Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 267 - Young Mistress, Gising Ka Na Sa Wakas

Chapter 267 - Young Mistress, Gising Ka Na Sa Wakas

Inisip ni Xinghe ang panaginip na mayroon siya ilang panahon na ang nakalipas.

Sa panaginip na iyon, nanghihina na siya sa isang kama sa ospital tulad nito…

Hindi niya inaasahan na magkakatotoo ito agad-agad.

Nasa bansa pa din si Lin Lin, hindi pa niya nabago ang kapalaran nito.

Gayunpaman, salamat na lamang at agad niyang naayos si Chu Tianxin. Mabuti at alam niya ngayon na hindi nito masasaktan ang kanyang anak.

Bigla, ang pintuan sa kanyang silid ay patulak na bumukas ulit.

Isang babaeng nasa katanghaliang-gulang na nakasuot ng damit ng mga katulong ang pumasok at walang emosyong pinag-aralan si Xinghe. "Young mistress, sa wakas ay gising ka na. Nag-aalala ng husto sa iyo si Young Master."

Ang tono ng babae ay kakaiba. Ang laman ay puno ng pag-aalala pero ang tonong ginamit niya ay lubos na walang pakialam tungo kay Xinghe. Tila ba ang kinakausap niya ay isang bloke ng kahoy.

Ano ba itong 'Young Mistress' na ito?

Ang diborsyo niya kay Mubai ay tatlong taon na ang nakalipas.

"Sino ka ba?" Binuksan ni Xinghe ang bibig para magtanong. Ang boses na lumabas sa kanyang lalamunan ay paos at lubos na hindi katulad ng dati niyang boses.

Umismid ang babae. "Young Mistress, nasisiraan ka na ba ng bait? Ako si Auntie Ding."

"Hindi kita kilala," malamig na sinabi ni Xinghe, "Sabihin mo sa akin, ano ang nangyayari dito, ano ang nangyari habang wala akong malay."

Nagbigay ng isa pang ismid si Auntie Ding. "Young Mistress, tigilan mo na ang pagpapanggap mo na nawawala ang alaala mo, hindi mo ako maloloko. Ang totoo, nakakairita na ang pagpapanggap mo kaya tigilan mo na iyan. At dahil gising ka na, uuwi na tayo. Ang sabi ni Madam na kahit mayaman ang Ye family kailangan nating magtipid. Sinasayang mo lamang ang pera ng pamilya dahil sa pananatili mo ng matagal sa ospital. Kaya naman, inutusan ako ni Madam na iuwi ka sa bahay, sa oras na gumising ka."

Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkalito.

Ano ba itong sinasabi ni Auntie Ding? At anong Ye Family?

Ang pakiramdami ni Xinghe ay nagsasabi sa kanyang may seryosong pagkakamali dito.

Bago pa niya malaman ng maayos ang sitwasyon, pinapasok ni Auntie Ding ang dalawang bodyguard sa silid habang ito naman ay pumunta sa sulok para kuhanin ang wheelchair.

"Gawin ninyo ang kailangan ninyong gawin, kailangang maiuwi natin si Young Mistress," utos ni Auntie Ding sa mga bodyguard.

Mabilis na lumakad ang mga bodyguard para marahas na buhatin ang katawan niya at itinapon siya papunta sa wheelchair.

Sumimangot si Xinghe sa pagkainis pero sa karamihan ay nabigla siya. Sino ba ang mga taong ito? Ano ba ang pinag-uusapan nila? Bakit nila ginagawa ito?

"Nasaan si Xi Mubai? Tawagin ninyo siya para sa akin, gusto ko siyang makita," mariing sinabi ni Xinghe.

Tiningnan siya ni Auntie Ding ng kakaiba. Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ni Xinghe sa araw na iyon ay kakaiba at walang saysay.

Ngayon ay gusto mong makita… si Xi Mubai?

Humalakhak si Auntie Ding ng hindi makapaniwala.

Napansin ni Xinghe ang paraan ng pagtingin sa kanya ni Auntie Ding. Ito ay pinaghalong panghahamak at pagkalito na tila ba nakatingin siya sa isang pasyenteng baliw.

"Young Mistress, kung gusto mong ituloy ang pag-arte mong ito, gawin mo ito kay Young Master. Hindi ito gagana sa akin!"

"Tama na!" Saway ni Xinghe ng may kapangyarihan, at tinapunan niya ang mga ito ng masungit na tingin. "Sino ba kayo at ano ang nangyayari dito? Tigilan na ninyo ang paglalaro, wala ako sa mood."

Nagulantang si Auntie Ding.

Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang nag-uutos ang babaeng ito sa kanyang presensya.

Ano ang nangyari sa tahimik na babae na hinahayaan ang lahat na tapak-tapakan siya ng walang sinasabing kahit isang salita?

Tiningnan ni Auntie Ding si Xinghe, nag-iisip kung ano ang gagawin.

Sa wakas, pinili niyang huwag pansinin si Xinghe. Sa bandang huli, sumusunod siya sa mas nakakataas na kapangyarihan kaysa sa babaeng ito!

Sinadyang piliin ni Auntie Ding na huwag pansinin si Xinghe at malamig na inutusan ang dalawang bodyguard, "Dalhin siya pauwi. Kung magpumiglas siya, malaya kayong gawin ang lumang paraan!"

"Oo!"

Isa sa mga bodyguard ang humakbang palapit at binigyan siya ng nagbababalang tingin.

Related Books

Popular novel hashtag