Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 306 - Ang Simula ng Katapusan

Chapter 306 - Ang Simula ng Katapusan

Gayunpaman, hindi niya alam na ang mundo ay naghihintay pala sa kanya na bumagsak.

Ibinuhos ni Ye Shen ang katatanggap na pera sa kanyang kumpanya, at buong kumpiyansa na naghintay na makabangon ang Ye Corps.

Pero sino ang mag-aakala na sa ikalawang araw, isang grupo ng mga pulis ang kakatok sa kanyang pintuan!

Natutulog pa si Ye Shen nang pumasok ang mga pulis sa kanyang silid at dinitena siya ng wala man lang itinatanong sa kanya.

"Ano ang ibig sabihin nito?!" Ang halos hubad na si Ye Shen ay nadiin sa kanyang kama, habang sumisigaw ito sa galit at pagkapahiya.

Ang pulis na namumuno ay kalmadong nagpaliwanag, "Ye Shen, inaaresto ka namin dahil sa isang online bank heist. Huwag ka nang manlaban pa at sumunod na lamang sa amin sa istasyon ng pulisya para makipagtulungan sa aming imbestigasyon!"

Nanlaki ang mga mata ni Ye Shen sa pagkabigla, wala siyang ideya kung ano ang sinasabi ng opisyal ng pulisya na ito. "Ano'ng online bank heist? Isa lamang pagkakamali ito! Kilala mo ba kung sino ako? Nangangahas kayong tratuhin ako ng ganito…"

"Kahapon ay may nang-hack sa corporate account ng Xi Empire at nagnakaw ng tatlong daang milyong halaga ng pera. Matapos ang ilang imbestigasyon, natagpuan namin na ang lahat ng pera ay nailipat sa personal mong account. Huwag mong sabihin na wala kang alam sa nangyaring ito!"

Ano?!

Nablangko ang utak ni Ye Shen. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyari.

"Ang pera na iyon ay ibinigay sa akin ni Xi Mubai, hindi ko ito ninakaw. Ang dati kong asawa na si Xia Meng, ibinigay ito sa akin, kung hindi kayo naniniwala sa akin, maaari ninyo siyang puntahan at tanungin!" Galit na paliwanag ni Ye Shen ngunit unti-unting bumabangon ang takot sa kanyang puso. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay unti-unting nagugunaw ang kanyang mundo.

"Iimbestigahan namin ang lahat ng sinabi mo sa amin, pero kailangan mong sumunod sa amin ngayon sa presinto. Dalhin na ninyo siya, boys!" maawtoridad na utos ng opisyal.

Kahit gaano pa magpumiglas si Ye Shen o magmakaawa ang mga tao mula sa Ye family, hinuli si Ye Shen ng ganoon na lamang. Ni hindi siya binigyan ng mga pulis na magsuot ng damit. Itinaklob lamang nila ang isang paper bag sa kanyang ulo at ipinarada si Ye Shen sa mundo ng naka-underwear habang kinakaladkad nila ito patungo sa kotse ng mga pulis.

Pakiramdam ni Ye Shen ay ito na ang pinakamalaking kahihiyan na kanyang naranasan sa tanang buhay niya, hindi niya alam na may masahol pa palang kahihiyan ang naghihintay sa kanya…

Ang sumunod sa presinto ay ang mga serye ng katanungan. Sa wakas ay nalaman na ni Ye Shen ang totoo, naloko siya ng p*tang Xia Meng at marahil ay ang kalaguyo nito na si Xi Mubai!

Pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi malaman ng mga pulis ang buong katotohanan.

"Sinasabi mo na ang tatlong daang milyon ay ibinigay sa iyo ni Xia Meng? Kababalik lamang ng mga tao namin mula sa isang panayam kay Miss Xia, sinabi niya na wala siyang natatandaan tungkol doon."

"Pero ibinigay naman niya talaga ito sa akin!" galit na tumayo si Ye Shen pero idiniin siya pabalik ng pulis na nakatayo sa kanyang likuran. "Maupo ka lang!"

Pinakalma ni Ye Shen ang sarili at galit na sinabi, "Binayaran niya ako ng tatlong daang milyong RMB para makakuha ng diborsyo sa akin para makisama na kay Xi Mubai. Tingnan ninyo ito kung ayaw ninyong maniwala sa akin, kakapirma lamang ng mga papeles ng diborsyo kahapon!"

"Sinabi na din sa amin iyan ni Miss Xia. Gayunpaman, sinabi niya na binigyan ka niya ng 2,000,000 bilang kabayaran sa diborsyo at hindi tatlong daang milyon, at malinaw na nakasulat ito sa divorce settlement kaya naman intindihin mo na mas maniniwala kami sa kanya."

Nagulantang si Ye Shen. Ang pakiramdam na nahulog siya sa isang magaling na patibong ay tumibay ng tumibay.

"Binigyan talaga niya ako ng tatlong daang milyong RMB! Paano ko posibleng maiha-hack ang pera ng Xi Empire? Wala akong alam na hacking skills! Ang p*tang ito, lahat ito ay pakana ni Xia Meng para bitagin ako!"

Malamig na ngumisi ang opisyal. "Kung iyan ang argumento mo, mas lalong walang alam si Miss Xia sa hacking kaysa sa iyo. Sinuri naming maigi ang kanyang nakaraan, nag-aral siya ng mass media sa paaralan at walang pagkakataon na makaalam ng matataas na antas sa computer skills. Kaya paano magiging posible na makakanakaw siya ng pera para lang bitagin ka?"

"Pero iyon ang totoo! Siguro ay may mga transaction record sa bangko, tingnan ninyo iyon at makikita ninyo na siya ang nagpadala sa akin ng pera!"