Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 319 - Hindi Siya Nagmakaawa!

Chapter 319 - Hindi Siya Nagmakaawa!

Walang emosyong tumingin si Mubai kay Xia Meng at nagsimula ng kabahan ang huli. Bigla, sinabi niya na, "Naririto lamang ako para sabihin sa iyo na hahanap ako ng isang magandang katawan para gamitin mo matapos ang pananaliksik."

Nasorpresa si Xia Meng. Hindi niya inaasahan na personal itong pupunta para sabihin ito sa kanya.

"Bilang kapalit, kailangang ipangako mo sa akin na aalagaan mo ng mabuti ang katawan ni Xinghe. Kung hindi, hindi ako mag-aalinlangan na panatilihing walang malay ang katawan ng labag sa kalooban mo, naiintindihan mo ba?" malamig na tanong ni Mubai.

Nabablangkong tumango si Xia Meng. "Naiintindihan ko."

"Mahusay." Matapos na makuha ang sagot na gusto niya, tumalikod na si Mubai para umalis.

Nagtaka si Xia Meng, pumunta ba siya dito para lamang sabihin ito sa kanya? Sa ibang kadahilanan, mas may malaking rason ang tingin ng babae…

Gayunpaman, wala na itong kinalaman sa kanya. Hanggang nananatili siya sa katawan ni Xinghe, sigurado siyang hindi papayag si Mubai na mapahamak siya. Alam niya kung gaano kahigpit ang pagiging maingat na idinidirekta nito sa katawan ni Xinghe at hindi sa kanya. Ang totoo, sigurado siya, na kung kinakailangan, ay isasakripisyo siya nito ng walang alinlangan para protektahan si Xinghe kung kinakailangan ng pagkakataon. Isa lamang siyang minor inconvenience na nagkataong hawak niya ang katawan ni Xinghe.

Sa ibang kadahilanan, ang kaalaman na ito ang nagpainis kay Xia Meng. Muli, nagsimula na siyang mainggit kay Xinghe dahil alam niyang walang lalaki ang tatratuhin siya tulad ng pagtrato ni Mubai kay Xinghe.

Balik sa may kadilimang silid, iginalaw ni Xinghe ang katawan niyang namamaluktot sa kama.

Ang katawan niya ay basang-basa ng pawis, pati ang kutson ay nababasa na din. Ang kanyang katawan ay lubhang nanghihina, ang maliliit na pagkilos ay umuubos ng kanyang enerhiya.

Hindi inaasahan na matapos mailagan ang kamatayan, may mas malaking pagpapahirap na naghihintay sa kanya. Kahapon, iniiwas ng lalaki ang baril sa huling sandali. Dumaplis ang bala sa kanyang sentido at matapos noon ay bumaon ito sa pader na nasa kanyang likuran.

Gayunpaman, sinaksakan siya ng lalaki ng droga. Ang sabi ng lalaki, magiging aktibo ang droga tuwing gabi, magdudulot ito ng sakit, sobrang sakit na mas gugustuhin ng isang tao na mamatay matigil lamang iyon.

Nalaman ni Xinghe na hindi nagsisinungaling ang lalaki. Naghirap siya sa sakit ng buong gabi. Kung hindi dahil sa kanyang personal na karanasan hindi niya malalaman na may nakakatakot na droga na nabubuhay sa tunay na mundo.

Gayunpaman, hindi siya nagmakaawa!

Oo, sobra ang sakit na hindi mo kakayanin pero hindi siya sumusuko; alam niya na ito ang hinihintay ng lalaki, ang puwersahin siya na isiwalat ang lokasyon ng enerhiyang kristal.

Ang katotohanan na hindi talaga alam ni Xinghe ang lokasyon, at kahit na alam niya, hindi niya sasabihin sa lalaki.

Wala ng makakatakot sa kanya; mas gugustuhin niyang maghirap na lamang sa sakit kaysa hayaang maging masaya ito. Ang pinakamasama lamang, mamamatay siya kasama ang kaalaman at ang bakas nito ay mamamatay kasama niya.

Dahan-dahang bumukas ang pintuan at naglakad papasok ang lalaki…

Tiningnan niya si Xinghe na nagpupumiglas at sinabi nito ng may kasiyahan "Nasorpresa naman ako na hindi ka pa din sumusuko. Ang gamot na ibinigay ko sa iyo ay nagawang talunin ang pinakamatibay na tao ng militar."

Tinapunan siya ni Xinghe ng isang malamig na titig. "Kung narito ka para kunin ang buhay ko, bilisan mo na. Pagod na akong makipag-usap sa iyo."

Walang tuwa na tumawa ang lalaki. "Mukhang minaliit ko ang katigasan ng ulo mo."

Ang totoo, napahanga ni Xinghe ng lubusan ang lalaking ito. Ang inisip niya ay pananakot at pagpapahirap ang magpapasuko kay Xinghe dahil sa isa siyang babae. Gayunpaman, matapos ang grabeng pagpapahirap, hindi pa rin ito matinag…

Ito ang lubos na nagpabigla sa lalaki.

Gayunpaman, walang nabubuhay sa kanyang kakayahan sa pagpapahirap, kaya kinuha niya na personal na misyon ang wasakin si Xinghe.

"Miss Xia, ang pagpapahirap kahapon ay ang simula pa lamang. Mabuti pang pumili ka na ng maigi. Kung handa kang isiwalat sa akin ang lahat ay ibibigay ko sa iyo ang isang bala sa puso mo. Isang patas na kapalit, hindi ba? "

Related Books

Popular novel hashtag