Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 349 - Tapos na para sa Xi Family

Chapter 349 - Tapos na para sa Xi Family

Talaga ngang si Feng Saohuang ang namumuno sa grupo ng mga sundalo para hulihin si Mubai. Siya ang responsible sa pangangasiwa ng kaso ni Munan kaya natural na sa kanyang mga balikat napunta ang paghuli kay Mubai. Ito rin ay dahil siya ang nanguna sa kaso ni Munan kaya nahihirapan ang Xi family na linisin ang pangalan ni Munan.

Hindi nangahas ang Xi family na gumamit ng koneksiyon nila ng patago dahil isa itong sensitibong panahon, isang maling hakbang at magpapakita sila ng kahinaan na maaaring gamitin laban sa kanila ng kanilang kaaway. Ito ang dahilan kung bakit nagpunta si Lolo XI para humingi ng tulong sa Lin family.

May malaking impluwensiya sa kapitolyo ang Lin family. Isa pa, madali sa kanila ang lumapit sa national intelligence agency.

Sa bandang huli, sa kanilang pangingilabot, nakagawa sila ng bagong kaaway sa katauhan ni Lin Yun na kung saan nagpakahirap si Lolo Xi para maimbitahan. At ngayon, pinamumunuan ni Feng Saohuang ang kanyang lupon para hulihin si Mubai!

Wala ng mas ikakalala pa para sa Xi family.

Ang mukha ni Lolo Xi ay kakikitaan ng pagkabalisa pero nanatili pa din itong matatag. Tumayo siya at kinalma ang lahat gamit ang kanyang awtoridad. "Kumalma ang lahat! Maaaring nandito sila para hulihin ang isang tao pero nangangailangan din ito ng ebidensiya. Hanggang nandidito ako, walang mangyayari sa Xi family!"

Nang marinig ito, kumalma ang mga tao. Tama si Lolo Xi hindi madaling matatalo ang Xi family. Kung kinakailangan, hindi nila alintana na harapin ang problema gamit ang lahat ng mayroon sila. Gayunpaman, hindi ito magiging magandang plano dahil masasaktan nito ng husto ang lakas ng Xi family. Ang pinakamainam na kalalabasan ay ang natural na paglampas sa problemang ito ng hindi masyadong nakakatanggap ng pinsala. Sa anumang paraan, hindi babagsak ang Xi family!

Kahit si Ginang Xi ay dumeretso ng tindig, handa nang harapin ang bagyo.

Gayunpaman, nang pumasok na si Feng Saohuang sa silid kasama ang mga sundalong may dalang baril, ang atmospera sa loob ng silid ay biglang naging tensiyonado. Ang pagkamuhi sa mga tingin ni Saohuang ay halatang-halata na nakikita ng lahat.

"Elder Xi, matagal na panahon nang hndi tayo nagkita," bati ni Saohuang ng may malamig na ngisi.

Tinitigan siya ni Lolo Xi ng may kapangyarihan. "Feng Saohuang, ano ang ibig sabihin nito? Bakit ka nagdala ng maraming armadong pwersa sa teritoryo ng Xi family?"

Umismid si Saohuang. "Ang kahulugan ay simple lang, para hulihin ang kasabwat sa kaso ng pagbebenta ng mga ninakaw na armas militar!"

"Ano?" Napakunut-noo si Ginoong Xi sa pagkabigla. "Ano'ng kakutsaba? Ipaliwanag mo ng maigi ang iyong sarili."

Lahat maliban kina Xinghe at Mubai ay nasorpresa sa paratang na ito. Mayabang na ngumisi si Lin Yun.

Ito na ang katapusan ng Xi family. Hinihintay na lamang niya ang mga ito na gumapang pabalik sa kanya gamit ang mga tuhod nito. Mayabang na pinagkrus ni Lin Yun ang kanyang mga bisig at pinanood ang mga pangyayari ng may mayabang na ngisi…

Biglang tumuro ang daliri ni Saohuang kay Mubai pero hindi ito naglakas loob na tingnan ang pinararatangan sa mata. "Ang anak mo, si Xi Mubai ay kakutsaba sa sala ng pagbebenta ng mga ninakaw na armas. May matibay kaming ebidensiya para matunayan na siya ang kakutsaba kaya narito ako para hulihin siya tulad ng sinasabi sa akin ng batas na gawin ko."

"Paano magiging kasabwat ang anak ko? Ang Xi family nami nay hindi gagawa ng kahit ano na labag sa batas!" Sagot ni Ginang Xi. "Mr. Feng, ang sabi mo ay may ebidensiya ka, pero nasaan ito? Hindi pupwedeng pupunta ka na lamang at magtuturo sa mga tao."

"Tama iyan, nasaan ang pruweba mo?" Utos ni Lolo Xi.

Nagbigay ng matagumpay na ngiti si Saohuang. Ibinaba niya ang kanyang daliri at mayabang na inanunsiyo, "Ang ebidensiya ay ang ulat na nakalap namin kaninang umaga na nagsasabing ang Pier ng Xi Empire ay nagtatago ng mga ilegal na armas. Sinundan namin ang ulat at naghanap sa Pier ng Xi Empire. Totoo nga na may nakuha kaming batch ng mga armas militar doon at tumutugma sila sa mga ninakaw sa pagbabantay ni Xi Munan!"

"Imposible—" Ibinagsak ni Lolo XI ang kanyang tungkod at nagbigay ito ng panginginig sa buong silid. "Hindi gagawa ng ganoong bagay ang aming Xi family, isa itong set-up!"

Hindi natakot si Saohuang sa pagpapakita ng kapangyarihan ng matandang ito. Tuso itong ngumiti.

Related Books

Popular novel hashtag