Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 304 - Pumirma Ka Dito

Chapter 304 - Pumirma Ka Dito

Matapos ang ilang sandaling hesitasyon, ibinunyag niya na, "Isa itong klase ng kakaibang metal."

"Metal?" sabi ni Xinghe ng may kaunting pagkabigla.

Pinag-aralan niya ang itim na kahita sa kanyang mga kamay at nalaman na mukha nga itong bakal; siguradong hindi ito pangkaraniwang metal.

Ito ay dahil sa ang bagay na ito ay masyadong magaan, sobrang gaan na inaakala ni Xinghe na ang bagay ay walang laman, isang obserbasyon na napatunayang mali matapos suriin.

Hindi niya naisip ang posibilidad na isa itong kakaibang metal.

"Ano'ng klase ng metal?" pahabol ni Xinghe.

"Hindi mo din malalaman kahit na sabihin ko, at sa dahilan kung bakit ko gusto ito, wala na din ito sa iyo. Iyan lamang ang masasabi ko, wala na akong nalalaman ng higit pa doon."

"Paano mo nalaman na nasa pag-aari ko ito?" giit ni Xinghe.

Ngumisi si Ye Shen. "Wala na din ito sa iyo. Ang tanging bagay na kailangan mong malaman ay wala itong halaga sa iyo pero lubhang mahalaga ito sa akin."

"Hindi ba't sinabi mo na hindi naman ito masyadong mahalaga sa iyo?" humagikgik si Xinghe. "Ye Shen, kung hindi ka na magbibigay pa ng iba pang bagay tungkol diyan sa akin, siguro ay dapat na nating tigilan ang kasunduang ito."

Nag-isip si Ye Shen tungkoll doon at nagsimulang tumawa na parang wala siyang pakialam sa banta niya.

"Xia Meng, kahit na hindi mo ito ibigay sa akin, hahanap ako ng ibang paraan para makuha ito. Pero huwag mong isipin na masusukol mo ako gamit ang mga salita mo at mapilit ako na magbunyag ng mas higit pa. Imposible iyon! Kaya naman huwag mo nang abalahin pa ang sarili mo."

Matapos niyon, tumayo na siya para ayusin ang kanyang suot. "Mukhang gusto mong manatiling kasal sa akin, nakikita ko naman kung bakit, great catch naman ako. Pero sinasabi ko sa iyo, matapos kong lumabas sa pintuang ito, pupunta ako sa presinto at gagawa ng police report at media statement para ibunyag sa buong mundo kung paano ako pinagtaksilan kasama ni Xi Mubai. Tingnan natin kung tutulungan ka pa din ng Xi family matapos nito."

Matapos tumawa, ang tumapang na si Ye Shen ay tumalikod na para umalis.

"Ye Shen, hindi ka ba natatakot na paghigantihan ka ng?" mabagal na sinabi ni Xinghe.

Humarap si Ye Shen para tawanan siya. "Ang totoo, natatakot ako na hindi nila gagawin dahil may kailangan pa ako na magagamit laban sa inyong dalawa! Xia Meng, wala na ang lahat sa akin ngayon, alam mo ba ang ibig sabihin nito?"

Malumanay siyang tiningnan ni Xinghe, at hindi umiimik.

Sinabi ni Ye Shen sa mabagal na salita, "Ang ibig sabihin ay wala ng mawawala sa akin ngunit ang lahat ay maaari kong makuha."

"…"

"Kung gusto ninyong dalawa na habulin ako, malugod ko itong tatanggapin, tingnan natin kung sino ang may malaking kawalan!"

"You truly are one hell of a scoundrel," Xinghe observed softly.

"Isa ka talagang mandaraya," obserba ni Xinghe sa mahinang tinig.

Pinanindigan na ang pandaraya niya, sumagot si Ye Shen, "Natutuwa ako at ngayon ay nalaman mo na iyan. Ano, ibibigay mo na ba sa akin iyan o hindi?"

"Natural ay ibibigay ko, dahil hindi na kita kaya pang tagalan!"

Inisip ni Ye Shen na ang ibig sabihin ni Xinghe ay hindi na nito matagalan na maging asawa niya, ngunit ang ibig talagang sabihin ni Xinghe ay hindi na nito matagalan na lumanghap ng hangin ng kasama ito.

Matagumpay na ngumiti si Ye Shen. "Tingnan mo, gaano ba kahirap iyan? Ginawa mo na sana iyan kanina pa ng hindi na tayo nag-aksaya pa ng oras at panahon."

"Ibigay mo sa akin ang account number mo, gagawin ko na ang paglilipat ng pondo ngayon," direktang utos ni Xinghe. Pagod na siya sa usapan na ito.

Biglang napatalon sa pagkasabik ang puso ni Ye Shen at ibinunyag nito ang bank information nito sa kanya.

Kinuha ni Xinghe ang laptop na nasa mesa, tumipa ng ilang button at sinabi, "Tapos na."

Inilabas ni Ye Shen ang kanyang telepono para tingnan ang account niya at totoo nga, nagpakita ang bangko niya ng bagong pasok na tatlong daang milyong RMB!

Tuwang-tuwa si Ye Shen. Hindi niya mapigilan na tumawa. "Xia Meng, alam ko na may benepisyo ang pagpapakasal ko sa iyo maraming taon na ang nakakaraan!"

Biglang ibinato ni Xinghe sa kanya ang itim na kahita. "Pirmahan mo na ang mga papeles—"

"Huwag kang mag-alala, pipirmahan ko na iyan ngayon!" Masayang pinirmahan ni Ye Shen ang mga papeles sa diborsyo ng hawak pareho ang pera at ang kahita.

Ito na marahil ang pinakamagandang palitan na nagawa niya sa tanang buhay niya.

Ang hindi niya alam, pinipirmahan na niya ang papeles ng kanyang kamatayan…