Tumango si Mubai. "Sa madaling salita, kakailanganin ni Xinghe ng isa pang buwan bago niya mabawi ang kanyang kamalayan?"
"Tama iyon," sang-ayon ni Lu Qi.
Isang buwan o tatlumpung araw ay mahirap hintayin, hindi ito masyadong mahaba pero hindi rin maikli. Ginugol ni Mubai ang kanyang mga araw sa pagitan ng pag-asam at kaba…
Siyempre, hindi ibig sabihin nito ay iyon lamang ang ginagawa niya. Nagtatrabaho pa din siya tulad ng dati, pinamamahalaan ang Xi Empire at ang kinabukasan ng kumpanya habang hinaharang ang paglapit ng mga kalaban. Sa bandang huli, sinubukan niyang palaguin ang kumpanya hanggang kaya niya sa loob ng isang buwang ito dahil gusto niyang ibigay kay Xinghe ang pinakamainam na tulong, asset-wise, kapag nagbalik siya.
…
Wala pa ding alam sina Xia Zhi at ang ama niya tungkol sa sitwasyon ni Xinghe. Ang tanging impormasyon na nattaanggap niya ay kahit na nagising na si Xinghe, kinakailangan pa niyang manatili sa lumang mansiyon ng Xi family dahil sa nananatili pang mahina ang kanyang pisikal na kondisyon.
Bahagya lamang na nakausap ni Xia Zhi si Xinghe tuwing dumadalaw siya.
Para mapanatili ang pagkukunwari, nagtutulug-tulugan si Xia Meng o kaya ay nagsasakit-sakitan tuwing bumibisita ito. Ito ang nagbigay ng impresyon kay Xia Zhi na mahina pa ang katawan ng kanyang kapatid. Kaya naman, inalo na lamang niya ang sarili sa katotohanan na buti ay gising na ito; naniniwala siya na babalik din ito sa dati paglipas ng panahon.
Kaya naman, nasorpresa ng husto si Xia Zhi ng malaman niya na muling nawalan ng malay si Xinghe.
"Ano ang nangyari? Hindi ba't gumagaling na siya? Paano nangyaring wala na naman siyang malay?" Tanong ni Xia Zhi kay Mubai sa muli n itong pagbisita sa kapatid.
Nahihirapan si Mubai na ipaliwanag ang samut-saring sitwasyon kay Xia Zhi kaya nagsinungaling siyia. Maliban doon, para ito sa kaligtasan ni Xia Zhi na itago ang katotohanan mula dito.
"Huwag kang mag-alala. Nakagawa na ng isa pang operasyon ang mga doktor sa kanya at gigising na siya sa loob ng kalahating buwan. Magiging magaling na siya doon," may tiwalang sinabi ni Mubai kay Xia Zhi.
Kahit na mas malaki ang pag-uusisa ni Xia Zhi sa paliwanag nito, mas pinili niyang maniwala kay Mubai.
"Ang kawawa kong kapatid, kailangang alagaan ko siya ng mabuti kapag nagising na siya!" Determinadong pangako ni Xia Zhi.
Tiningnan siya ni Mubai at mahinang idinagdag, "Nandito ako para bantayan ang ate mo. Mas higit na iyon sa sapat."
Gusto n iyang akuin ang lahat ng responsibilidad sa pag-aalaga kay Xinghe, hindi niya gustong ibahagi ang responsibilidad na iyon sa kahit na sino pa.
Hindi masayang nagreklamo si Xia Zhi, "Paano pa iyon magiging sapat? Isa pa, ang iwanan ang ate ko sa iyong mga kamay ay ang tanging dahilan bakit ako nag-aalala!"
"Bakit naman?" Tanong ni Mubai ng may nakataas na kilay. Bakit ba ang mga kilos ko ay magiging dahilan ng pag-aalala ng kahit na sino?
Tumango si Xia Zhi, "Dahil sino ang makakapagsabi kung ano'ng klaseng intensyon mayroon ka tungo sa kapatid ko. Sinasabi ko na sa iyo, hindi na ako papayag na saktan mo ulit ang kapatid ko. Pero hindi na siya madaling madadala ng mga kilos mo. Dahil isa siyang mabuti at kahanga-hangang babae; walang lalaki ang sasapat para sa kanya."
Ang mga salita ni Xia Zhi ay nalalangkapan ng pagmamalaki. Sa kanyang mga mata, ang kapatid niya ang pinaka kahanga-hangang babae na nabubuhay.
Sumagot si Mubai ng nakangiti, "Tama ka, ang kapatid mo ay ang pinaka kahanga-hangang babae…"
Nagtatakang tumingin sa kanya si Xia Zhi. Sumasang-ayon siya sa akin?
"At nararapat siya sa pinakamainam na lalaki sa mundo, na kung ano ang gusto kong maging, para isang araw ay magiging sapat ako para sa kanya," sabi ni Mubai bago ito tumalikod para umalis.
Tinitigan ni Xia Zhi ang likuran nito at nagrereklamo sa sarili, "Kung ganoon ay huwag mo kaming bibiguin…"
Kung binigo na naman sila ni Xi Mubai, sumumpa siya sa kanyang buhay, na hindi na siya papayag na makalapit pa ito sa ate niya!
Siyempre, matapos gumising ni Xinghe, kailangan niyang paalalahanan ito na mag-ingat ng husto sa intensiyon ni Xi Mubai. Hindi niya dapat ibaba ang kanyang depensa at tanggapin lamang ito matapos nitong patunayan na mabuti at sapat na ito!
Naniniwala si Xia Zhi na karapat-dapat sa pinakamainam ang kanyang ate, wala ng kulang pa doon.
…
Lumilipas ang araw, isa-isa. Sa isang kisapmata, ang panahon ng kalahating buwan ay halos tapos na. Sa mga nakaraang araw, ginugugol ni Mubai ang kanyang oras na gising na kasama si Xinghe. Kahit ang kanyang trabaho ay ginagawa niya sa tabi ng kama nito.