Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 321 - Ang Pagpapakamatay ni Xinghe

Chapter 321 - Ang Pagpapakamatay ni Xinghe

Alas, ang pag-asa niyang makaligtas ay napakababa. Ang tanging bagay na magagawa niya ay sumugal!

Habang nabubuo ang plano sa isip ni Xinghe, ang gamot sa kanyang katawan ay nagsimula ng gumana.

Kumalat ang sakit sa bawat parte ng kanyang katawan, ang mga laman-loob niya ay tila paulit-ulit na sinasaksak ng mga patalim. Ang tindi ng sakit ay unti-unting tumataas …

Nagpakawala ng ungol si Xinghe bago nagtangis ng mga ngipin para tahimik na indahin ang sakit. Tila ba ang katawan niya ay hinahati. Ang sakit ay mas matindi pa kung ikukumpara kahapon. Marahil ang kapaguran niya ang nagpadagdag ng tindi ng sakit …

Pinagtangis ni Xinghe ang kanyang mga ngipin ng mahigpit at nagsimula ng tumulo ang kanyang pawis sa bawat maliliit na butas ng kanyang balat. Marahas ang panginginig ng kanyang katawan at ang mukha niya ay nakakatakot ang pamumutla.

Habang halos mabaliw na siya sa sakit, inisip niya ang kanyang pamilya, ang kanyang tiyuhin, si Xia Zhi, at ang pinakaimportante, si Lin Lin. Kailangan niyang kumapit para sa kapakanan ng kanyang anak.

Gumulong siya sa sahig at ang mukha niya ay nalukot na sa sobrang sakit. Gayunpaman, maaaring minaliit ng lalaki ang mga babae dahil napatunayan na ang pagtitiis ng babae sa sakit ay mas higit pa dahil sa panganganak. Ang sakit ay mas matindi kaysa kahapon, pero bahagya lamang ang lamang nito kaysa noong nanganak siya sa dahilan ng kung bakit siya nabubuhay.

Hinigpitan ni Xinghe ang kanyang mga kamao at paulit-ulit niya itong inihampas sa mga dingding at sahig, umaasa na ang panlabas na sakit na nararamdaman niya ay makakalihis ng nararamdaman niyang sakit sa loob. Nagpatuloy ito hanggang halos lahat ng parte ng kanyang katawan ay duguan at puno na ng pasa.

Ang kahit na sino ay magbibigay ng simpatya kapag napanood siyang lumalaban ngunit ang lalaking nakatayo sa labas ng pintuan ay malamig na nanonood sa kanya sa pamamamagitan ng peephole. Hinihintay niya si Xinghe na magmakaawa para ibigay na sa kanya ang kalayaan sa pamamagitan ng kamatayan.

Mabagal na lumipas ang oras…

Dalawang oras na at hindi pa din sumusuko si Xinghe. Naiinip na ang lalaki, palayo na siya para iwanan si Xinghe sa paghihirap nito nang makarinig siya ng biglang pagsigaw.

Itinaas niya ang kanyang mata tungo sa peephole at nakita niya si Xinghe na ibinunggo ang ulo sa matalim na anggulo ng kama. Umagos ang dugo mula sa noo nito at sumalampak ito sa sahig na parang manikang walang buhay.

"Buksan ang pintuan!" utos ng lalaki.

Nagmamadali itong pumasok para suriin ang pulso ni Xinghe. Buhay ito ngunit nakabitin pa ng ga-sinulid, at isang maliit na lawa ng dugo ay nagsisimula ng maipon sa ilalim ng katawan nito.

Kinakitaan ng galit sandali ang mga mata ng lalaki. Pinandilatan niya si Xinghe. "Ang buwisit na babae ay hindi talaga takot mamatay!"

"Pero sa tingin mo ba ay mamamatay ka ng ganoon kadali laban sa akin? Imposible!" Kinarga niya ang katawan nito at lumabas na ng silid. "Tumawag kayo ng ambulansya, mabilis!"

Ang isa sa kanyang mga tauhan ay agad na sumunod sa kanyang utos.

Mabilis na nadala sa ospital si Xinghe. Ang sitwasyon niya ay mapanganib, kinailangan ng mga doktor ng maraming oras para mailigtas siya mula sa bingit ng kamatayan.

Matapos ang operasyon, dinala na siya sa isang sikretong sickroom. Maliban sa iilang Other medical personnel, wala nang nakakaalam pa ng tungkol sa kanya.

"Sir, ang kondisyon ng babae ay umaayos na ngunit hindi siya magigising agad-agad. Kailangan niyang manatili sa ospital ng ilang araw para sa obserbasyon dahil ang katawan niya ay masyadong mahina," magalang na balita ng doktor sa lalaki.

Tumango ang lalaki at sumagot sa mababang tinig, "Naiintindihan ko. Tulungan ninyo akong panatilihin siyang buhay at siguraduhin ninyo na mapanatiling sikreto ang katauhan niya mula sa kahit na sino."