Chapter 318 - Bangungot

Itinaas ni Xinghe ang kanyang mga mata at pakiramdam ng lalaki ay nalantad siya – na tila nakikita nito ang nilalaman ng kaluluwa niya.

"Mali ba ako?"

Naningkit ang mga mata ng lalaki. "Napahanga mo ako. Hindi ka lamang matapang sa harap ng kamatayan pero may ibang klaseng bibig ka din!"

Gayunpaman, ang pinakanakakatakot na bagay ay dahil sa malinaw na pagkaunawa ng kanyang utak para patunayan ang mga salita niya, hindi siya nagsasalita lamang dahil sa takot. Sa pamamagitan ng ilang palitan ng salita, nabasa na niya ang ugali nito. Aaminin niya, ang babaeng ito ay kakaiba, na nagiging mahirap para sa kanya na maniwala na wala ang bagay sa mga kamay nito.

Humakbang ang lalaki patungo sa kanya at itinutok ang baril sa kanyang noo.

Ang bosees nito ang nagpakilabot sa balat ni Xinghe. "Tatanungin kita ng isa pang beses, nasaan ang bagay na iyon?"

Tumingin si Xinghe sa mukha nito. Sa lapit nila, sa wakas ay nakita niya ng malinaw ang mukha ng dumukot sa kanya. Ang lalaki ay matangkad, matipuno, at nabiyayaan ng perpektong anyo.

Ang hitsura nito ay maaaring maging karibal ng kay Mubai, pero ang pinakamalaking pinagkaiba ng dalawa ay ang kanilang mga mata.

Ang mga mata ni Mubai ay palaging kalmado at nakapokus. Nagpapakita ito ng tiwala sa sarili na kayang pasanin ang buong mundo. Sa kabaliktaran naman, ang mga mata ng lalaking ito ay malikot at alerto. Ipinapakita nito ang malalang paranoia. Alam ni Xinghe na ang klase ng taong ito ay walang-awa at gagawin ang lahat para makuha ang kanilang layunin.

Mabagal siyang tiningnan ni Xinghe, bago idinagdag na, "Bago mo ako patayin, hindi ba pwede na sabihin mo sa akin ang pangalan mo? Malaman ko man lamang kung sino ang mumultuhin ko pagkatapos kong mamatay."

Malamig na ngumiti ang lalaki. "Mukhang handa ka nang mamatay sa aking mga kamay."

"May iba pa bang pagpipilian?"

"Kung gayon, ibibigay ko ang kahilingan mo!" Nagsimula ng pindutin ng lalaki ang gatilyo.

"Hindi mo pa sinasabi sa akin ang pangalan mo." Kahit na sa oras na ito, nakakatakot ang pagiging kalmado ni Xinghe.

Sumagot ito, "Hindi ka karapat-dapat na malaman pa ang pangalan ko!"

Umalingawngaw ang isang putok sa katahimikan ng gabing iyon!

"Xia Xinghe—"

Nagising si Mubai mula sa kanyang bangungot, pinagpapawisan siya ng malamig. Tumingin siya sa paligid ng may kaunting pagkalito at naalala na nakatulog siya sa kanyang study.

Ikaanim na ng umaga. Hinahanap niya si Xinghe mula ng mawala ito ngunit hanggang ngayon, wala pa ding balita dito…

Dahil sa sobrang inis ay bayolente niyang hinawi ang mga dokumento na nasa kanyang mesa!

Ang mga papel ay nagliparan sa buong silid na tila pabagsak na mga niyebe.

Hindi na magawang makatulog ni Mubai kaya naglakad siya patungo sa kabilang villa na nasa loob ng lumang mansiyon ng Xi family.

Umakyat siya upang tumayo sa harap ng pintuan ng isang silid. Ang nars na kasalukuyang nagtatrabaho ay nakita siya at lumapit para magtanong, "Mr. Xi, bakit ang aga mo po na nandito? May maitutulong po ba ako sa inyo?"

"Kumusta na ang lagay niya nitong mga nakaraan?" kaswal niyang tanong.

Alam ng nars kung sino ang tinutukoy niya at matapat itong sumagot, "Nakikipagtulungan ng husto sa amin si Miss Xia. Ginagawa niya ang lahat ng sinasabi naming gawin niya."

Tumango si Mubai at itinulak pabukas ang pintuan.

Si Xia Meng, na nakarinig ng komosyon, ay nakaupo na ng pumasok siya. Ang hitsura nito ay bahagyang guwardiyado at kinakabahan. "Mr. Xi, may kailangan ka ba sa akin?"

Tinitigan siya ni Mubai ngunit wala siyang nararamdaman.

Ang mukhang tumititig pabalik sa kanya ay kay Xinghe ngunit hindi siya makilala ni Mubai.

Ang essence ni Xinghe ay nawawala at ang babae sa harap niya ay maaring isang estranghero na lamang.

Ang mahalagang parte niya ay nawawala, at sumusumpa siyang hahanapin ito para maibalik ang isang kumpletong Xia Xinghe!

Related Books

Popular novel hashtag