Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 324 - Sa Wakas ay Nakita Siya

Chapter 324 - Sa Wakas ay Nakita Siya

Mga sampung guwardiya ang lumibot sa gusali ng ospital, lahat ng sulok ay ginalugad nila. Hanggang sa may nakita silang kakaiba sa banyo ng mga kababaihan sa ikalawang palapag. Isang tali na gawa sa mga mahahabang piraso ng tuwalya ay nakatali sa isang bintana. Gamit ito, maaaring bumaba ang isang tao sa ibabang palapag.

Tumayo ang mga guwardiya sa may bintana at nang itaas nila ang kanilang mga mata patungo sa papasikat na araw, nakikita nila ang isang umiikang pigura na tumatakbo palabas ng paligid ng ospital.

Damn it, nakatakas siya!

"Attention, nakaalis sa gusali ang target. Patungo siya sa gate ng ospital, regroup and pursue!" utos ng isa sa mga guwardiya gamit ang kanyang walkie-talkie.

Mabilis na naggrupo ang mga guwardiya at tumakbo para habulin si Xinghe.

Hindi nangahas na bumagal sa pagtakbo si Xinghe. Tumakbo siya hanggang sa makakaya niya na kahit ang bawat paghinga niya ay tila may kutsilyong tumutusok sa kanyang baga. Sa wakas, nakalabas na siya sa gate ng ospital at nakita ang sarili sa tabi ng kalsada. Naririnig niya ang grupo ng mga guwardiya na papalapit na sa kanya.

Masyado pang maaga kaya naman kakaunti lamang ang mga sasakyan sa kalsada.

Tumingin sa likuran si Xinghe para makita ang mga guwardiyang humahabol at lumundag siya sa kalsada para harangin ang isang kotseng paparating.

Bumusina ng malakas ang driver, natakot sa biglaan niyang pagsulpot. Mabilis nitong tinapakan ang preno at napatalon ang kotse nito sa biglaang pagpreno. Pakiramdam ng driver ay tumigil ang puso niya dahil akala niya ay napatay niya ang babae. Salamat na lamang at tumigil ang kanyang kotse sa tamang oras at ang pagkakabangga ay hindi ganoon kalakas. Bumangon ang babae sa harap ng kanyang hindi makapaniwalang mga mata at binuksan nito ang passenger door ng kanyang kotse.

Mabilis itong pumasok at sumigaw, "Magmaneho ka na at babayaran kita ng isang daang milyon!"

Nagulat ang driver sa biglaang pangyayari.

"Bilis, o pareho tayong mamamatay!" sigaw niya sa natigilang driver. Nakita ng driver ang mga guwardiyang may nakakatakot na hitsura na paparating, at kahit na wala siyang ideya sa mga pangyayari, hindi sinasadyang napatapak siya sa silinyador at mabilis na humarurot bago pa nagkaroon ng pagkakataon ang mga guwardiya na maabutan sila!

"Tigil—" ang grupo ng mga guwardiya ay hinabol sila at ang nahintakutang driver ay mas lalong diniinan ang silinyador.

Tinitigan ni Xinghe ang rear-view mirror. Matapos na makasigurado na nakatakas na sila sa mga guwardiya, sinabi niya sa driver, "Dalhin mo ako sa istasyon ng mga pulis, mayroong tao na magbibigay sa iyo ng pera mamaya!"

"Miss, ano ang eksaktong nangyayari?" kinakabahang tanong ng driver habang pinakakalma nito ang kanyang puso.

Gayunpaman, walang sumagot sa kanya. Tumingin siya sa direksiyon nito at nabigla na makita na nawalan na ng malay ang babae.

Hindi lamang iyon, may dugong tumutulo sa mukha nito at ang mukha nito ay nakakatakot ang pagkaputla…

Inakala ng driver na namatay na ito. Mabilis nitong inihinto ang kotse sa tabi ng kalsada at sinuri ang hininga nito gamit ang mga nanginginig na kamay.

Nakahinga ito ng maluwag nang maramdaman ang mahinang paghinga nito. "Miss, ano ang nangyayari? Ayos ka lang ba?" Ninenerbiyos na tanong nito, natatakot na mamatay ito sa kotse niya na magdudulot sa kanya ng maraming problema.

Nanghihinang iminulat ni Xinghe ang kanyang mga mata at binuksan ang kanyang labi para sabihin, "Sa istasyon ng pulisya, ngayon na…"

Matapos niyang sabihin ito, nawalan itong muli ng malay. Hindi na siya magising ng driver matapos iyon.

Inisip niya na ibalik ito sa ospital ngunit nakita niya na hinahabol ito ng mga tao at sigurado siya na sasaktan nila ito.

Pinag-isipan niya ito at sa wakas ay nagdesisyon na sundin ang utos nito at dinala siya sa istasyon ng pulis.

Mabilis ang pagpapatakbo niya sa siyudad dahil natatakot siya na baka mamatay ito sa loob ng kanyang kotse!

Sa sandaling dumating si Xinghe sa istasyon ng pulis, natanggap ni Mubai ang balita!

Para mahanap siya, nagpalaganap ng mga feeler si Mubai sa buong City T, ang istasyon ng pulis ang isa sa kanyang mga pinagtutuunan ng pansin.

Related Books

Popular novel hashtag