"Nakakita sila ng tumor sa utak ng ate ko pero salamat naman at wala na iyon ngayon. Gayunpaman, wala pa din siyang malay buhat noon at hindi naman masabi ng mga doktor sa amin kung bakit."
"Wala na ang tumor?" Nabiglang sagot ni Xinghe.
"Tama iyon, isa itong himala. Nawala ito matapos ang unang chemo session niya, marahil mula ito sa good karma na nakolekta ng ate ko."
Isa itong balita kay Xinghe.
Pero ang katotohanan na wala na ang tumor ay magandang kinalabasan.
Hindi na siya nagulat tulad ng dati dahil hindi pa ito ang kakaibang balita na nakaharap niya ng araw na iyon.
"Bilang kaibigan niya, gusto ko siyang bisitahin, posible ba iyon?" Tanong ni Xinghe.
Sumagot si Xia Zhi ng may kahirapan, "Ang totoo, wala na siya sa ospital, dahil kinuha na siya ng Xi Family para alagaan. Gayunpaman, kung gusto mo siyang bisitahin, pumunta ka lang sa akin at dadalhin kita doon. Siya nga pala, miss, ano ang pangalan mo? Walang masyadong kaibigan ang ate ko kaya patawarin mo ang pag-uusisa ko."
Sumulyap si Xinghe kay Auntie Ding na tinatapunan siya ng nag-iingat na ekspresyon at sumagot si Xinghe, "Ang pangalan ko ay Xia Meng, mula sa Ye Family."
"Kapalaran nga naman. Pareho tayo ng apelyido, Miss Xia. Okay, kung gusto mong bisitahin ang ate ko, tawagan mo lamang ako."
"Salamat…" wala ng pagpipilian pa si Xinghe kundi ibaba ang tawag. Hindi niya maaaring sabihin kay Xia Zhi na siya ang kapatid nito.
Una, mahihirapan siyang kumbinsihin si Xia Zhi at isa pa, sina Auntie Ding at ang mga bodyguard ay nakatingin sa kanyan para pigilan siya sa pagsasalita ng walang kawawaan.
At saka, ayaw niyang gumawa ng kahit ano bago niya makalap ang mga katotohanan.
Ang makulong sa ospital ng mga baliw ay hindi isang opsyon.
Isa pa, hindi naman niya alintana na mamuhay muna bilang Xia Meng ng panandalian, baka may madiskubre siyang mga palatandaan tungkol sa kakaibang pangyayari na ito.
Sa kabilang parte ng telepono, nagmamaneho si Xiao Mo at si Xia Zhi ay nakaupo sa tabi nito sa harap. Nang maibaba ni Xia Zhi ang telepono, nagtanong si Xiao MO, "Sino iyon?"
"Isang babae na may apelyidong Xia, sabi niya ay kaibigan siya ng ate ko at gusto itong makita," sagot ni Xia Zhi.
Mas lalong nag-usisa si Xiao Mo. "Kung siya ay kaibigan ni Miss Xia, bakit hindi niya direktang tinawagan ito pero ikaw ang tinawagan niya?"
"Tama ka…" itinaas nito ang suspetsa ni Xia Zhi. Kung tumawag siya sa telepono ng ate niya, mayroong sasagot nito; kaya, bakit hindi niya ito tinawagan?
"Baka siya ang kaibigan ng ate ko dati pa, naalala ko na ayaw ng ate ko na gumamit ng mga cellphone noon," hula ni Xia Zhi.
Tumango si Xiao Mo habang natatanaw na nila ang lumang mansyon ng Xi Family. "Narito na tayo."
Tiningnan ni Xia Zhi ang marangyang mansiyon at nabuhol ang kanyang puso.
Sa kabilang banda, masaya siya na makikita niya ang kapatid niya, pero sa kabila naman ay malungkot siya dahil wala pa din itong malay!
…
Ang grupo ni Xinghe ay nakarating na din sa villa ng Ye Family.
Ayos naman ang laki ng bahay. Makikita na ang Ye Family ay mayaman pero hindi ganoon karami ang kayamanan.
Si Auntie Ding ang unang bumaba sa kotse. Malamig niyang iniutos, "Young Mistress, bumaba ka na. Alam mo ang patakaran, hindi natin puwedeng gamitin ang wheelchair sa bahay."
Ang mga paa ni Xia Meng ay hindi naman talaga lumpo pero ang isa sa mga binti niya ay pilay, na nagbibigay sa kanya ng kakaibang paglakad.
Nauna na si Xinghe kay Auntie Ding habang sinasanay ang kanyang sarili sa kakaibang hugis ng kanyang binti.
Nasosorpresang tiningnan siya ni Auntie Ding. Mahiyain si Xia Meng na maglakad sa publiko, na tila may ginawa siyang masama, kaya gusto niyang nakawheelchair tuwing aalis siya ng bahay.
Ang Xia Meng sa kanyang harapan ay lubos na iba sa dati. Kahit na may kapansanan, naglakad ito ng may presensiya ng isang may kumpiyansang supermodel.
Napaisip si Auntie Ding, Marahil ay nabago ng pagpapatiwakal ang babaeng ito kung hindi ay paano mo ipapaliwanag ang mga pagbabago?
Sa sala, sina Mrs. Ye at ang anak niya na si Ye Qin, ay masayang umiinom ng tsaa.
Nawala ang mga ngiti sa kanilang mukha ng makita ang pagbabalik ni Xinghe at napalitan ito ng pagkainip at pagkainis.
Si Ye Qin, na mukhang hindi tatanda ng higit sa 20, ay pinaikutan pa ng mata si Xinghe.