Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 361 - Sister-in-law

Chapter 361 - Sister-in-law

Natataranta si Xinghe dahil hindi niya alam kung paano pakikitunguhan ang bugso ng mga damdamin. Nahihiya niyang sinabi, "Walang anuman."

Nakita ni Xiao Mo kung paano nababalisa ito kaya mabilis niyang binago ang paksa. "Miss Xia, para ipagdiwang ang pag-uwi mo, naghanda kami ng masasarap na pagkain. Nagugutom ka na siguro ngayon, halika na at maghapunan na tayo."

"Tama siya, nakahanda na ang hapunan." Masayang tawag sa kanila ni Chengwu.

"Ate, tara na!" Masayang hinila na siya ni Xia Zhi patungo sa hapag-kainan.

"Ate, ang lahat ng ito ay mga paborito mong pagkain. Malaki ang nawalang timbang mo sa panahong nagkasakit ka kaya kumain ka ng madami ngayon para mabalanse ang lahat," paalala sa kanya ni Xia Zhi.

Ipinagsalin din siya ni Chengwu ng isang mangkok ng sabaw ng manok. "Xinghe, ito ay para sa iyo. Mag-ingat ka at mainit pa ito."

"Miss Xia, ang lahat ng ito ay luto ng pagmamahal ng iyong tiyo kaya dapat ay ubusin mo itong lahat para hindi siya malungkot." Dagdag ni Xiao Mo. Walang sinabi si Xiao Lin pero nakatingin ito sa kanya na may pares ng mapagpasalamat na mga mata.

Napuspos si Xinghe ng mga pag-aalala at kabutihan ng mga ito. Lubos na nagsasarili na si Xinghe buhat pa noong bata pa siya; kaya niyang harapin ang mundo ng mag-isa. Kaya naman, hindi niya kilala ang konsepto ng pagpapahalaga ng mga tao. Pero, ginusto din niyang maranasan ito sa parehong panahon…

Habang tinitingnan ang silid na puno ng mga tao na nagpapaulan sa kanya ng pagmamahal, biglang naunawaan ni Xinghe na may masaya siyang pamumuhay, at bilang kapalit, handa siyang gawin ang lahat para protektahan ang grupo ng mga taong ito na lubos na nagmamahal sa kanya.

Si Xinghe, na palagi ay isang taong hindi kakikitaan ng damdamin, ay nagsalita ng may ngiti, "Kumain na tayo. Huwag kayong mahihiya."

"Oras na para maghapunan!" Masayang anunsiyo ni Xia Zhi. Habang dinadampot nila ang kanilang mga chopstick, tumunod bigla ang timbre sa pintuan.

Nagtaka tuloy si Xia Zhi. "Sino kaya iyan?"

"Tingnan mo," utos ni Chengwu. Mabilis na kumilos si Xia Zhi para buksan ang pintuan at nasorpresa para makita na ang hindi inaasahang panauhin ay si Xi Mubai! Kasunod sa likuran nito ay si Munan.

Ang dalawang gwapo at matatangkad na lalaki ay naglakad papasok sa silid at agad na nakuha ang atensiyon ng lahat. Halos lahat ay natigilan.

Kilala nina Chengwu at Xiao MO si Mubai ngunit wala silang ideya kung sino si Munan. Gayunpaman, sa pagkakahawig ng mga hitsura at parehong presensiya na pinagsasaluhan ng dalawa, mahuhulaan nila na si Munan ay mula din sa Xi family.

Sa sandaling pumasok si Mubai, ang paningin niya ay napako kay Xinghe. Kahihiwalay lamang nila kaning umaga ngunit pakiramdam niya ay taon nang huli niya itong nakita. Pakiramdam niya ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso habang nakikita niya ito.

"Uncle Xia, ikinagagalak kitang makita, at hello sa inyong lahat din," bati ni Mubai habang lumalapit siya.

Magalang siyang binati ni Chengwu dahil mabait ito at natural na sa kanya ito. "Mabuti, mabuti na makita din kita…"

"Ikinagagalak kitang makita, pero ikaw ay si…" nalilito si Chengwu at mabilis na ipinakilala ni Munan ang sarili.

"Ako po ang pinsan ni Mubai, si Xi Munan. Tawagin na lamang po ninyo akong Munan."

"Oh okay, ikinagagalak kitang makilala." Tumatango at matapat na sinabi ni Chengwu.

"Bakit nandito kayong dalawa?" Nagtatakang tanong ni Xinghe.

Natural na naupo sa kanyang tabi si Mubai at sumagot ng nakangiti, "Sinabi ni Munan na gusto ka niyang pasalamatan ng personal. Paumanhin kung naabala namin ang paghahapunan mo."

"Ang totoo, sister-in-law, tama lang ang dating namin dahil hindi pa kami naghahapunan ng kuya ko." Kinuha ni Munan ang kabilang upuan sa tabi niya at ang titulong sister-in-law ay natural na lumabas sa bibig nito.

Bahagyang kumunot ang noo ni Xinghe at itinama siya, "Tawagin mo na lamang ako sa pangalan ko."

"Paano ko naman gagawin iyon, natatakot ako na baka may pumatay sa akin kapag nabastos kita. Tama ba ako, kuya?" Baling ni Munan kay Mubai ng may pilyong ngisi.