Chapter 323 - Ang Habulan

Napuno ng determinasyon ang mga mata ni Xinghe habang nagtangis ang mga ngipin niya at pinilit na tumayo …

Ilang minuto ang nakalipas, isang nars ang pumasok para tingnan siya.

"Gisig ka na ba?" tanong ng nars habang nakatingin ito sa hugis-tao na bagay na buong natatakpan ng kubre-kama.

Lumapit siya para tanggalin ang kubre-kama. Sa sandaling makita niya ang ilang unan na ginawang hugis-tao sa ilalim nito, nakaramdam siya ng malakas na pwersa sa likod ng kanyang ulo at sumalampak na siya sa kama.

Si Xinghe na hawak ang drip shaft sa kanyang mga kamay ay mabigat ang paghinga, nakatayo sa likod ng walang malay na nars. Ang pagkilos na ito ay seryoso ang epekto sa kalusugan niya, pakiramdam niya ay magdidilim ang kanyang paningin.

Gayunpaman, alam niyang wala na siyang oras na dapat sayangin. Mabilis siyang nakipagpalit ng damit sa nars. Inayos niya ang mga unan at ipinalit doon ang nars. Pagkatapos, kumuha ng ilang tuwalya si Xinghe mula sa banyo at gumamit ng gunting para guntingin ito sa mahahabang piraso. Lahat ng ito ay itinali ni Xinghe para makagawa ng benda na maitatali niya mula sa pilay na kaliwang binti niya.

Sa ilalim ng mahabang palda ng nars, nagmukhang normal ang kanyang binti. Sinubukan niyang maglakad dito at mukhang normal naman ang kanyang paglakad. Isinuot na ni Xinghe ang sumbrero ng nars at maskara bago lumabas ng silid.

Ang dalawang guwardiya ay tumingin sa kanya ngunit walang ginawa. Hindi man lamang nagsuspetsa ang mga ito. Dahil sinabi naman ng doktor na si Xinghe ay ilang araw bago magigising.

Kaya naman, nakalakad palabas ng silid niya si Xinghe sa ilalim ng mga mapagmatyag na mga mata nito. Hanggang sa sumapit siya sa isang sulok at nakaalis na sa tingin ng mga iyon.

Ang bawat isa sa kanyang mga hakbang ay masakit dahil kinailangan niyang makasigurado na ang kanyang paglakad ay mukhang normal. Ito kasama pa ang kahinaan ng kanyang katawan ang nagpapahina sa kanyang pakiramdam.

Hanggang sa nagsimula na siyang gumiwang at ang pagkukunwari ay nagsimula ng malaglag. Ang kanyang paghinga ay bumibilis ng bumibilis …

Tumatagaktak na ang kanyang pawis sa noo at nagsisimula nang manlabo ang kanyang paningin. Pakiramdam ni Xinghe ay susuko na din ang kanyang mga pandama …

Isa na lamang kaso ito ng utak laban sa katawan dahil kumakapit na lamang siya sa lakas ng kanyang kalooban. Nagpapahinga lamang siya sandali ng siya ay madulas at hindi sinasadyang nabunggo ang isa sa mga doktor.

"Ayos ka lang ba? Ano ang nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ng doktor.

Hindi matukoy ni Xinghe ang mukha nito kung ito ba ang doktor na nakatalaga na bantayan siya ngunit alam niyang mabubuko na ang kanyang pagbabalat-kayo.

Kinagat niya ang kanyang dila at ang biglang pagguhit ng sakit ang nagpagising sa kanyang diwa.

Hindi pinansin ni Xinghe ang doktor at nagmamadaling umalis.

Sumimangot ang doktor at nagdesisyon itong sundan siya. "Nars, kailangan mo ba ng tulong? Hello, nars?"

Isinara ni Xinghe ang kanyang mga tainga sa pagtawag ng lalaki, ang tanging bagay na nasa isip niya ay ang, TAKBO!

Hindi nagtagal, nakarinig siya ng mga nagmamadaling yabag na nagmumula sa kanyang likuran. Tumingin siya at sinakluban ng pagkataranta ang kanyang puso.

Ang mga guwardiya ay hinahabol na siya!

"Pigilan ninyo siya!" Hiyaw ng mga guwardiya sa kanya. Pagkakita sa mga guwardiya, napilitan si Xinghe na magmadali at tumakbo.

Mabilis siyang tumakbo patungo sa isang bukas na elevator at pinindot ang pasarang button ng nagmamadali. Agad na sumara ang pintuan bago pa siya maabot ng mga guwardiya.

Nagmura pa ang isa sa mga guwardiya, "F*ck, tawagan ninyo ang mga guwardiya sa itaas para pigilan siya, huwag siyang hayaang makatakas!"

Gayunpaman, nang harangin ng mga tao sa ibabang palapag ang elevator, wala itong laman.

"Bumaba siya mula sa iba pang palapag, hanapin siya!"

Nagkagulo na sa ospital.

Ang paligid ay nakakataranta at nakakanerbiyos…