Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 348 - Para Mahuli si Young Master Mubai

Chapter 348 - Para Mahuli si Young Master Mubai

Mapanganib na naningkit ang mga mata ni Mubai. Kahit si Xinghe ay nakakaramdam na ng inis.

Mula sa simula hanggang ngayon, wala siyang ginagawa. Baliw na ba itong si Lin Yun, bakit kailangan kong humingi ng tawad sa kanya?

Walang ideya si Xinghe na hindi siya matagalan ni Lin yun sa oras na nakita niya si Xinghe. Walang pakialam si Lin Yun sa kalmadong paraan na pagkilos ni Xinghe. Sa mga mata ni Lin Yun, kayabangan ang ibig sabihin nito.

Isa pa, ang talagang pakay ng kanyang pagbisita ay para madala si Mubai sa kanilang Lin family. Dahil masyadong pinahahalagahan ni Mubai si Xinghe, halata kay Lin Yun na si Xinghe ay isang balakid sa kanyang layunin. Nagawa pa siyang palayasin ni Mubai para ipagtanggol si Xinghe, kaya naggagalit si Lin Yun sa presensiya ni Xinghe.

Ano naman ngayon kung walang ginawang masama si Xinghe, pero nag-uutos pa din ito na humingi ito ng tawad sa kanya. Ang hindi makatarungang utos na ito ay sa wakas na pumatid sa bottom line ni Mubai.

Malamig itong ngumisi at masungit na nag-utos, "Kung gayon ay umalis ka! Huwag ninyo siyang pigilan, hayaan ninyo siyang lumayas!"

"Xi Mubai, ikaw…" nabigla si Ginoong Xi at nagalit ito. Anak, kailangan mo pa bang umakto ng ganito?

Kung pumayag si Mubai sa kahilingan ni Lin Yun sa simula pa lamang, hindi sila aabot sa ganitong pangyayari.

Maiintindihang nagalit si Lin Yun sa mga salita nito. Nawala na ang huling pagbabalat-kayo nito na pagiging magalang. "Fine, Xi Mubai, nangahas kang tratuhin ako ng ganito?! Ganito ba ang paraan na nagmamakaawa ang Xi family sa ibang tao para tulungan sila? Mabuti, aalis na ako ngayon, huwag ninyong isipin na tutulungan pa kayo ng Lin family sa hinaharap. Ayusin ninyo ang problemang ito ng sarili ninyo kung kaya ninyo! Hindi na ako makapaghintay kung paano magtatapos ang lahat para sa inyo!"

Itinulak ni Lin Yun si Ginang Xi ng marahas at lumabas na. Sa pagkakataong iyon, ang mga puso nina Lolo Xi, Jiangsan at Jiangnan ay napuno ng pagkataranta. Wala ng mas malala pa dito.

Hindi lamang nila nagawang makahanap ng tulong para mapawalang-sala si Munan ngunit nagawa pa nilang makalaban ang Lin family… ito na ba talaga ang katapusan ng Xi family?

Nagalit nila si Lin Yun kaya ang tanging paraan para mapabalik ito ay ang pagluhod at paghingi siguro dito ng tawad. Walang paraan na gagawin at pabababain ng Xi family ang kanilang sarili para gawin ito.

Pero, mayroon pa bang ibang pagpipilian?

Habang ang hindi kumportableng ere ay nasa paligid pa, isang katulong ang natatarantang pumasok sa silid. "Elder Xi, hindi ito mabuti! May lupon ng militar sa labas na nagsasabing narito sila para hulihin si Young Master Mubai!"

Ano?

Hindi makapaniwalang nanlalaki ang mga mata ng lahat. Kahit si Lin Yun na nakarating sa pintuan ay nasorpresa. Tumigil siya, bigla ay nagdesisyon na gusto niyang manatili ng kaunti pa…

"Ano ang sinabi mo?" Nilapitan ni Ginoong Xi ang katulong at nagtanong ng may malalim na pagkunot ng noo.

Inulit ng katulong, "Mayroong lupon ng mga militar sa labas na nagsasabing naririto sila para hulihin si Young Master Mubai!"

"Hulihin si Mubai?" Namutla ang mukha ni Ginang Xi, agad itong bumaling ng may pag-aalala kay Mubai. "Mubai, ano ang nangyayari? Wala ka nang ginawa, hindi ba?"

Si Mubai ay kalmado sa harap ng bagyo. Inalo niya ang mga ito, "Huwag kayong mag-alala, walang mangyayari sa akin."

"Pero may mga sundalo sa labas na naghahanap sa iyo." Ang mga luha ay nagmumula sa mga mata ni Ginang Xi.

Tinanong ni Jiangsan ang katulong, "Sino ang pinuno ng lupon?"

"Ang sabi ng lalaki ay ang pangalan niya ay Feng Saohuang…"

Feng Saohuang!

Mabilis na nagpalitan ng tingin na may kahulugan sina Xinghe at Mubai. Nabasa agad nila ang iniisip ng isa't isa. Nangahas ang lalaking iyon na pumunta ng personal. Mukhang hindi na siya makapaghintay na mapabagsak ang Xi family.

"Papasukin mo siya," biglang sabi ni Xinghe. Ito ang unang bagay na sinabi niya mula ng pumasok ito. Lahat ay nabigla.

Sumimangot si Ginang Xi. "Ano ang pinagsasasabi mo diyan? Nandito sila para hulihin si Mubai, paano natin sila hahayaang makapasok dito?!"

"Papasukin mo siya dito!" Sa kaniyang sorpresa, inulit ni Mubai ang mga salita ni Xinghe ngunit may diin pa.

Siyempre, papapasukin nila ang lalaki dahil hindi na sila makapaghintay na masampal ang mukha ni Feng Saohuang!