Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 269 - Buhay Pa Siya

Chapter 269 - Buhay Pa Siya

Pero paanong nangyari ang isang kababalaghan na ito na mangyari sa tunay na buhay?

'Ang Hulaan ang hinaharap' maniniwala si Xinghe dito dahil ang panghuhula ay may mahabang kultural na kasaysayan, pero ang paglipat ng kaluluwa? Hindi siya naniniwala dito kahit katiting!

Marahil ay may mas siyentipikong paliwanag sa likod ng mga ito.

Napagdesisyunan ni Xinghe na mangolekta pa ng maraming impormasyon bago siya kumilos sa kahit ano.

"May cell phone ba ako?" Biglang tanong niya kay Auntie Ding na nasa kanyang tabi.

"Young Mistress, hindi mo ginagamit ang telepono mo ng kalahating buwan, wala na itong natitira pang baterya," sagot ni Auntie Ding ng hindi tumitingin sa kanya.

Hindi pinansin ni Xinghe ang bastos na ugali nito at sinabi, "Kung gayon ay ikuha mo ako ng magagamit ko."

"Ano ang pinaplano mo?" Tanong ni Auntie Ding ng may pag-iingat.

Ngumisi si Xinghe at nagtanong, "Bakit? Nag-aalala ka ba na tatawagan ko ang pulis para isuplong kayo sa pang-aabuso? Huwag kang mag-alala, isa lamang pribadong tawag ang gagawin ko."

Sinadyang pinili ni Xinghe ang 'pang-aabuso'.

Kahit na wala siyang ideya kung ano ang buhay ni Xia Meng dati pero sa paraan ng pagtrato ng katulong sa kanya, wala siyang lugar sa Ye Family.

Kung ang isang katulong na katulad ni Auntie Ding ay tinatrato siya ng ganito, mahuhulaan na kung paano pa siya tratuhin ng iba pang miyembro ng Ye family.

Marahil ay minamaltrato siya ng lahat.

Walang tuwa na tumawa si Auntie Ding. "Sinong may pakialam kung magsumbong ka sa pulis? Hindi naman ito gagana. Nararamdaman ko na kakagaling lang ni Young Mistress mula sa mahabang karamdaman kaya mabuti pang huwag kang gumawa ng kahit ano at pagtuunan na lamang ang iyong paggaling."

"Hiningi ko ba ang opinyon mo? Ikuha mo ako ng telepono." Ang tono ni Xinghe ay mas naging marahas ng ilang antas.

Bahagyang natigilan si Auntie Ding. Ang Xia Meng ngayon ay may kaunting ipinagkaiba mula sa normal.

Nabigla si Auntie Ding sa biglaang awtoridad at lakas kay Xia Meng. Hindi ito pakunwari kundi isang bagay na nagmumula sa loob nito, na tila hinahamon si Auntie Ding na suwayin siya…

Matapos ang ilang hesitasyon, nagpaubaya si Auntie Ding at ipinasa sa kanya ang isang cell phone. Naniniwala siya na dahil walang puwedeng tawagan si Xia Meng para hingan ng tulong, walang masama na ibigay ito sa kanya.

Tinanggap ni Xinghe ang telepono at agad na nagdial ng numero. Ang numero ay kay Xia Zhi!

Matapos ang dalawang ring, nasagot ang telepono at ang pamilyar na boses ng kapatid ay narinig niya mula sa kabilang bahagi, "Hello, sino ito?"

Nang ginawa ni Xinghe ang tawag, natakot siya na baka hindi masagot ang kanyang tawag.

Natatakot siya, na ang nakaraan niya bilang Xia Xinghe ay isa lamang panaginip.

Nakahinga siya ng maluwag nang marinig ang pamilyar na boses ni Xia Zhi.

Ang puso ni Xinghe ay isang dagat ng emosyon pero ang mukha niya ay walang ipinakikita. "Hello, gusto kong makausap si Xia Xinghe," direkta niyang sinabi.

Narinig niya ang pagsinghap ni Xia Zhi. "Ang kapatid ko? Sino ka ba, ano ang pakay mo sa kanya?"

Xia Xinghe, ang taong ito ay totoo! Talagang nabubuhay siya!

Bahagyang ibinaba ni Xinghe ang kanyang mga mata. "Isa ako sa mga dati niyang kaibigan, nangako kaming magkikita kapag nagpunta ako sa City T, kaya hinahanap ko siya para tuparin ang pangako na iyon. Nasa bahay ba siya?"

"Tungkol doon…" tahimik si Xia Zhi ng ilang sandali bago sumagot sa wakas, "Paumanhin pero ang kapatid ko ay nasa coma, hindi pa siya nagkakamalay sa nakalipas na kalahating buwan."

Nanginig sa kasiyahan ang mga mata ni Xinghe. Walang nakapansin ng natatago niyang kasiyahan.

Ako ay… hindi, ang katawan ni Xia Xinghe ay buhay pa!

Pero dahil buhay pa siya, bakit ang kamalayan niya ay napunta sa katawan ng iba?

Ang tanong ay lumitaw sa isip ni Xinghe. Tinanong niya si Xia Zhi, "Ano ang nangyari sa kanya? Kumusta na ang kundisyon niya ngayon?"

Sa ibang kadahilanan, ang misteryosong taong tumawag sa telepono ay nagpaalala kay Xia Zhi sa kanyang kapatid. Nakaramdam siya ng kakaibang kalapitan dito at sinagot ang mga tanong nito ng matapat.

Related Books

Popular novel hashtag