Gayunpaman, hindi mapakalma ni Mubai ang nag-aalala niyang puso, kahit na alam niyang kaya itong tapusin ni Xinghe ng mag-isa. Sa talino nito, wala sinuman ang makakapaglagay sa panganib dito.
Lubos ang tiwala niya dito pero ang puso ay ginagawa ang gusto nito. Kahit na alam niya kung gaano kahanga-hanga si Xinghe, hindi niya mapigilan ang pag-aalala.
Ibinaba na ni Mubai ang telepono at natawa sa sarili, nagtataka kung kailan pa siya naging matatakuting babae…
…
Ginugol ni Ye Shen ang buong gabi sa harap ng Xi Family gate. Ito marahil ang pinakasinserong pag-uugali na ipinakita niya tungo kay Xia Meng at nabiyayaan siya ng lokasyon ni Xia Meng.
Nagpasalamat si Ye Shen at mabilis na nagmaneho para hanapin ang kanyang asawa.
Nang marating na niya ang address at napansin ni Ye Shen na isa itong villa na hindi nalalayo ang ganda sa sarili niyang bahay, nagsimula ng kumulo ang kanyang dugo.
May lakas ng loob ang b*tch na ito na magsaya sa buhay habang hirap na pinagpapawisan ako sa labas ng bahay ng kalaguyo niya?
Oo, nagsususpetsa siya na may mas malalim pa sa relasyon nina Xia Meng at Mubai, at ang lugar na ito ang kumumpirma ng kanyang suspetsa. Hindi hahanapan ni Mubai ang asawa niya ng magandang lugar para tirahan kung ang relasyon nila ay purong platonic lamang!
Pilit na inayos ni Ye Shen ang lukot niyang damit at pinindot na ang doorbell… Hindi nagtagal, naipagbigay-alam na kay Xinghe ang pagdating nito.
"Papasukin na ninyo siya," utos ni Xinghe.
"Yes, miss."
Umalis na ang bodyguard para dalhin si Ye Shen sa loob.
Pumasok na sa loob ng villa si Ye Shen at nabigla siya nang mapansin ang bilang ng mga armadong bodyguard. Nasorpresa siya sa pangangalaga ni Xi Mubai kay Xia Meng.
Nang makita niya si Xia Meng na nakasandal sa sofa na umiinom ng tsaa, agad niyang ipinakita ang nag-aalalang hitsura. "Xia Meng, saan ka ba nagpunta kahapon? Pinag-alala mo ako ng husto, hinahanap kita sa buong lugar kahapon. Hanggang sa huli, naghintay na lamang ako ng buong gabi sa harap ng mansiyon ng Xi Family, umaasa na lilitaw ka!"
Ang mga tao na hindi alam ang mga nangyayari ay maaantig sa deklarasyon niyang ito.
Itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay at nagtanong, "Nag-aalala ka sa akin?"
Seryosong tumango si Ye Shen. "Siyempre naman, kahit ano ang mangyari, asawa kita! Sabihin mo agad sa akin, may ginawa ba sa iyo si Xi Mubai noong oras na kinuha ka niya?"
"Ano naman kung may ginawa siya?" Mahinang tanong ni Xinghe.
Agad na nagalid si Ye Shen. "Sasapakin ko siya! Asawa kita, wala sinuman ang pupwedeng gumalaw sa iyo maliban sa akin!"
Maraming 'paggalaw' na ginawa ka nga kay Xia Meng, iyon ang totoo.
"Ayos lamang ako, nandito ka ba para lamang itanong iyan sa akin?" Ibinaba na ni Xinghe ang kanyang tasa at muling nahiga sa sofa.
Ang totoo ay nakaramdam ng pagkabigo si Ye Shen na walang ginawa si Mubai kay Xia Meng, dahil ito sana ang magbibigay sa kanya ng mas maraming benepisyo kapag nakipagnegosasyon dito. Pero isa nga palang pilay si Xia Meng, sinong lalaki ang gugustuhing galawin ito?
"Ayos ka lang ba talaga?" Tiningnan siya ni Ye Shen ng may pag-aalala mula ulo hanggang paa. "Kung iyon pala ang kaso, bakit kinuha ka ni Mubai? Inisip ko na nagpunta siya doon para hanapin ako. Paano kayo nagkakilalang dalawa?"
Ito ang unang sinserong tanong na tinanong niya sa oras na pumasok siya. Ito ang talagang gusto niyang malaman: ang klase ng relasyon sa pagitan nila Xia Meng at Xi Mubai at kung paano ito magbibigay ng benepisyo sa kanya.
"Walang kinalaman sa iyo kung magkakilala man kami o hindi," mariing sambit ni Xinghe.
"Paanong wala itong kinalaman sa akin? Ako ang asawa mo!" Hinagpis ni Ye Shen habang madrama nitong hawak ang dibdib. "Alam ko, Xia Meng, kinamumuhian mo pa din ako, tama? Pero kailangan mong maintindihan, matapos mong subukang magpakamatay, ay palagi na akong nagsisisi. Nang makita kitang naghihingalo sa kama ng ospital, noon ko nalaman na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala ka… ang taos pusong pagmamahal ko sa iyo ay nalaman ko ng oras na iyon!"
Nakaramdam din ng pagsisisi si Xinghe, nagsisisi dahil nilunok niya ang tsaa na nasa kanyang bibig dahil gustung-gusto na niya itong idura sa mukha nito.
"Xia Meng, ang lahat ng sinabi ko ay totoo. Patawarin mo ako, pwede ka na bang sumama sa akin pauwi?" Dahan-dahang lumapit si Ye Shen patungo kay Xinghe pero bago pa siya nakalapit, isang dokumento ang lumapag sa pangit nitong mukha.