Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 311 - Propesiya ng Katapusan ng Mundo

Chapter 311 - Propesiya ng Katapusan ng Mundo

Kumurba ang mga labi ni Xinghe at napangiti ito. "Ang gantimpala tulad ng pagkaka-atras ng demanda laban sa iyo ng Xi Empire."

"Totoo?" nagulat si Ye Shen.

"Depende ito sa pakikipagtulungan mo at kung masisiyahan ako sa sagot mo o hindi."

"Makikipagtulungan ako ng isang daang porsiyento! Sasagutin ko ang bawat isang tanong na itatanong mo sa akin!" Para sa kapakanan ng kalayaan niya, ipapangako ni Ye Shen kahit ang buhay niya. Hindi niya gustong gugulin ang buong buhay niya sa bilangguan, na pinaghahatian tulad ng isang piraso ng laman. Walang sikreto ang mas importante pa dito.

Ang mga emosyon ni Ye Shen ay naging kumplikado at magulo.

Ang babaeng ito sa kanyang harapan, na dati ay tinatrato niyang mas mababa pa sa alagang aso, ay tinatapakan na siya sa kanyang ulo. Nagawa pa nitong paikutin si Xi Mubai sa kanyang mga daliri…

Paano niya ito ginawa? Kung alam lamang niya na isang araw ay aakyat ito, hindi na sana niya ito trinato ng masama dati.

Wala ng oras pa si Xinghe para alagaan ang mga emosyon nito. Tinanong siya nito ng direkta, "Sabihin mo sa akin, pamilyar ka sa Project Galaxy, hindi ba?"

Napatitig sa kanya si Ye Shen sa sobrang kabiglaanan.

"Alam mo din ang tungkol doon?!" Lumabas ang mga salita sa kanyang bibig bago pa niya ito pigilan. Akala niya ay wala itong alam, dahil palaging aanga-anga si Xia Meng sa kanyang harapan.

"Sabihin mo sa akin ang lahat ng alam mo," utos ni Xinghe sa isang boses na hindi tatanggap ng argumento.

Lumikot ang mga mata ni Ye Shen, at pinasadahan niya ng tingin ang kapaligiran nila ng natataranta.

"Walang surveillance dito. Maliban sa akin, wala ng iba pang tao na makakarinig ng sasabihin mo."

Nahulaan na ni Xinghe ang pag-aalala na nasa isip niya.

Bumalik ang tingin ni Ye Shen sa kanya, hinuhulaan ang sagot niya. "Mukhang may alam ka na din sa proyekto noon pa, kaya alam mo na kung ano talaga ang layunin ko, tama?"

"May alam ako pero ayos lamang sa akin na may makuha pang ibang impormasyon mula sa iyo." Malabo ang sagot ni Xinghe. At sa parehong pagkakataon, binalaan niya ito, "Huwag mo nang subukan pang magtago ng kahit ano sa akin. Kapag nalaman ko na nilalansi mo ako, maghanda ka nang manatiling nakakulong dito ng habambuhay. "

Agad na nawala ang mga masamang balakin sa isip ni Ye Shen.

Sumalampak ito sa upuan na tila wala na siyang natitira pang enerhiya. "Sige sasabihin ko na sa iyo ang lahat pero binabalaan kita na wala akong masyadong alam at hindi ka din naman maniniwala sa akin kahit na sabihin ko sa iyo ang mga bagay na alam ko."

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Xinghe. "Subukan mo ako."

"Naniniwala ka ba sa kapangyarihan ng mga propesiya?" tinitigan siya ni Ye habang nagtatanong ito.

Nagulat si Xinghe, "Mga Propesiya?"

Sa ibang kadahilanan, ang marinig ang salitang iyon ay nagdulot ng bahagyang panginginig sa kanyang puso. Ipinaalala nito sa kanya ang kanyang mga nagbababalang panaginip…

Sabik na tumango si Ye Shen. "Tama iyon, isang propesiya ng katapusan ng mundo para eksakto! Ang sabi ng propesiya ay magugunaw ang mundo sa loob ng labinlimang taon!"

Sinadya ni Ye Shen na magdagdag ng drama hangga't kaya niya ngunit nabigo siyang makakuha ng anumang tugon mula kay Xinghe. Ni hindi man lamang siya nito tinawag na baliw.

"Sino ang nagsabi sa iyo ng tungkol sa propesiyang ito?" kalmado niyang tanong.

Ikinasorpresa ito ni Ye Shen. "Hindi ka ba nag-uusisa kung totoo ito?"

"Ako ang magpapasiya niyan sa sarili ko. Ang tanging trabaho mo ngayon ay ang sagutin ang mga tanong ko."

Mariing tinitigan ni Ye Shen si Xinghe at bigla ay bumuntung-hininga, "Xia Meng, talagang nagbago ka na. Kahit ako ay nahihirapan nang basahin ang mga iniisip mo."

Inaasahan na ito dahil si Xinghe ang laman ng utak ni Xia Meng ngayon.

"Ang ama mo ang nagsabi sa iyo ng tungkol sa propesiya?" mahinang tanong ni Xinghe.

Tumango si Ye Shen. "Tama ka, si Pops ang nagsabi sa akin ng tungkol sa propesiya. Ang totoo niyan, nasorpresa ako na hindi mo alam iyan, pero baka naman hindi sinabi sa iyo ng tatay mo iyan dahil ayaw niya na mamuhay ka sa takot ng buong buhay mo."

"Ano ang silbi ng itim na kahita?" Hindi siya pinansin ni Xinghe at patuloy na nagtanong. Ang bawat tanong niya ay maiksi at diretso sa punto.

Malaking sikreto na ang nabunyag ni Ye Shen kaya nagdadalawang-isip na ito, "Sigurado ka ba na mailalabas mo ako dito matapos kong sabihin ang lahat sa iyo?"