Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 287 - Magnakaw ng Ilang Araw

Chapter 287 - Magnakaw ng Ilang Araw

Sa wakas ay naintindihan din ni Xia Meng ang ibig sabihin ni Xinghe.

Silang dalawa ay malaki ang ipinagkaiba. Kahit na nagkapalit sila ng katawan, si Xia Meng ay hindi magiging siya.

Kikinang si Xinghe anuman ang mangyari, hindi niya kailangang umasa sa kanyang mukha para patunayan ang kanyang sarili.

Ipinapakita lamang nito na ang kagandahan ay mas malalim kaysa sa panlabas na anyo lamang.

Hindi maiwasan ni Xia Meng na tumawa sa sarili niyang katangahan habang nagsisisi ito, "So ang panlabas na anyo ay isang pabalat lamang."

Napakurap si Xinghe at nagtanong, "Ipinagpalit mo ang katawan mo sa akin dahil kinamumuhian mo ang sarili mong katawan?"

Nagulat si Xia Meng dahil hindi niya inakala na direkta ang mga salita ni Xinghe. Ipinakita nito ang puso niya agad.

"Nakakamangha ka talaga, at tama ang kutob ko. Sa oras na nakita kita, alam ko nang kahanga-hanga kang babae," tumingin sa kanya si Xia Meng at sinabi, "Mula noon, nagsimula na akong mainggit sa iyo. Matapos kong gumawa ng pananaliksik sa iyo, masasabi mo na kinain ako ng inggit sa iyo."

"Inggit sa akin?" Napangiti sa sarili si Xinghe, "Para saan?!"

Hindi inisip ni Xinghe na mayroon siyang bagay na dapat kainggitan. Isa siyang diborsiyada, nawala ang parehong magulang niya, at nakaranas ng mahabang panahon ng paghihirap. Ano ang dapat kainggitan doon? Nababaliw na siguro itong Xia Meng na ito!

Natataranta si Xia Meng. "Hindi mo naiintindihan! Mula sa sarili mong pananaw, ang akala mo ay isa ka lamang pangkaraniwang babae, pero dapat mong maintindihan na mas karaniwan ako at mas masahol pa kaysa sa iyo sa lahat. Kinaiinggitan ko ang katapangan mo na makaalis sa bawat pagkakadapa at naiingit sa kapangyarihan mo na baguhin ang kapalaran mo, naiinggit ako sa buhay mo dahil ito ang lahat ng gusto ko para sa sarili ko!"

"So, kaya nagdesisyon ka na magpasasa sa pinaghirapan ng iba?" Masungit na tanong ni Xinghe.

Ang bawat pangungusap niya ay maiksi pero direkta sa punto.

Biglang nakonsensiya si Xia Meng. "Hindi naman lubusan… mga ilang araw lamang, hindi ko intensiyon na kuhanin ang buhay mo."

"Paano naman ang mga taong nasa paligid ko? Intensiyon mo din na magsinungaling sa kanila?" Dagdag ni Xinghe.

Si Mubai, na nakatayo sa likuran niya, ay sumimangot. Galit na siya dahil itong Xia Meng na ito ay ninakaw ang katawan ni Xinghe pero sinubukan din nitong abusuhin ang nararamdaman niya para kay Xinghe, na angkinin ito para sa sarili nito.

Isa itong malaking katrayduran, parurusahan niya ito pero hindi pa niya ito magawang gawin dahil nasa katawan pa siya ni Xinghe…

Sinulyapan ni Xia Meng si Mubai at umamin ng may buntung-hininga ng isang talunan, "hindi naman talaga ang intensiyon ko sa simula. Gusto ko lamang makaranas ng ilang araw ng pagmamahal, na malaman kung paano pinahahalagan at inaaruga. Alam kong mali ito pero masyado akong mahina para pigilin ang aking pagnanasa. Wala kang ideya kung ano ang buhay ko dahil kung alam mo, malalaman mo kung bakit napakalakas ng hangaring iyon. Ang buhay ng iba ay mas mainam kaysa sa buhay ko. Hangga't ako ay magiging ibang tao maliban sa sarili ko, masaya ako, dahil pagod na akong maging sarili ko…"

Hindi napagtanto ni Xinghe na ganito kalalim ang pagkamuhi ni Xia Meng sa sarili. Isa na itong sakit sa mentalidad, na hindi magagamot sa loob ng isang araw. Ngunit, walang intensiyon si Xinghe na makialam sa buhay ng iba. Hindi siya isang mapagkawanggawang therapist na nais gamutin ang buong mundo.

"Sabihin mo, anong klase ng paraan ang ginawa mo para pagpalitin ang mga katawan natin?" Malamig niyang tanong, ni walang bahid ng awa para kay Xia Meng.

Inisip ni Xia Meng na maaantig niya si Xinghe sa kanyang kwento dahil kaparehas niya itong babae.