Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 283 - Naniniwala Siya sa Kanya

Chapter 283 - Naniniwala Siya sa Kanya

Agad na nag-utos si Mrs. Ye sa guwardiya. "Tawagan ninyo ang Young Master ngayon, pauuwiin ninyo siya agad!"

"Yes, Madam!" Kumilos ang guwardiya para sumunod.

Sa kotse, itinaas ni Mubai ang harang na naghihiwalay sa driver mula sa likuran.

Naningkit ang kanyang mga mata kay Xinghe. "Ikaw ang nang-hack sa computer ko kagabi, tama?"

Marahang tumango si Xinghe. "Tama iyon."

"So, lahat ng sinabi mo ay totoo?"

"Natural."

"So, hindi ikaw ang orihinal na Xia Meng?"

"Tama." Tumangong muli si Xinghe. Katulad pa din siya ng dati, matipid pa din sa kanyang mga salita kung kinakailangan.

Nabigla si Mubai. Kahit na alam niyang nakikita na niya ito sa oras na ito, nahihirapan pa din siyang tanggapin ang mga pangyayari.

"Paano kaya ito nangyari?" May pagdududang tanong nito, "Kailangan mong maunawaan na walang maniniwala dito."

"Kahit ako ay nahihirapan maniwala, pero ito ang totoo."

"May mga pruweba ka ba na ikaw talaga ay… ikaw?

Napahagikgik si Xinghe. "Paano mo eksakto na aasahan ako na patunayan ang isang bagay tulad nito? Kahit na, ayos lang kung hindi ka naniniwala dahil tinulungan mo na akong makaalis mula sa Ye family."

Ang pagbanggit sa Ye family ang nagpainis kay Mubai sa ibang kadahilanan. Ang buong pamilyang ito ay parang tinik sa kanyang puso, hindi na siya makapaghintay na hilahin ito paalis.

Kahit na hindi talaga asawa ni Ye Shen si Xinghe, galit na galit siya na napunta ito sa katawan ni Xia Meng, na asawa nito.

"Alam mo ba, na gumising ka kahapon," pagsisiwalat nito.

Saglit na natigilan si Xinghe, pero agad nitong naintindihan ang ibig nitong sabihin, "Sino siya?"

"Wala akong ideya pero nagkukunwari siyang ikaw."

Mula sa unang pagkakataong iyon, sa oras na nakita niya ang babae, alam niya na hindi ito si Xia Xinghe.

Wala ng iba pang makakagaya ng hindi sumusukong kalooban ni Xinghe.

Isa pa, ang mga salitang iniwan ng misteryosong hacker ang nagpadagdag ng kanyang suspetsa.

"Inobserbahan ko siya ng buong gabi at mas naging sigurado ako na ang taong iyon ay hindi ikaw, kaya naman hinanap kita ngayon," paliwanag ni Mubai, "Lahat ng ito ay parang panaginip…"

"So, naniniwala ka sa akin?" Tanong ni Xinghe.

Tumitig si Mubai sa kanyang mga mata at puno ng sinseridad na sumagot, "Hindi ba pwede?"

Nanginig ang mga mata ni Xinghe. Hindi niya inaasahan na maniniwala ito agad sa kanya.

Kakailanganin niya ng pagkukumbinsi para mapahinuhod kahit si Xia Zhi pero naniwala ito agad sa kanya.

Dahil ba sa kilala siya nito o may kung anu pa man?

Kahit na anong nangyaro, nagdesisyon si Xinghe na huwag ng pag-ukulan pa ito ng pansin, masaya na siya na naniniwala ito sa kanya.

"Dalhin mo ako para makita siya, naniniwala ako na iyon ang tunay na Xia Meng." Sambit ni Xinghe.

Tumango si Mubai ngunit hindi naalis ang tingin nito.

Naramdaman ni Xinghe ang mga mata nito sa kanya at makalipas ang ilang sandali, hindi niya maiwasan kundi magtanong, "Ano ang tinitingnan mo?"

Hindi pinansin ni Mubai ang kanyang tanong at imbes ay sinabi, "Nang araw na nawalan ka ng malay, alalang-alala ako at matapos kong malaman ang sakit mo, pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. Nagdasal ako ng araw at gabi para makaligtas ka at kahit na nakakita ka ng interesante at kakaibang paraan para mabuhay, masaya na ako."

Habang buhay ito, wala na siyang pakialam kung maging sino pa ito. Basta buhay ito…

Inilihis ni Xinghe ang kanyang tingin. "Masaya din ako at buhay ako."

Akala niya ay ito na rin ang katapusan niya.

"Alam mo na ang sakit mo noong una pa lang, bakit hindi mo sinabi sa akin?" May kasungitang tanong ni Mubai. Mahirap para sa kanya na hindi magalit ng kaunti dahil sa panlilinlang dito.

"Wala namang dapat sabihin. Gayonpaman, sa kasalukuyan, ang tanging gusto ko ay makaisip ng paraan na makabalik sa sarili kong katawan."

Ginagap ni Mubai ang mga kamay ni Xinghe, at determinadong sinabi nito, "Huwag kang mag-alala, makakabalik ka. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para matupad iyon."