Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 362 - Kanya Lamang

Chapter 362 - Kanya Lamang

Inosenteng nagkibit-balikat si Mubai na tila sinasabi na, wala akong magagawa.

Ang ibig sabihin ay gawa itong lahat ni Munan, wala siyang magagawa tungkol dito.

"Sister-in-law, maaari ba kaming sumalo sa hapunan ninyo?" Natural na tanong muli ni Munan. Hindi sumagot si Xinghe at agad na bumaling si Munan kay Chengwu, "Uncle Xia, paumanhin kung naistorbo namin ang hapunan ng inyong pamilya; sana ay hindi ninyo masamain kung sasali kami."

"Siyempre… siyempre hindi. Ikukuha ko kayo ng ilang kubyertos."

Hindi lamang si Mubai; mukhang wala ding magagawa si Chengwu kay Munan.

Si Xia Zhi, sa kabilang banda, ay unti-unting naiinis kay Munan dahil kinuha nito ang lugar niya!

Kinuha nito at ni Mubai ang mga upuan sa tabi ni Xinghe kaya saan siya uupo? Gusto din niyang umupo sa tabi ng kanyang ate…

Ang bagay na mas nagpalungkot sa kanya ay ang katotohanan na ang tatay niya ay malugod na tinanggap ang kakumpetensiya niya ng may sigla. Mabilis na nakabalik si Chengwu dala ang dalawang bagong set ng mga kubyertos. Tinanggap ni Munan ang mga ito mula kay Chengwu at talagang nagsimula nang kumain.

Hindi tulad ng kanyang pinsan, kumuha si Mubai ng ilang pagkain para ilagay sa mangkok ni Xinghe. Ang praktisadong paraan kung paano niya ito ginawa ay ipinapakita kung gaano kadalas niya itong ginagawa sa nakaraan. Ang hayagang pagpapakita nito ng pagmamahal at kabutihan kay Xinghe ang nagdulot ng kakaiba at kumplikadong ere sa paligid ng mesa. Patuloy na tinatapunan sila ng sulyap ni Chengwu, nagkukunwari si Mubai na hindi niya ito napapansin at patuloy na naglalagay ng pagkain sa plato ni Xinghe.

Kahit si Xinghe ay nahihiya. "Tama na iyan, kaya kong kumain ng mag-isa."

"Okay," binawi ni Mubai ang kanyang chopstick ng may ngiti pero hindi bago nito idinagdag na, "Kailangan mong kumain ng madami, malaki ang nabawas sa iyong timbang."

Gayunpaman, nahihirapan siyang palakasin ang kanyang gana sa pagkain dahil sa pagtitig ni Mubai. Umubo bigla si Xia Zhi at nagtanong, "Kasasabi ninyo ngayon lang na nandito kayo para pasalamatan ang ate ko, tungkol saan ba ang lahat ng iyon?"

Sumagot ng nakangiti si Munan, "Tinulungan ako ni Sister-in-law ng isang malaking pabor kaya narito ako ng personal para pasalamatan siya."

"Ano'ng klase ng pabor?"

"Pabor na may kinalaman sa trabaho. Kahanga-hanga talaga si Sister-in-law."

Nagmamalaking sinabi ni Xia Zhi, "Siyempre kahanga-hanga talaga siya. Idolo ko ang kapatid ko."

Tumango bilang pagsang-ayon si Munan at humahangang tumingin kay Xinghe. "Sister-in-law, mula ngayon, magiging idolo na din kita!"

"Pakiusap tawagin mo na lamang ako sa pangalan ko," pagtatama sa kanya ni Xinghe ng may pagkunot ng noo.

Marahas na ipinilig ni Munan ang kanyang ulo. "Paano ko magagawa iyon? Isa iyong pambabastos! Saka, sa puso ko, palagi kang magiging sister-in-law ko. O paano kung ganito na lang? Tatawagin kitang Big Sister Xia!"

"Pero ate ko iyan," hindi na makapagpigil na sumabat ang nagseselos na si Xia Zhi.

Nakangiting tumatango si Munan. "At ang sister-in-law ko."

"…" Gusto na talagang palayasin ni Xia Zhi ang taong ito. Walang kinalaman sa pamilya ninyo ang kapatid ko, bakit ba sinusubukan niyang nakawin palayo sa amin ang ate ko?

Ang tingin sa kanila ni Mubai ay naiirita na dahil si Xinghe ay magiging kanya lamang.

Sa wakas ay hindi na matagalan pa ni Xinghe ang palagiang masuyong tingin na ipinupukol sa kanya ni Mubai. Mahina niyang itinanong, "Maliban sa pagpapasalamat sa akin, may iba pa ba kayong dahilan kung bakit kayo nandito ngayon?"

"Wala naman, may gusto lang kaming bagay na pag-usapan na kasama ka, pero makakahintay ang mga iyon, tapusin muna natin ang hapunan," magiliw na sabi ni Mubai at kumilos para kumuha na naman ng pagkain para kay Xinghe.

"Kung ganoon, tapusin natin agad ang pagkain dito," sinabi ni Xinghe at nagsimulang kumain ng nagmamadali, gusto na niyang matapos ang nakakahiyang hapunan na ito ng mas mabilis.

Matapos niyang kumain, ibinaba niya ang kanyang mga kubyertos at tumayo para sabihin, "Halina kayo, ipagpatuloy natin ang usapan sa aking study."

Wala na siyang pakialam kung antapos nila ang kanilang pagkain o hindi at naglakad na paakyat. Natural na sumunod si Mubai.

Si Munan na kumakain pa ay ibinaba na din ang kanyang chopstick at tumakbo para humabol paakyat.

Inisip ni Xia Zhi na sumunod pero, sa ibang dahilan, pakiramdam niya ay paaalisin siya ng kanyang kapatid.