Sasabihin sa kanila ni Xinghe kapag nakabalik na siya sa kanyang katawan.
Pinag-uusapan na lang naman, masayang sinambit ni Lu Qi, "Naging matagumpay ang pagsubok kagabi. Matatapos na din ang pananaliksik!"
Biglang naitaas ni Mubai ang kanyang ulo at hindi makapaniwalang nagsalita, "Ano ang sinabi mo?"
Inulit ni Lu Qi ng nakangiti, "Ang sabi ko matatapos na ang pananaliksik."
Natatangang nakatitig si Mubai habang unti-unting bumukadkad ang kasiyahan sa puso niya.
Lumingon siya para tingnan si Xinghe na walang malay at nagsimulang magluha ang mga mata niya.
Malapit na, ang orihinal na Xia Xinghe ay babalik na…
…
Ang tagumpay ni Lu Qi sa pananaliksik ang pinakamagandang balita para kay Mubai. Matapos niyang ilipat si Xinghe sa ibang ospital, sinuportahan niya si Lu Qi gamit ang buong kapangyarihan ng Xi family.
Sinabi ni Lu Qi na noong nakagawa siya ng sapat na memory cells, maaari na nilang i-implant ang mga ito sa utak nila Xinghe at Xia Meng.
Matapos noon, kakailanganin nilang maghintay na makopya ng mga memory cells ang mga alaala nila at saka lamang babalik ang lahat sa normal, o normal tulad ng dati. Dahil ang orihinal na katawan ni Xia Meng ay masyado nang napinsala, gamit ang personal na pahintulot ni Xia Meng, ihinanap siya ni Mubai ng bagong katawan.
Ang katawang iyon ay pagmamay-ari ng isang ulila. Nanatili itong gulay at walang malay ng maraming taon na dahil sa isang car accident. Kinumpirma ni Lu Qi na wala ng pag-asa pa na magising ang babae.
Kaya naman, walang mawawalan na gamitin ang katawan nito. Dahil kapag pinayagan pa nila na magpatuloy ito sa ganoong kalagayan, ang katawan ng babae ay mawawala na din dahil sa atrophy.
Ang babae ay bata pa kaya si Xia Meng ay nabigyan ng panibagong buhay matapos niyang gamitin ang bagong katawan. Sabik si Xia Meng na magsimulang muli. Malaki ang pasasalamat niya kina Mubai at Xinghe sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataong ito. Nakaramdam siya ng hiya sa kanyang ginawa.
Kaya naman, bago pa nagising si Xinghe, kusang-loob na ibinigay ni Xia Meng ang enerhiyang kristal na nasa kanyang pag-aari. Tinanggap ito ni Mubai sa lugar ni Xinghe. Ito ay dahil sa bagay na ito kaya napatay si Ye Shen at pinahirapan si Xinghe.
Hindi ito dahil sa purong kabutihan kung bakit tinulungan ni Mubai si Xia Meng. Maliwanag sa kanya na kung hindi naranasan ni Xinghe ang parteng ito ni Xia Meng, hindi nila malalaman ang nakatagong panganib na palaging nasa kanilang paligid. Hindi magtatagal, ang misteryosong lalaki at ang grupo nito ay hahabulin din si Xinghe dahil nasa kanya din ang isa sa mga kristal.
Kaya naman, ang pakikipagpalit ni Xinghe kay Xia Meng ay hindi purong kamalasan. Mabuti na lamang at may pagkakataon siyang makita ang kalaban bago ang itinakdang oras, at isa pa ay walang ideya ang mga kalaban kung ano ang tunay niyang katauhan.
Sa ganitong paraan, makakapaghanda ng sapat si Xinghe bago ituon ng mga kalaban ang paningin nito sa kanya. Ang totoo niyan, maaari pa niyang mapigilan ang panganib bago ito hayagang pumunta sa kanya. Kaya naman, kung susuriing maigi, masasabing si Xinghe ang higit na nakinabang dahil sa palitan ng alaala na ito.
Siyempre hindi masasabi na may nakuhang hindi magandang kapalit si Xia Meng. Alam niya sa kanyang puso na masuwerte siya dahil sina Mubai at Xinghe ay hindi malisyoso tulad ng kanyang dating asawa, kung hindi, hindi siya magkakaroon ng magandang wakas.
Nagdesisyon si Xia Meng na harapin ang kinabukasan ng taas noo kung sisimulan niya ang bagong buhay. Ito ang aral na natutunan niya mula kay Xinghe, ito ay ang mamuhay ng may dangal at determinasyon. Hindi na siya aasa pa sa awa ng ibang tao…
Hindi na nagtagal pa si Mubai para alamin ang mga saloobin ni Xia Meng. Ang kanyang atensiyon ay nakapako kay Lu Qi at sa pananaliksik nito.
Isang linggo ang lumipas at sa wakas ay nakagawa na ng sapat na memory cells si Lu Qi para masimulan na ang paglilipat. Magsisimula na sa wakas ang palitan ng alaala.
"Kinakailangan ng panahon para magawa ng mga memory cells ang kanilang trabaho. Aabutin siguro ng kalahating buwan para lubos na makopya ang memorya. Matapos noon, ililipat sila sa utak ng bawat isa pero aabutin muli ito ng kalahating buwan para sumanib ang mga memory cells sa human brain cells," paliwanag ni Lu Qi kay Mubai matapos niyang gawin ang pagpapasok.