Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 330 - May Ibang Tao Dito!

Chapter 330 - May Ibang Tao Dito!

"Ito ang huling kabutihan ko para sa iyo," magiliw na sabi ng lalaki habang habang kumikislap sa mga mata nito ang kagustuhang pumatay.

Ang hiringgilya na nasa kamay niya ay dumeretso sa ugat sa braso ni Xinghe.

Sa oras na iyon, bumukas ang mga mata ni Xinghe!

Nagtagpo ang kanilang mga mata at napatigil sa paggalaw ang lalaki. Siyempre, hindi niya inaasahan na gigising ito sa ganitong pagkakataon.

Para maging patas, maski si Xinghe ay hindi rin inaasahan na ang unang boses na maririnig ng kanyang mga tainga ay ang monologo nito bago siya patayin nito.

Pinilit niyang buksan ang mga mata sa pagnanasang mabuhay. Matalim na tinitigan niya ito.

Sa nahaharap na biglaang pagkagising nito, mauunawaang nagulat ang lalaki, pero mabilis itong kumalma. Natural na hindi siya agad na matatakot sa masamang titig ni Xinghe.

Malamig na tumawa ito bago idinagdag na, "Ngayong gising ka na, mas may dahilan ako para patayin ka. Paalam, Xia Meng."

Sa kanyang pagkalito, biglang nawalan muli ng malay si Xinghe. Ang lahat ay biglaan kaya inaakala ng lalaki na siya ay nananaginip lamang.

Ito ba ay ang sinasabi nilang panandaliang pagbabalik ng kamalayan bago ang kamatayan? Tanong ng lalaki sa kanyang sarili.

Kahit ano pa ang mangyari, alam ng lalaki na ang pagpapatagal nito ay ikakasama lamang niya. Agad niyang hinila ng diretso ang braso ni Xinghe at itinurok ang karayom sa ugat nito.

Pero bago pa niya mapindot pababa ang hiringgilya, ang mga guwardiya sa labas ng pintuan ay nagsalita, "Young Master!"

Tumango bilang sagot si Mubai bago pumasok sa silid. Ang silid ay walang katao-tao maliban sa walang malay na si Xinghe na nakaratay sa kama. Pero ang bintana ay nakabukas at may hanging pumapasok sa silid. Sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng kakaibang presensiya si Mubai sa loob ng silid.

"Sino ang nagbukas ng bintana?! " marahas na tanong ni Mubai.

Nagpapagaling pa si Xinghe kaya makakasama sa kanya ang hangin kaysa makabuti. Sinong tanga ang nag-iwan na bukas ang bintana?

Ang mga guwardiya ay nagtipon sa pintuan at nagtinginan sa isa't isa ng may pag-uusisa. "Wala po kaming ideya, wala sa amin ang nagbukas noon."

Naglakad si Mubai patungo sa bintana para tingnan ang sulok na tila may nakita siyang kung ano pero wala namang kakaiba mula doon.

Isa pa, ito ang ikalabing-limang palapag, kaya wala namang makakapasok mula sa bintana. Kaya ano itong kakaibang nararamdaman niya sa kanyang sikmura?

Dumilim ang mukha ni Mubai's at inutusan niya ang mga guwardiya, "Maghiwa-hiwalay kayo at tingnan ang mga suspetyosong indibidwal. May ibang taong nagpunta dito!"

Nagulat ang mga guwardia pero agad silang sumunod.

Naupo si Mubai sa tabi ni Xinghe para tingnan ang sitwasyon nito. Hanggang sa napansin ng kanyang mga mata ang isang maliit na sugat na turok sa braso nito. Kahit na maraming sugat sa mga braso nito dahil sa IV pero sigurado si Mubai na bago ito.

"F*ck!" mabilis na tinawag ni Mubai si Lu Qi para suriin si Xinghe. Alalang-alala siya na may taong gumawa ng makakasama dito. Salamat na lamang, walang nakitang masama si Lu Qi maliban sa kundisyon nito. Mahina pa din at malapit ng mamatay si Xinghe.

"Baka masyado ka lamang nag-iisip, " alo ni Lu Qi sa kanya. Naniniwala siya na masyadong maraming iniisip si Mubai nitong mga nakaraan.

Nagtatrabahosi Mubai gamit ang kanyang laptop. Tinitingnan niya ang mga security footage.

Walang kagalakan na tumawa siya sa mga sinabi ni Lu Qi. "May nakialam sa mga security records ng ospital at iniisip mo pa din na masyado akong paranoid?"

"Ano?" napakunot-noo si Lu Qi. "Magagawa mo pa bang makuha ang orihinal na data?"

Umiling si Mubai. "Nagawa ng baguhin ng kalaban ang mga files bago sila kumilos at matapos iyon, kaya wala akong magagawa pa dito."

Wala ng kwenta ang mga security videos.

"Sino ba ang mga taong ito na talagang gustong makuha ang buhay ni Xia Meng 's life?" Lu Qi asked solemnly.

Nakakatakot ang mga mata ni Mubai nang sumagot ito, "Malalaman natin kapag natapos mo na ang pananaliksik mo."