Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 310 - Pumayag na sa Wakas na Makita Siya

Chapter 310 - Pumayag na sa Wakas na Makita Siya

Ang lahat ay naresolbahan ni Mubai sa loob ng limang minuto. Hindi inaasahan ni Xinghe na magiging marahas ito at tila isang mandaragit. Pero hindi nga pala nito mararating ang propesyunal na kinatatayuan kung magiging mabait at mabuti ito sa lahat.

"Hindi ka na gagambalain pa ng mga taong iyon kailanman," mabait na sinabi sa kanya ni Mubai habang naglalakad ito papasok.

Lubos na iba ang katauhan nito kaysa sa doon sa nasa labas.

Tumango si Xinghe. "Salamat pero hindi mo na sana ginawa pa iyon. Kaya ko na sanang ayusin iyon, kaya habang nagpapasalamat ako sa iyong tulong, sinisigurado ko sa iyo na kaya ko nang ayusin ang iba pa."

Ngumiti si Mubai at itinaas ang mga braso na tila sumusuko. "Sige, hahayaan ko na ang lahat sa iyo. Hindi na ako makikialam pa."

Masaya siya na kahit paano ay napaalis niya ang mga reporter at ang mga babae ng Ye para sa dito.

Siyempre, gusto niyang tulungan ito sa lahat ng bagay ngunit alam niya na magagalit lamang si Xinghe kapag ginawa niya ito. Ayaw nito na umasa sa kahit na sino, maliwanag na nitong sinabi iyon.

Isa pa, makakabuti kay Xinghe na siya ang magtanong kay Ye Shen dahil siya lamang ang nakakaalam kung ano ang mga tanong na dapat itanong.

Hindi na matagalan pa ni Ye Shen ang pagpapahirap sa kanya at pumayag nang magsalita. Mas gusto niyang makulong para ipagpatuloy ang kahihiyang inihanda ng mga ito sa kanya.

Nagtangis ang kanyang mga ngipin at tiniis ang lahat ng ibinato ng mga ito sa kanya at napilitan na itong sumuko ng inihanda ng mga ito na makulong siya kasama ang grupo ng mga nakakulong na baliko sa isang partikular na paraan.

Para sa isang lalaki na tulad ni Ye Shen, na ginugol ang buong kabinataan niya bilang isang babaero, mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa maging bottom b*tch ng kung sino. Ang pagkalalaki ay masyadong marupok minsan.

Nangako si Ye Shen na isisiwalat ang lahat basta ba masasagip siya mula sa 'pagpupulot ng sabon' kasama ang mga lalaki.

Matapos itong marinig ni Xinghe, pumayag na siyang makipagkita dito.

Dinala si Ye Shen sa isang high-security na silid-interogasyon. Matapos na madala ito doon, ang pintuan ay bumukas para ipakita si Xinghe na mabagal na naglalakad papasok.

Nanghihina na nakasandal si Ye Shen habang itinataas niya ang mga mata para tingnan ito. Samut-saring emosyon ang makikita sa mga mata nito. Makikita doon ang inaasahang pagkamuhi pati na rin ang kawalan ng pag-asa. Noon, siya ang nagpapahirap pero ngayong nabaliktad na ang lahat at siya na ang pinahihirapan ngayon.

Hindi inaasahan ni Ye Shen na ang babaeng kanyang sinasampal-sampal kung kailan niya gusto dati ay makakabuo ng napakaingat na plano para mabitag siya. Tila ba ito ay isang bagong babae. Nagawa pa nitong idiin sa kanya ang isang online heist, nakakahanga talaga siya!

Sa madaling salita, kung hindi dahil dito, hindi siya mauuwi sa ganito.

Kaya naman, nang makita niyang pumasok na ito, sinugod ni Ye Shen ang partisyon na naghihiwalay sa kanila gamit ang buo niyang lakas. Malakas na umuga ang screen.

"Xia Meng, p*ta ka, sabihin mo sa kanila kung ano ang ginawa mo at ipawalang-sala mo ang mga krimen ko! Binitag mo ako! Hindi kita mapapatawad kailanman, p*ta ka!"

Binagalan ni Xinghe ang kanyang mga hakbang at tinitigan siya ng hindi kumukurap. "Kung iyan lamang ang sasabihin mo sa akin, mabuti pa na umalis na lamang ako."

Pagkatapos, tumalikod na ito para umalis.

"Hindi—" natatarantang nagmamakaawa si Ye Shen, "Xia Meng, sandali lang, hindi ko sinasadya, hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin. Hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko, huwag kang umalis pakiusap!"

Ibabalik siya sa mga lalaki at ang isipin ito ang pumipiga sa nanginginig niyang puso. Hindi niya gustong mawala ang isa pa niyang pagkabirhen.

Doon pa lamang, pakiramdam ni Ye Shen ay natalo siya ng lubusan. Ang tanging pagpipilian niya ay ang makipagtulungan kay Xinghe…

Bumalik si Xinghe, nasiyahan sa kanyang narinig.

Naupo siya sa isang upuan at mabagal na nag-utos, "Halika at maupo, dahil marami akong katanungan para sa iyo. Sagutin mo sila ng maayos at baka makakuha ka pa ng gantimpala."

"Gantimpala?" Mabilis na tanong ni Ye Shen na tila isang alila na gustong pasiyahin ang kanyang amo. "Ano'ng klase ng gantimpala?"

Related Books

Popular novel hashtag