Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 286 - Hindi Ka Magiging Ako

Chapter 286 - Hindi Ka Magiging Ako

Hindi niya inaasahan na malalantad ang lahat agad, ni hindi siya binigyan ng oras para maihanda ang kanyang isipan sa pangyayari.

Ni hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magpakasaya sa ninakaw na araw niya…

Pero, baka hindi na ito masama, mabuti nang hindi niya kailangang mabuhay sa takot na agad siyang malalantad.

Agad na kumalma si Xia Meng, tiningnan silang dalawa at nagdesisyon na huwag magsalita.

Sinulyapan ng nakakahiwang tingin ni Xinghe si Xia Meng at ang kanyang mga labi ay bumuka para magsalita, "Hindi mo man lang ba ipapaliwanag ang sarili mo? Paano tayo nagkapalit ng katawan?"

"Wala akong ideya kung ano ang sinasabi mo…"

Ang pagtatwa ay ang sagot ni Xia Meng.

Ngumisi si Xinghe. "Nagtatanga-tangahan ka pa sa oras na ito? Magsabi ka na ng totoo o papatayin kita!"

Nasindak si Xia Meng. Patayin ako?

Malakas na humakbang palapit si Xinghe at ang kanyang mga mata ay punung-puno ng nag-aalab na paghihiganti. "Ayos lang sa akin na abandonahin ang luma kong katawan, dahil balat lang naman ito, mabubuhay naman ako sa katawan mo ng maayos. Pero sisiguraduhin ko na habambuhay ka ng matutulog, at hindi na magigising pa!"

"May mga paraan nga para magawa mo iyon," malamig na dagdag ni Mubai.

Hindi inaasahan ni Xia Meng na maging malupit ang dalawa… Pero siya naman ang may kamalian sa pagkakataong ito.

Magagawa nilang patulugin ang kamalayan niya, at alam niya, gamit ang talento at yaman ng mga ito, ay makakaisip sila ng paraan para mapagpalit muli ang mga katawan. At sa oras na iyon, marahil ay ang kamalayan niya ay tuluyan ng nilunok ng kadiliman.

Para maging patas, hindi naman intensiyon na pahirapin ni Xia Meng ang mga bagay sa kanila. Masyado lamang siyang natakot sa kalupitan ni Ye Shen kaya ang pagtanggi ang una niyang sagot.

Nakahinga nga siya ng maluwag dahil hindi na niya kailangan pang itago ang katotohanan.

"Paano ninyo nadiskubre ng ganoon kabilis ang katotohanan?" Tanong niya habang nakatitig kay Xinghe, "Inisip ko na lilipas pa ang ilang panahon bago maniniwala ang isang tao sa kakaiba at hindi kapani-paniwalang bagay na ganito."

Sa bandang huli, agad na nalantad ang pagpapanggap sa isang gabi lamang.

Ang pangyayaring halos nasa sci-fi ay hindi lamang lubos na tinanggap ni Xinghe pero maski si Mubai din. Ito ang nagpagulat kay Xia Meng ng husto.

Malamig na sumagot si Xinghe, "Ang pinakamalaking palatandaan mo ay hindi ka magiging ako."

Nataranta si Xia Meng. "Hindi ko naiintindihan, wala pa naman akong ginagawang kahit ano…"

"Iyon ang punto, hindi ako mananatili sa isang tabi ng walang ginagawang kahit ano at hayaan ang sarili ko na makulong sa loob ng silid na ito na tila isang preso," mabagal na sagot ni Xinghe. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa kumpiyansa sa sarili. Ang hindi magagaping kalooban niya ang nagpaliwanag ng karaniwang hitsura ni Xia Meng.

Tila nahihipnotismong napatitig sa kanya si Xia Meng, hindi pa niya nakikita ang sarili na… ganito kaganda dati.

Gayunpaman, naiintindihan na niya na hindi ito dahil sa orihinal na mukha niya ang nagbago ngunit, gaya nga ng kasabihan, confidence truly is beauty.

Sa luma niyang buhay, tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin, ang nakikita niya ay isang pangit at pinagmalupitang babae.

Matapos na mapilay ang kanyang katawan, ang tangi niyang hilig ay makipagpalit sa katawan ng isang mas malakas at makapangyarihang babae.

Pero ngayon, napagtanto niya na ang dating sarili niya ay hindi ganoon kasama tulad ng kanyang inaakala…

Sa sandaling naglakad papasok si Xinghe, napagtanto niya na kahit iika-ika ang lakad nito, dinadala nito ang kumpiyansa sa sarili at kariktan. Hindi tulad ng dati niyang sarili na gumagapang sa loob ng bahay sa sobrang kahihiyan. Hinahamak siya ng mga tao at tinanggap niya ito, kung kaya mas gusto niya ang naka-wheelchair.

Wala siyang tampok na ugali sa dating katawan, pero ngayon, hindi niya maiwasan na hindi malaman na maganda pala ito…

Ang pagbabago ng isipan ang pupwedeng maging dahilan ng pagbabago sa panlabas na kaanyuan? Kahit si Xia Meng ay napahanga sa kagandahang natuklasan niya sa dating sarili.

Pero kung iyon ang kaso, dapat ay hindi na siya nagtangkang magpakamatay…

Related Books

Popular novel hashtag