Ang sampal ay malakas at maliwanag, isang kahihiyan para kay Ye Shen.
Sa likod ng pagkagulat, makikita ang mabilis na pagkamuhi sa kanyang mga mata na hindi nakaligtas sa paningin ni Xinghe. Nang lumapag sa sahig ang mga dokumento at nakita niya ang mga salitang "Divorce Settlements" dito, nalukot ang mukha nito.
"Ipunin mo ang mga salita mo ng pagmamahal para sa kabit mo at pirmahan ito," malamig na utos ni Xinghe.
Itinaas ni Ye Shen ang kanyang ulo at naningkit ang kanyang mata sa kanya. "Gusto mo pa ding makipagdiborsyo sa akin?"
"Oo, kailangan mong pirmahan ito ngayon. Wala ng salita pa ang makakabago ng isip ko."
"Hindi ko ito pipirmahan!" Pinulot ni Ye Shen ang mga papel at pinunit ito sa maraming piraso. "Xia Meng, ikaw lamang ang nag-iisa at pinakamamahal ko…"
Isa na namang piraso ng dokumento ang lumipad papunta sa mukha niya, at sa oras na ito ay nasalo na ito ng kanyang mga kamay.
Ibinaba ni Xinghe ang isang bungkos ng mga dokumento sa mesa at malamig siyang tinitigan. "Marami pa ako nito sa opisina kaya gagawin natin ito ng buong araw kung gusto mo."
"Xia Meng, ang lakas ng loob mong gawin ito?!" Galit na sawata ni Ye Shen na tila siya ang may kasalanan, "Humingi na ako ng tawad, ano pa ba ang gusto mo?"
"Ang isang baboy na katulad mo ay hindi nararapat na mapatawad," panghahamak ni Xinghe.
"Ikaw…" Ang demonyo na nasa loob ay nagbabanta ng lumabas pero lumunok lamang si Ye Shen at pilit na ngumiti. "Xia Meng, kahit ano pa ang gawin mo, hindi ko pipirmahan ang mga papeles para sa diborsyo. Sa buhay na ito, ikaw ay magiging akin lamang…"
"Men!" Hindi na gusto pa ni Xinghe na mag-aksaya pa ng oras sa bugok na ito. "Itapon siya palabas."
"Yes!" Ang dalawang bodyguard na nagbabantay kay Xinghe ay agad na umabante para hilahin si Ye Shen palabas ng pinto.
"Ano ang ginagawa ninyo? Pakawalan ninyo ako!" Galit na nagpupumiglas si Ye Shen. Sinubukan niyang suntukin ang dalawang bodyguard pero sa bandang huli ay siya ang nasaktan ng ilang beses.
Alam ni Ye Shen na wala siyang panama sa mga ito kaya bumaling ito kay Xinghe.
"Xia Meng, alam kong nagkamali ako! Pakiusap patawarin mo na ako at sumunod ka ng umuwi sa bahay. Pangako aayusin ko na ang trato ko sa iyo, baby, honey…"
"Itapon na niyo palabas, bilis!" Masungit na utos ni Xinghe. Gusto na niyang masuka sa mga salitang sinasabi ni Ye Shen.
Kahit ang mga bodyguard ay naririndi na din sa naririnig. Tinakpan nila ang bibig ni Ye Shen gamit ang kanilang mga palad at kinaladkad ito palabas ng pintuan bago ito ihinagis palabas ng gate!
"Binabalaan ka namin, kapag nangahas kang istorbohing muli si Miss Xia sa hinaharap, patikim pa lamang ito ng mangyayari sa iyo!" Babala ng isang bodyguard. Galit na galit si Ye Shen na gusto niyang patayin ang mga ito, pero hindi siya nangahas na pagbuntunan ang mga lalaki.
Siyempre, hindi siya takot sa security pero sa boss na nasa likuran ng mga ito.
Kahit na naturuan siya ng isang seryosong leksyon, sa bandang huli, masaya siya dahil nalaman niya na ang relasyon ni Xia Meng kay Xi Mubai ay hindi pangkaraniwan. Masyado nitong pinoprotektahan si Xia Meng. Ang ibig sabihin nito ay may malaking pakinabang ito sa kanya laban sa malaking negosyante na ito.
Sa isip niya, ang asawang babae ay pagmamay-ari ng asawa nito at hindi ito mabubuhay kung walang tulong mula sa asawa. Kaya naman, lubos siyang naniniwala na hindi magtatagal ay uuwi din si Xia Meng sa kanya. Sa ngayon, kailangan lamang niyang pababain ang depensa nito dahil ano nga naman ang isang babae kung wala ang kanyang asawa?
Araw-araw, pumupunta siya para makita si Xinghe. Siyempre, hindi siya pinapapasok kaya naman nagmamakaawa siya, lumuhod, umiyak, at nakiusap…
Matapos ibalita ang mga kilos nito, nakaramdam ng alarma si Xinghe, isang pagkabahala na mas higit niyang naramdaman kaysa noong binantaan siyang sasaktan nito ng pisikal.
Ang isang lalaki na kayang isawalang-bahala ang kanyang dignidad kapalit ng benepisyo ang pinakamapanganib sa lahat.
Ang kahihiyang dinadanas niya ngayon… siguradong planado niya itong ibalik ng higit pa sa sampung beses kapag nakontrol niyang muli si Xia Meng sa hinaharap.