Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 288 - Memory Lineage Technology

Chapter 288 - Memory Lineage Technology

Kasing lamig ng bloke ng yelo si Xinghe.

Hindi maitago ni Xia Meng ang disgusto na nararamdaman niya dahil sa pagkabigo na makakuha ng awa mula kay Xinghe. Hindi naiintindihan ni Xia Meng na hindi obligado ang sinuman na makaramdam ng awa sa mahihina.

Itiniklop ni Xia Meng ang kanyang mga binti at niyakap ang kanyang mga tuhod. "Hindi ko sasabihin sa iyo ang rason at hindi rin ang paraan para magpalit pabalik, maliban kung ikaw ay…"

"Wala ka sa posisyon na makipagnegosasyon ng mga kondisyon sa akin," putol sa kanya ni Xinghe.

"Xia Meng, binabalaan kita na huwag mo akong pagbantaan o samantalahin mo ako dahil sisiguraduhin kong pagsisisihan mo na ipinanganak ka. Act smart."

Nasorpresa si Xia Meng sa pagalit at malakas na pagkilos ni Xinghe.

"Uulitin ko ang sarili ko, ano'ng klase ng paraan ang ginamit mo para pagpalitin ang mga katawan natin?" Tanong ni Xinghe sa isang malamig na boses.

Alam ni Xia Meng na wala na siya sa lugar para makipagkompromiso pa. Pero kapag ibinunyag niya ito, ano pa ang matitirang alas niya? Pero, ano pa ba ang natitira niyang pagpipilian?

Hindi inaasahan ni Xia Meng na ito ang magiging sagot ni Xinghe. Sa madalign salita, na kay Xia Meng ang kapangyarihan dahil kailangan ni Xinghe ang impormasyong hawak niya. Nasa kanya ang alas pero halata namang hindi ayon sa kanyang plano ang naging resulta ng mga bagay-bagay.

Napagtanto niyang wala siyang alam tungkol kay Xia Xinghe. Kaya naman pala kayang baliktarin ni Xinghe ang buhay nito…

Ang katatagan ng kalooban nito ay ayaw pumayag na tapakan ng iba, kahit na ang mismong buhay pa nito.

Ito marahil ang bagay na kakulangan niya, ang isang kaloobang hindi papayag na tumanggap lamang sa kung ano maliban sa tagumpay. Mahina siya tulad ng bago siya makipagpalit ng katawan, ang kamalayan na ito ang nagpaluha sa mga mata ni Xia Meng.

Binuksan iya ang kanyang bibig at nagtanong bilang isang panunubok, "Pupwede ko sa iyo na sabihin ang lahat pero tutulungan mo ba ako bilang kapalit?"

Walang salitang tiningnan siya ni Xinghe.

Inisip ni Xia Meng kung ano ang sinabi sa kanya nito kanina, Huwag mo akong samantalahin… Kaya marahil ay hindi siya tutulungan ni Xinghe.

Lalong nawalan ng pag-asa si Xia Meng at ang pagkamuhi nito sa sarili ay bumalik, kasama ang pag-iisip na magpatiwakal.

Mabuti pa sigurong patayin ko na lamang ang aking sarili dahil kahit gaano pa ako lumaban, wala namang magbabago. Kahit na makipagpalit ako sa katawan ng iba, wala namang ipinagbago. Ang kahinaan ko ay isang bagay na mayroon na ako mula pa ng ipinanganak ako, wala ng makakapagbago dito. Kaysa mamuhay ako ng isang taong may kapansanan, mas maigi pang magpaalam na ako sa sarili ko…

Si Xia Meng na nalugmok sa kawalan ng pag-asa ay nagdesisyon na isuko na ang lahat. Kaya naman, wala ng dahilan pa sa kanya na itago ang sikretong ito.

"Paalisin mo siya sa silid dahil gusto kitang makausap na mag-isa," biglang sabi niya kay Xinghe. Ang mga bagay na sasabihin niya ay masyadong malalim, marahil si Xinghe, na personal na nakaranas nito, ay maniniwala sa kanya.

Isa pa, may pakiramdam si Xia Meng na may mga sikreto din si Xinghe…

Sa kanyang pagkabigla, agad na sumagot si Xinghe, "Pwede niya itong marinig."

Ito ang ikinagulat nila Xia Meng at Mubai. Hindi niya (Mubai) inaasahan na magtitiwala ng husto sa kanya si Xinghe.

Nangulubot ang mga kilay ni Xia Meng. "Sigurado ka ba? Maaaring magtunog kabaliwan na usapan lamang ito sa kanya."

"Sigurado ako; pwede siyang manatili," kumpirma ni Xinghe.

Bahagyang nanginig ang mga mata ni Mubai, walang nakakaalam kung gaano niya pinahahalagahan ang tiwala ni Xinghe at gaano kalaki ang epekto nito sa puso niya na malamang nagtitiwala sa kanya si Xinghe.

Iniisip niya na kakailanganin niya ang buong buhay niya para hingin ang kapatawaran nito kaya naman lubos ang kanyang sorpresa na nakuha niya agad ang tiwala nito.

At siyempre, hindi niya malalaman na ito ay dahil sa lubos na tiwala niya kay Xinghe kaya naman nagdesisyon ito na ibalik ang kaparehong lubos na tiwala sa kanya.

Nakita ni Xia Meng ang pagpupumilit nito kaya naman pumayag siya, "Sige, kung iyan ang kaso, simulan na natin ang istorya."

Tinitigan sila nito at direktang nagtanong, "Narinig na ba ninyo ang tungkol sa memory lineage technology?"

Related Books

Popular novel hashtag