si Mubai. Ang lahat ay ayos lang pero nag-aalala siya na baka hindi na makakain pa ng kahit isang subo si Xinghe.

Tama nga siya. Sa magarbong restaurant, iilan lamang ang naisubo ni Xinghe mula sa masasarap na inihanda ng chef para sa kanila. Pareho din ito ng kay Lin Lin. Nakailang subo lamang sila bago ibinaba ang kanilang mga kutsilyo at kutsara. Sa halip, ang dalawa ay nagsimulang mabagal na sumipsip sa kanilang baso ng tubig. Nawalan na din ng ganang kumain si Mubai na nakaupo sa kanilang tapat.

"Inirekomenda ito ng chef, subukan mo ito, " sinabi niya habang tinutulungan si Xinghe sa malaking parte ng lobster.

Hindi na talga makakain ng isa pang subo si Xinghe pero nahihiya siya na tanggihan ang kabutihan niya kaya humiwa siya ng kaunting karne para paghatian nila ni Lin Lin. "Heto, kumain ka din. Tutulong ito na mas mabilis kang lumaki."

"Okay." Hindi na rin makakain ng isa pang subo ang bata, pero dahil bigay ito sa kanya ni Xinghe, pinuwersa niya ang sarili na kainin ito. Isang nahihirapang Lin Lin ang hiwa ang maliliit na piraso ng karne ng lobster para sa mas maliliit na piraso at nagsimulang ngatngatin ito. Walang magawang napabuntung-hininga si Mubai habang tinitingnan ang dalawa pero positibo pa din ang kanyang iniisip.

"Ano kaya kung laktawan na natin ang pananghalian at manood na tayo ng sine?"

Ayon sa kanyang pananaliksik, ang makabagbag-damdaming romansa ay makakapagpabuti ng relasyon ng isang magkapareha kaya naman iyon ang ginawa niya.

Gayunpaman, nang dumating na sila sa sinehan, agad na naakit sa poster ng isang bagong labas na pambatang panoorin si Lin Lin.

"Mommy, panoorin natin ito, sa tingin ko ay napakainteresante nito!"

Inirekomenda ng bata ang pelikula kay Xinghe nang kumikislap ang mga mata. Sa kanyang pananaw, ang animation ay hindi lamang maaksyon pero makakatulong din sa kanyang pag-aaral, kaya magugustuhan din ito ni Xinghe. Pumayag si Xinghe sa kagustuhan niya ng may ngiti.

Hindi na hahayaan pa ni Mubai na sirain na naman ng kanyang anak ang isa pa niyang plano kaya sinabi niya, "Naireserba ko na ang tiket para sa ibang pelikula. Kung gusto mong panoorin ang animation na ito, maaari naman tayong pumunta sa susunod."

Hindi na naghintay pa ng sagot, pumasok na siya sa loob ng sinehan. Nagkatinginan sina Xinghe at Lin Lin at walang salitang nag-usap.

Nagkibit-balikat si Lin Lin at nagpaliwanag, "Iyan si Daddy para sa iyo, minsan ay may pagka-bossy siya."

"Napansin ko nga."

"Paluguran na lamang natin siya sa pagkakataong ito."

"Sige."

Nagdesisyon ang dalawa na magbigay. Nasiyahan si Mubai dahil ang mga bagay ay nasusunod na din sa plano niya sa wakas. Naupo siya sa tabi ni Xinghe, sabik na maranasan ang pakiramdam ng romansa kasama ito.

Gayunpaman, hindi interesado si Xinghe sa romansa at si Lin Lin ay nalilito. Hindi nagtagal para sa bata na magsimulang humikab sa pagkainip.

Sa wakas ay hindi na mapigilan ni Xinghe kundi magmungkahi, "Halika na at panoorin natin ang animation. Mas interesado ako doon."

Related Books

Popular novel hashtag