Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 329 - Naging Alila si Xi Mubai sa Dati Niyang Asawa

Chapter 329 - Naging Alila si Xi Mubai sa Dati Niyang Asawa

Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa din sila ng kontrol ng Xi family pero sa oras na pumanaw si Elder Xi, babangon ang Feng family at gaganti. Kaya naman, sa lahat ng lumipas na taon, humahanap ang Xi family ng mga paraan para tapusin ang bantang ito. Pero, ang Feng family ay hindi ang klase ng karibal na madaling matatapos.

Gayunpaman, hindi natatakot si Mubai sa kanila. Kapag nalaman niya na ang Feng family ang talagang may mga kasalanan nito, dudurugin niya ito tulad ng mga insekto na tulad nila!

"Kahit na ano ang mangyari, oras na para tapusin ang alitan sa pagitan ng ating Xi family at ng kanilang Feng family," sinabi ni Mubai kay Munan sa mababang tinig.

Seryosong tumango si Munan. "Tama ka, mas maaga ay mas mainam."

Ito ay dahil talagang manganganib ang Xi family kung nabigyan ng pagkakataong lumago ang Feng Family. Dahil ang mundo ng militar ay kilala sa hindi pagiging mabuti sa mga talunan. Marahil ay nasa ituktok ngayon ang Xi Family, pero kung ang kapangyarihan ng militar ay napunta sa mga kamay ng Feng Family, madali silang mapapabagsak.

Matapos pag-usapan ang lahat ng ito, hindi na mapigilan ni Munan na itanong ang nagpapabigat sa kanyang puso, "Kuya, matagal ko nang gustong itanong ito sa iyo, bakit ba masyado kang nag-aalala para dito kay Xia Meng? Hindi ba't sinabi mo sa akin na pilit mong nililigawang muli ang nanay ng pinsan kong bulinggit? "

Binigyan siya ni Mubai ng isang hindi interesadong sulyap. "Sino ang nagsabi na nag-aalala ako para kay Xia Meng?"

Naging mapang-usisa si Munan. "Kung hindi ka nag-aalala, bakit ba masyado mong inaalala ang kaligtasan niya?"

Pinakilos pa niya ang lahat ng mga tauhan ng Xi family para hanapin ang babaeng ito. Marami na siyang ginawa, kaya paano niya masasabi na wala siyang pakialam tungkol kay Xia Meng?

"Lahat ng ito ay dahil sa utos ni Xinghe," paliwanag ni Mubai ng may seryosong mukha.

"Utos ng dati kong hipag?" Lalong nalito si Munan.

"Tama ka, gusto niyang iligtas ko si Xia Meng at baka tanggapin na niya ang panliligaw ko," pagsisinungaling ni Mubai habang kumikindat.

Naniwala sa kanya si Munan, inasar pa niya si Mubai. "Sino ang mag-iisip na ang great Young Master ng Xi family ay magpapaka-alila sa dati niyang asawa. Nagyelo na yata ang impiyerno ng hindi ko napapansin."

Ang isipin na yumuyuko si Mubai sa bawat kagustuhan ng asawa nito ang nagpanginig ng walang humpay kay Munan. Ang mga larawan sa isip niya ay lubusang tumibag sa kagalang-galang na imahe na tingin niya sa kanyang nakatatandang pinsan. Kailangan niya ang pampaputi para mawala sa isip niya ang mga kaisipang ganito.

Dahan-dahan ng tumayo si Mubai at sinabi, "Mabuti at may pagkakataon akong maging alila ng isang tao, hindi tulad ng isang kilala ko."

Matapos iyon, tumalikod na siya at umalis. Naiwan si Munan na nag-iisip sa ibig sabihin nito ng ilang sandali bago naintindihan na inaasar siya ni Mubai sa pagiging single!

Pero kung titingnan single ka pa din dahil hindi ka pa binabalikan ng dati kong hipag! Reklamo ni Munan sa kanyang isipan.

Matapos umalis ni Mubai, dumeretso siya ng punta sa ospital. Araw-araw ay pupunta siya sa ospital para tingnan si Xinghe at siguraduhin na buhay pa ito.

Sa araw na iyon, hindi lamang si Mubai ang bumibisita sa kanya.

Kahit na may mga guwardiya na nagbabantay sa labas ng kanyang pintuan, isang lalaki ang madaling nakapasok sa kanyang silid gamit ang bintana. Napakaliksi ng kanyang galaw kaya wala ni isa sa mga guwardiya ang nakapansin ng pagpasok nito. Ang gwapong lalaki ay naglakad sa patungo sa kama ni Xinghe, tinititigan ng maigi ang walang malay na babaeng nakahiga sa kanyang harapan.

Isang nakagwantes na kamay ang pumisil sa baba ni Xinghe at, matapos ang ilan pang pagsusuri, nakasigurado ang lalaki na wala talagang malay si Xinghe. Hindi lamang iyon, ang kondisyon nito ay lumalala. Ang paghinga nito ay humihina.

Mabait ang ngiti ng lalaki. "Ito ang napala mo sa pagkalaban as akin. Gayunpaman, pagkatapos ng ilang deliberasyon, nagdesisyon ako na mas mabuti pa na mamatay ka na. Ang hayaan kang mabuhay ay maaaring magdala ng ilang hindi kinakailangang kumplikasyon."

Naglabas ng isang hiringgilya ang lalaki na puno ng nakakamatay na lason. Sa isang saksak, mamamatay ito ng mapayapa at tahimik, mabibigyan ng permanenteng ginhawa mula sa lahat ng sakit at paghihirap.