Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 305 - Biruin Siya sa Harapan Niya

Chapter 305 - Biruin Siya sa Harapan Niya

Sa pagkakataong natapos ng pirmahan ni Ye Shen ang mga papeles, isang guwardiya ang lumapit para kuhanin ang mga ito.

Sinuri nito ang papeles ng maigi bago ipinasa pabalik kay Xinghe, habang sinasabi, "Miss Xia, lahat ay narito na."

Tinanggap ito ni Xinghe at binigyan ito ng sulyap bago sinabi kay Ye Shen, "Mula sa segundong ito, tandaan mo, Ye Shen, at ako na si Xia Meng, ay wala ng namamagitang relasyon sa ating dalawa."

"Siyempre," masayang sambit ni Ye Shen, "Pero minsan ay nagsalo naman tayo sa iisang kama, kaya naman huwag kang mag-alinlangan na puntahan ako kung kailanganin mo ang tulong ko dito. Siyempre, hinihiling ko na maging maayos ang lahat sa pagitan ninyong dalawa ni Xi Mubai. Mamaya niyan, maloko mo siya na pakasalan ka. Hahaha…"

Ang panghahamak sa mga salita ni Ye Shen ay hindi na kailanganin pang linawin. Siyempre, alam na ni Xinghe ang pakahulugan ng mga ito.

Habang tinitingnan ang matagumpay na mukha ni Ye Shen, pinaalalahanan siya ni Xinghe sa mahinang tinig, "Puntahan mo din ako kung kailangan mo ang tulong ko."

"Tatanggapin mo pa din ako?" halatang nabigla si Ye Shen.

Tumango si Xinghe. "Siyempre, ang mga pintuan ko ay laging bukas."

"Sige, sige, pupuntahan kita kung kailangan ko ng tulong!" Itinago na ni Ye Shen ang mga bagay at umalis ng may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Ngunit bumalik ito matapos ang ilang hakbang para sabihin, "Ang totoo, Xia Meng, para sabihin sa iyo, gusto ko ang bagong ikaw. Kung ganito ka pa lamang at nakikipagtulungan sa akin sa simula pa lamang hindi tayo mauuwi bilang diborsyado. Pero, ano pa man ang mangyari, masasabi ko na may kaunti pa akong nararamdaman sa iyo. Kaya naman, kung gusto mo lang, hanapin mo ako dahil ayos lamang sa akin na kamutin ang kati na iyan… kung alam mo ang ibig kong sabihin."

Nagtagal ang kanyang mahalay na tingin sa katawan ni Xinghe.

Para sa ikakaganda o ikakasama, ang interes niya sa bagong ugali ng dating asawa ay napukaw. Ang mapaamo ang mapagmataas na p*tang ito sa kama ay isang hamon ngunit siguradong isang masayang ehersisyo.

"Xia Meng, bakit hindi mo ipinakita ang ugali mo na ito noon pa, napigilan sana natin ang mga problema," malaswang biro sa kanya ni Ye Shen.

Madilim na tinitigan siya ni Xinghe.

"Kung ganoon ay mas maaga kang namatay din."

Hindi naintindihan ni Ye Shen ang ibig niyang sabihin, pero wala na itong halaga ngayon. Nagkibit-balikat lamang siya at umalis habang tumatawa. Kahit na matagal na siyang nakaalis sa paligid ng villa, naririnig pa din ni Xinghe ang masasayang tawa nito.

Lumabas si Mubai mula sa isa sa mga silid na may malamig na awra.

Hinablot niya ang mga papeles para sa diborsyo mula sa mga kamay ni Xinghe at idinuldol ito sa guwardiya. Iniutos niya ng may balak na gustong pumatay, "Ayusin ninyo ito agad!"

"Yes!"

Agad na kumilos ang guwardiya para sumunod.

Gayunpaman, ang malamig na awra na nakapalibot kay Mubai ay hindi naglaho. Sinabi niya kay Xinghe, "Ako na ang bahala sa iba pa. Huwag mo nang abalahin pa ang sarili mo na harapin ang taong basura na iyon."

Oo, si Ye Shen para sa kanya ay isang basura na hindi na niya mahintay na mai-recycle. Nangahas siyang biruin si Xinghe ng paulit-ulit sa kanyang harapan?! Ililibing ni Mubai si Ye Shen ng buhay.

Tumango si Xinghe. "Kung ganoon ay ihahabilin ko na siya sa iyong mga kamay at hihintayin na lamang siya na hanapin ako."

Ang ngiti ni Mubai ay nakakatakot na tila isang bampirang naghahanap ng dugo. "Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong gagapang siya pabalik dito sa iyo."

Pagkatapos, tutulungan niya si Xinghe na katayin ito na tila isang hayop na katulad niya!

Hindi alam ni Ye Shen na isang seryosong kaso ng pagkamalas ang dadating sa kanya. Ang totoo, ang inisip niya ay nakatagpo siya ng hindi inaasahang swerte.

Dahil sa wakas, nagawa niyang makuha ang itim na kahita mula kay Xia Meng at, hindi lamang iyon, nakaloko ng tatlong daang milyon mula sa p*ta!

 Gamit ang pera na iyon, malalampasan ng Ye Corps ang krisis na ito at maaari pang lumago sa hinaharap.

Gamit ang napilitang tulong ni Xia Meng, ang kanyang kinabukasan ay napakaganda. Ang dugo ni Ye Shen ay kumukulo sa pananabik habang humahakbang siya sa mundo na sa pakiramdam niya, sa oras na iyon, ay nasa ilalim ng kanyang mga paa!