Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 320 - Xia Meng, Aalalahanin Kita

Chapter 320 - Xia Meng, Aalalahanin Kita

Ang pagpipilian na ibinigay ng lalaki ay ang mamatay ngayon o ang mamatay mamaya; napakasama at napakalupit nito. Ang kagustuhan ng lalaki na paglaruan ang buhay ng isang tao ay masasabing isa siyang demonyo! Wala siyang respeto sa kahalagahan ng buhay!

Malamig na tiningnan siya ni Xinghe. Matapos ang isang gabi ng sobrang pagpapahirap, nananatiling buo ang kanyang paninindigan. Walang bagay na makakapagbagsak sa kanya sa mundong ito.

"Ang buhay ko ay nasa iyong mga kamay, gawin mo kung ano ang gusto mo," sabi ni Xinghe ng walang takot, "Pero binabalaan kita, kung sakaling mabuhay pa ako pagkatapos ng lahat ng ito, pagsisisihan mo ito habang nabubuhay ka!"

Matapos ang lahat, hindi siya isang santo. Paano pa magiging posible na mapatawad niya ang lalaki na hindi lamang pinahirapan siya kundi kinuha pa ang buhay niya?

Nasorpresa ang lalaki. Hindi natakot si Xinghe sa pagpapahirap niya kundi may tapang pa ito na pagbantaan siya bilang kapalit.

"Quite the talker."

Nanuya siya, ni hindi man lang natinag sa banta ni Xinghe, pero bakit nga ba siya mababahala?

"Lady, gaya ng sabi mo, ang buhay mo ay nasa aking mga kamay. Hindi ba makikinabang ka kung makikipagtulugan ka sa akin? Hindi natatakot sa kamatayan?"

"Ikaw ang dapat na matakot kung hindi ako kuhanin ng kamatayan," babala ni Xinghe habang sinasalubong niya ang tingin nito.

"…"

Napakurba ang mga labi niya sa isang ngisi. "Makikita mo."

Dumilim ang mukha ng lalaki. "Mukhang hindi ka pa naturuan ng leksyon mula sa pagpapahirap kahapon. Hindi na bale, dahil wala namang tao sa mundo na hindi ko pa nawawasak!"

"Nakatingin ka na sa isa ngayon," pang-aasar ni Xinghe.

Hinila ng lalaki ang kanyang baba at tumingin sa kanya ng may kasiyahan. "Nangahas kang sumagot sa akin sa oras na ito? Lady, ang papuri ay dapat sa papurihan, isa kang kahanga-hangang babae, talagang naiiba sa lahat. "

"Ikaw din ang unang lalaki na nangahas na tratuhin ako ng ganito; alas, ang ibig sabihin nito ay hindi ka na mabubuhay ng ganoon katagal," ganting-sagot ni Xinghe sa parehong mayabang na tono.

Natigilan ang lalaki at hindi nito maiwasang hindi tumawa. "Interesante, talagang interesante! Pero alam mo ba, ang pagwasak sa mga taong tulad mo ang paborito kong libangan, kaya huwag mo akong bibiguin."

"Hindi ka mabibigo." Ang pares ng malinaw at matapang na mga mata ni Xinghe ay nakatitig sa kanya.

Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ng lalaki ay sobrang ganda ng mga mata ni Xinghe. Tila sila salamin, na ibinabalik ang kapangitan at kagandahan ng mga tao pero hindi nawawala ang sariling kagandahan nito.

Isang kawalan na patayin ang isang kahanga-hangang babae; nakakalungkot na nahulog ito sa kanyang mga kamay…

"Xia Meng, hindi ba? Tatandaan ko ang pangalan mo matapos mong mamatay," sabi ng lalaki bago ito umalis.

Kahit na napahanga siya ni Xinghe, ang pagpapahirap ay hindi tumigil. Hindi niya pinadalhan ng pagkain o tubig na inumin si Xinghe nang buong araw.

Ginugol ni Xinghe ang buong araw sa kama, patuloy na nawawalan at nagkakamalay. Sinubukan na niyang makahanap ng paraan na makalabas ngunit ang silid na pinagkukulungan niya ay matibay, at may guwardiya sa labas ng kanyang pintuan sa bawat minuto ng araw. Masyado na siyang mahina para lumaban pa. wala siyang paraan para humingi ng tulong.

Marahil ay talagang mamamatay siya dito. Hindi natatakot si Xinghe sa kamatayan dahil, sa pagtatapos ng araw, ang katawang ito ay hindi kanya. Gayunpaman, kailangan niyang magtiis dahil hindi siya makakapayag na makaligtas ang lalaking ito na nagpapahirap sa kanya! Kailangan niyang mabuo ang kanyang alaala para makapaghinganti siya sa lalaking ito kapag nakaalis na siya dito!