Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 309 - Simple at Madali

Chapter 309 - Simple at Madali

Sinamahan ni Ye Qin ang kanyang ina sa pang-iinsulto. Ang bawat klase ng insulto ay lumabas sa malilit nilang bibig…

Nagpatuloy ang mga camera sa pagkislap. Kahit pa pigilan sila ng mga security, wala ding nangyayari. Ang lugar ay naging magulo.

"P*ta, kapag hindi ka lumabas ngayon, susunugin ko hanggang maging abo ang lugar na ito! Susunugin ko kayong dalawang pares ng mga p*ta ng buhay!" galit na hiyaw ni Mrs. Ye at sa wakas ay bumukas ang front door ng villa ng dahan-dahan.

"Sunugin kami ng buhay? Gusto kong makita na subukan mo." Ang makapangyarihang boses ni Mubai ay umalingawngaw sa patyo habang ang matangkad niyang pigura ay naglakad palabas mula sa likuran ng pintuan.

Ang lahat ng naroroon ay natigilan.

Tinapik ni Mrs. Ye ang mga reporter na nasa kanyang tabi habang sabik na nakaturo sa kanya. "Nakita ninyo, nandito si Xi Mubai! Ang lahat ng bintang ko ay totoo!"

Biglang nagkagulo ang mga reporter at tila mga baliw na ibinalya ang mga guwardiya sa gate at pinalibutan si Mubai. Ang kislap ng mga camera ay hindi tumigil. Tila ba lahat sila ay nakalimutan kung sino ang kaharap nila.

Tiningnan ng malamig ni Mubai ang grupo ng mga tao at binuksan ang kanyang mga labi para mag-utos, "Sirain ang lahat ng camera at camera phones na nandito! Baliin ang mga hita ng mga nangahas na tumakbo, tipunin silang lahat!"

Ang mga sanay na personal niyang bodyguard ay agad na tinalon ang madla at nagsimula nang makipagpambuno sa mga reporter.

Matapos ang isa o dalawang segundo, sunud-sunod na nadurog ang mga camerang inihahagis sa sahig.

"Ano ang ginagawa mo?"

"Ang camera, huwag!

"

"Iligal ito. Ihahabla kayo ng kumpanya ko!"

Galit din ang mga reporter pero takot din.

Matapos na makuha at masira ang lahat ng mga recording devices ng mga bodyguards, agad nilang pinalibutan ang mga reporter, ni hindi binigyan ng pagkakataon ang mga ito na makatakas.

Ang ilang reporter na nagpupumiglas ay natakot ng kumilos.

Natigilan sina Mrs. Ye at Ye Qin habang pinapanood ang mga pangyayari…

Hindi nila inaasahan na magiging marahas si Mubai. Niyakap nila ang bawat isa sa pagkabigla at bago pa sila makabawi, ang nakakamatay na titig ni Mubai ay natuon sa kanila.

"Idetena ang dalawang ito at ipadala sila sa istasyon ng pulis. Ihahabla ko sila sa kasong libelo at paninirang-puri."

"Yes, sir!" Ang ilang guwardiya ay kumilos para hilahin na sila paalis.

"Pakawalan mo ako, hindi mo pupwedeng tratuhin ako ng ganito, mas nakakatanda ako sa iyo, pakawalan mo ako!" galit na nagpupumiglas si Mrs. Ye, habang si Ye Qin ay nagmamakaawa ng may luha sa kanyang mga mata, "CEO Xi, ang mga salitang sinabi namin ay hindi direkta patungkol sa iyo pero kay Xia Meng. Mali lang ang pagkakaintindi mo sa amin, isa lamang itong hindi pagkakaintindihan."

"Sa tingin mo ba ay bingi ako?" maiksing sagot ni Mubai.

Kahit na hindi nila idinawit ang kanyang Xi family, hindi niya mapapatawad ang mga ito dahil sa ginawa nila kay Xinghe at si Xinghe ay pamilya niya.

Matapos na maialis sina Mrs. Ye at Ye Qin, nanginig sa takot ang mga reporter, takot na ang galit ng lalaking ito ay mabunton na sa kanila.

Ngayon ay alam na nila kung ano ang takot. Nagsisisi sila na ginalit nila ito dahil lamang sa isang maliit na balita sa tabloid. Ang lalaki sa kanilang harapan ay hindi ang nakangiting CEO na dati nilang kilala, ngayon ay naunawaan nilang nasagad nila ang hangganan ng pasensiya nito. Hindi lamang nila inaasahan na mayroon itong marahas na pag-uugali.

Ngayon, nagdarasal sila na hindi sana sila habulin at pagbayarin ni Mubai dahil baka hindi lamang ang kanilang mga camera ang masira kundi pati na din ang kanilang mga trabaho.

Sa kanilang pangingilabot, walang emosyong inanunsiyo ni Mubai, "Hihingan ko ng kabayaran ang bawat reporter na naririto. Nagkasala kayo sa pagpunta ninyo sa bahay ko ng walang pahintulot at sinaktan ninyo ang mga tauhan ko. Ang bawat isa sa inyo ay personal na makakatanggap ng sulat mula sa mga abogado ko."

Matapos niyon, tumalikod na si Mubai at bumalik sa villa, hindi pansin ang mga nagmamakaawang pakiusap ng mga madla ng reporter.

Related Books

Popular novel hashtag