Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 333 - Maglalaho Tayo!

Chapter 333 - Maglalaho Tayo!

Ginawa niya ito dahil maaaring magising anumang oras si Xinghe. Gusto niyang siya ang unang babati dito kapag nagising ito. Ngayon, nasa loob siya ulit ng silid ni Xinghe habang ginagawa ang kanyang trabaho. Matapos ang ilang sandali, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang lolo, sinasabi na may hindi inaasahang pangyayari na kailangan nilang pag-usapan.

Walang ibang pagpipilian si Mubai kundi ang umalis.

"Lolo, bakit mo ako pinatawag?" Tanong ni Mubai habang pumapasok siya sa study ni Lolo Xi.

May madilim na anyo ang kanyang lolo. Nararamdaman ni Mubai ang tindi ng sitwasyon. Ang lolo niya ay kinilala siya ng isang tingin bago sinabi, "Tumawag ang iyong second uncle. Nasa panganib si Munan."

Nadismaya si Mubai. "Ano ang nangyari?"

"Kamakailan lamang ay nag-iimbestiga si Munan ng mga grupo na kumikita mula sa iligal na pagbebenta ng armas. Kagabi ay nakakuha siya ng pagkakataong kailangan niya at nagawa niyang kumpiskahin ang mga iligal na armas. Pero, nalaman nila na ang kalahati ng mga armas ay nawawala nitong umaga; dahil ang mga armas ay responsibilidad ni Munan, kinuha siya para sa mas malalim na imbestigasyon."

Naningkit agad ang mga mata ni Mubai. "Halatang isa itong set-up."

Ang Xi Family ay may higit sa sapat na mga asset para hindi ibaba ang sarili nila na isangkot ang kanilang mga sarili sa ilegal na gawain tulad ng ilegal na pagbebenta ng mga armas militar.

Seryosong inanunsiyo ni Lolo Xi, "Isa nga itong set-up. Gayunpaman kung hindi natin makikita ang ebidensiya para linisin ang pangalan ni Munan, ipapadala siya sa hukumang militar. At nangyari pa ito kung kelan malapit na siyang mapangalanan bilang kumander ng Flying Dragon Unit."

Ang Flying Dragon Unit ay ang pinakabagong tatag na lupon ng Hwa Xia. Iba ito mula sa karamihang lupon ng militar, ginagamit nito ang pinakabagong mga teknolohiya. Ang mga miyembro nito ay hindi lamang kailangang maging pamilyar sa mga istratehiya ng pakikidigma ngunit kailangan ding mahusay sa pandagat, panglupa at pakikipaglaban sa ere.

Sa madaling salita, isa itong highly-trained unit na kailangang mahusay sa lahat ng larangan ng pakikidigma. Nagdesisyon ang Hwa Xia na mamuhunan sa pagpapaunlad ng klase ng lupon na ito. Dahil sa ang City T ay may presensiya ng militar, ito ang napili bilang unang lugar ng pagsubok.

Salamat sa karanasan ni Lolo Xi sa pulitika, ang posisyon ng pinuno ng bagong lupon na ito ay natural na mahulog sa kamay ng Xi family. Matapos maging kumander ng lupon na ito si Munan ay magiging maayos na ang kanyang kinabukasan. At ito, sa kabilang banda naman, ay magpapatibay ng katayuan ng Xi family.

Ang insidente ni Muan ay masyadong madali kung hindi ito isang set-up. Mayroong tao na ayaw nitong makuha ang kapangyarihan para mamuno sa Flying Dragon Unit.

"Hindi kaya't gawa ito ng miyembro mula sa Feng family?" Suhestiyon ni Mubai.

Ito ay dahil sa ito ang mga makikinabang at ang susunod na magkakaroon ng karapatan na makuha ang posisyon ng pinuno matapos maalis ang karapatan ni Munan.

Matalim na naningkit ang mga mata ni Lolo Xi. "Kung totoo iyan ay ibig sabihin may mga nakatagong relasyon sila sa grupo na nakikinabang sa pamamamagitan ng ilegal na pagbebenta ng mga armas!"

"Maaaring may mga kahina-hinalang aktibidades sa likod ng biglaang pagunlad ng Feng family sa nakaraang huling dekada, kaya hindi na ako magtataka kung ito ay totoo," pagwawakas ni Mubai.

Ang hangin sa silid ay tila nanigas habang sinasbai ng kanyang lolo, "Ang masasama nilang kuko ay lumalapit sa ating Xi family dahil sa masyado na akong matanda para ipagtanggol ang pamilyang ito. Mubai, makinig ka sa akin, kapag nabigo tayong lampasan ang problemang ito, ang Xi family natin ay maglalaho!

Malalim ang pagkakakunot-noo ni Mubai. Kung sinabi ito ng kanyang lolo ay totoo nga na nahaharap sa nalalapit na panganib ang Xi family.

Habang nakikipag-usap si Mubai kay Lolo Xi, sa wakas ay nagising na si Xinghe!

Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata at nalaman na nasa loob siya ng isang maliit at kumportableng silid.

Ang nars na nagbabantay sa kanya ay agad siyang napansin at nagmamadali itong lumapit sa kanyang tabi. "Miss Xia, sa wakas ay gising ka na. Kumusta ang iyong pakiramdam?"

Tinitigan ni Xinghe ang nars bago itinulak ang sarili para tumayo. Pagkatapos ay ibinaba niya ang ulo para pag-aralan ang kanyang dalawang kamay.