Chapter 363 - Ang Boss

Ang mundo ng kanyang kapatid ay dating malaki at sapat lamang para sakupin ang pamilya niya. Kahit na masaya siya na ang limitasyon ng kanyang mundo ay mas lumawak, hindi niya maiwasan na maramdaman na inilalayo ito sa kanila. Si Mubai at Munan ay halatang may pagtingin sa kanyang kapatid, kahit na ang pagmamahal ng mga ito ay malaki ang ipinagkaiba. Hindi masabi ni Xia Zhi kung natutuwa siya sa pagbabagong ito.

Galit na isinubo niya ang kanin sa kanyang bibig at nabigo siyang mapansin na may isa pang lalaki sa mesa na ganoon din ang ginagawa. Pareho ng nararamdaman si Xiao Mo tulad ng kay Xia Zhi, pero ang galit niya ay nakadirekta sa kanyang sarili. Nalaman niya na kung gaano siya kawalang-halaga para magkaroon ng espasyo sa mundo nito.

Ang mundo niya ay masyadong maganda at marami ang may gusto na maging bahagi nito. Alas, hindi siya pinalad na maging isa sa mga iyon…

Matapos nilang pumasok sa kanyang study, naging seryoso si Munan at pinasalamatan siya ng mataimtim. "Big Sister Xia, iniligtas mo ang buhay ko ngayonl mula ngayon, lapitan mo ako kung kailangan mo ang tulong ko at gagawin ko ito kahit na ano pa ito!"

"Hindi ko naman puntirya na tulungan ka, gusto ko lamang ibaba ng ilang antas si Feng Saohuang," diretsong sagot ni Xinghe.

"Kahit pa, hindi naman maikakaila na malaki ang itinulong mo sa akin. Habambuhay ko itong aalalahanin."

Hindi na gusto pang ipagpatuloy ni Xinghe ang ganitong usapan kaya binalingan niya si Mubai, "Ano ba talaga ang gusto ninyong pag-usapan natin?"

"Maupo muna tayo," garalgal na sabi ni Mubai. Matapos niyon, sinabi ni Mubai na, "Ang salarin sa likod ni Zhou Jiaming ay nabunyag na pero hindi ito si Feng Saohuang."

"Sino ito kung ganoon?" Mauunawaan kung bakit nalito si Xinghe.

"Hindi pa malinaw sa amin kung ano ang katauhan ng taong iyon. Ang alam lamang namin ay ang taong ito ay malalim ang relasyon sa isang internasyonal na organisasyong militar. Ang buong operasyon ay ang utos ng organisasyong ito. Ang mga nakaw na armas na nakuha ni Munan ay pag-aari nila, kaya inutusan nila si Jiaming na nakawin ito pabalik."

"So, wala talaga itong kinalaman kay Feng Saohuang?" Tanong ni Xinghe. "Hindi ako naniniwala doon."

Nagpatuloy si Mubai, "Kahit man ako. Pero, ayon kay Jiaming, mayroong isang malaking boss na nagkokontrol ng organisasyon na ito pero wala siyang ideya kung sino, hindi nito ipinapakita ang sarili at ito ang humahawak ng lahat ng mga pagpaplano ng operasyon mula sa dilim. Ang utos ng boss ay napupunta sa kanya sa pamamamagitan ng walang mukhang internasyonal na organisasyon. Sa madaling salita, habang maraming miyembro ang organisasyon, maliban sa boss, wala nang nakakaalam kung sino ang iba pang ahente. Napakaingat nila dahil ang bawat utos ay nagmumula sa organisasyon at walang solong tao. Sa paraang iyon, kahit na nahuli ang isang ahente, hindi nila maibubunyag ang katauhan ng isa pang ahente."

"So, maaari kayang si Feng Saohuang ang maging boss?" Hula ni Xinghe, "Ang puntirya ng operasyon na ito ay direktang nakatutok sa Xi family; siya ang lubos na makikinabang dito."

"Sang-ayon ako sa iyo." Tumango si Mubai.

Sinabi ni Munan sa mababang tinig, "Sino ang makakapag-isip na si Feng Saohuang ay sangkot sa maraming ilegal na gawain? Kung makakakuha tayo ng ebidensiya nito, siguradong katapusan na niya!"

Sinabi ni Xinghe, "Ang malungkot doon, hindi natin siya masusukol sa pamamagitan ni Zhou Jiaming."

Dahil hindi pa pisikal na nagkatagpo ang dalawang ito.

Tumingin si Mubai kay Xinghe at sinabi, "Iyan ang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Saglit akong aalis ng bansa."

Bahagyang nanginig ang mga mata ni Xinghe. "Gusto mong personal na mag-imbestiga sa organisasyong ito?"

Dapat ay nalaman na niya na mahuhulaan nito iyon. Tumango si Mubai. "Oo, ito ang tanging paraan na maididiin natin ito kay Feng Saohuang. Kahit na ang boss na iyon ay hindi si Feng Saohuang, pinupuntirya pa din nila ang aking Xi family, kailangang mapalabas ko silang lahat."

"Sigurado ka ba na ayos lang sa iyo na magpunta na mag-isa?" Tanong ni Xinghe, pero hindi niya maitago ang pag-aalala sa kanyang boses.

Related Books

Popular novel hashtag