Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 364 - Pagsundo kay Xinghe kasama si Lin Lin

Chapter 364 - Pagsundo kay Xinghe kasama si Lin Lin

Dahil sa iimbestigahan niya ang isang mapanganib na iligal na organisasyong armado. Narinig ni Mubai ang pag-aalala sa boses niya at hindi nito maiwasang hindi ngumisi. "Kailangan kong gawin. Sa personal na pagpunta ko lamang malalaman ang tungkol sa organisasyong ito at baka makakuha din ako ng ilang pruweba."

"Kailan ka aalis?"

"Sa loob ng dalawang araw."

Tumango si Xinghe at hindi na nagsalita pa. Sinabi lamang nito na, "Matapos mong malaman ang iba pang katauhan at istraktura ng organisasyon, ako na ang bahala sa iba pa."

Itinaas ni Mubai ang kanyang kilay pero naiintindihan niya kung ano ang ibig sabihin nito.

"Okay." Hindi niya tinanggihan ang alok nito.

Hindi naman naintindihan ito ni Munan. "Big Sister Xia, ano ang ibig mong sabihin na ikaw na ang bahala sa iba pa? May mga paraan ka para matunton ito pabalik kay Feng Saohuang?"

"Tama iyon." Tumango si Xinghe.

Nanlaki sa pagkabigla ang mga mata ni Munan. "Talaga? Pero paano mo magagawa iyon? Kahit na ang impormasyon sa organisasyon, masyadong mahirap na ikunekta ang mga ito kay Feng Saohuang.

Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Mahirap oo pero hindi imposible. Hanggang nakipag-ugnayan siya sa organisasyong ito ng ilang paraan, magagawa ko itong mapatunayan."

Gamit ang computer at koneksyon sa internet, walang impormasyon na makakaiwas sa paningin ni Xinghe. Alam ni Munan na magaling siya sa computer at ngayon ay naunawaan na niya kung ano ang ibig sabihin nito. Agad niyang itinaas ang kanyang hinlalaki kay Xinghe at ang kislap ng paghanga sa kanyang mga mata ay tumaas. Hindi nakakaramdam ng pagmamalaki si Xinghe habang hinahangaan, pero ang pagmamalaki ay halata sa paraan ng pagtingin ni Mubai kay Xinghe.

Sinabihan niya si Munan, "Ang kakayahan ni Xinghe ay higit pa sa iyong imahinasyon. Kapag wala ako, pumunta ka sa kanya kung kailangan mo ng tulong."

"Okay, walang problema." Matapos ang ilan pang salita, nagdesisyon na sina Mubai at Munan na umalis.

Bago siya umalis, pinaalalahanan ni Mubai si Xinghe, "Wala akong palatandaan kung ano ang pakitungo ng Lin family sa Xi family sa kasalukuyan, pero duda ako na magiliw ito. Isa pa, nalaman ko ngayon na sina Lin Yun at Saohuang ay nagkaroon ng ugnayan. Mag-ingat ka dahil ang ikinatatakot ko ay baka nakaisip ng nakakasamang balak ang dalawang iyon."

Tumango si Xinghe. "Naiintindihan ko."

"Kung gayon ay aalis na kami. Oo nga pala, maghapunan tayo bukas, sasama si Lin Lin."

Umaasa siyang tiningnan ni Mubai.

Nasorpresa si Xinghe. Ito ang orihinal nilang plano pero sinira ito ng masamang balak ni Chu Tianxin at pagkatapos noon, isang buong serye ng mga sorpresa ang nangyari. Pagkatapos, hindi nila namamalayan, buwan na ang lumipas.

Tumango muli si Xinghe. "Sige."

Abot hanggang tainga ang ngiti ni Mubai. "Susunduin ka namin sa bahay bukas, hintayin mo kami okay?"

Tumango ulit si Xinghe. Masayang-masaya si Mubai, kung hindi dahil kay Munan, humilig na siguro siya para halikan ito.

"Magkita na lamang tayo bukas." Umalis si Mubai ng may pilyong ngiti. Kumindat si Munan bago sumunod kay Mubai.

Si Xinghe, sa ibang kadahilanan, ay nakakaramdam ng pag-aalala tungkol sa agahan kinabukasan. Nararamdaman niya ito tuwing makikipagkita siya sa kanyang anak…

Inalis ni Xinghe ang kanyang pagkataranta sa pamamamagitan ng pananaliksik kay Feng Saohuang. Ang mga impormasyon ni Saohuang ay malinis na tila isang pito. Maliban sa nakakahangang karera nito sa militar, wala nang iba pang kahina-hinala. Mukhang kailangan nga talaga nila mga bakas na masusundan mula sa iligal na organisasyon.

Maaga kinabukasan, dumating si Mubai para sunduin si Xinghe ng kasama si Lin Lin.

Matagal nang nakaalis si Xia Zhi patungo sa kumpanya kaya si Chengwu ang bumati sa kanila sa pintuan.

Masayang nasorpresa si Chengwu na makita ang malaki at maliit na pares na magkamukhang-magkamukha.

Related Books

Popular novel hashtag