Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 268 - Mukha ng Isang Estranghero

Chapter 268 - Mukha ng Isang Estranghero

"Young Mistress, pakiusap makipagtulungan ka sa amin o gagamitan ka namin ng gamot."

Nanginig ang mga mata ni Xinghe at matapos ang ilang pag-iisip, nagdesisyon na makabubuti sa kanya ang makipagtulungan sa ngayon.

Nasisiyahang tumango sina Auntie Ding at ang mga bodyguard. Itinulak nila siya palabas ng silid patungo sa elevator.

Sa sandaling umalis si Xinghe sa silid, nalaman niyang nasa First Hospital siya.

Sa kanilang dinaraanan, nakasalubong sila ng maraming doktor, nars, pasyente at mga bisita. Hindi nila siya binigyan ng anumang atensiyon, ang pinakamatagal ay ang pagtigil ng kanilang tingin sa kanya ng ilang segundo bago sila umalis.

Walang kakaiba sa babae na nasa wheelchair sa isang ospital.

Ngunit, ang bawat cell sa katawan ni Xinghe ay nagsusumigaw na mayroong hindi ordinaryong nangyari.

Mula ng nagising siya, nararamdaman ni Xinghe na may kakaiba, wala sa lugar, pero kahit anong pilit niyang malaman ito, hindi niya makuha.

Habang abala sa pag-iisip si Xinghe, sa wakas ay nakarating na sila sa may elevator.

Nang bumukas ang pintuan at tumingin sa loob si Xinghe, hindi siya makapagsalita sa sobrang pagkagulat!

Ang mga pader sa loob ng elevator ay kasing kintab ng isang salamin. Sa sandaling bumukas ito, malinaw na ipinakita ng mga pader ang kanilang grupo.

Si Auntie Ding ay nakatayo sa kaliwang parte niya, ang dalawang bodyguard, isa sa kanyang kanan at ang isa ay nasa likuran naman niya na nagtutulak ng wheelchair.

At siya ay nakaupo sa wheelchair…

Pero ang mukha ng babae na nasa wheelchair ay hindi kanya! Isa itong mukha ng isang estranghero!

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla at nakita niya ang babae sa salamin ay ganoon din ang ginawa.

Desperado niyang hinawakan ang kanyang mukha at ginaya siya ng babae sa salamin.

Si Xinghe, na sa normal na pagkakataon ay may kontrol sa kanyang mga emosyon, ay nakaramdam ng takot at pag-aalala sa kanyang puso ngayon.

Paano ako… naging ganito?

Napansin ni Auntie Ding ang nakakatawa niyang mga pagkilos at ngumisi pero wala siyang sinabi na kahit ano.

Mula sa kanyang pananaw, marahil ay nabaliw na ang babae.

Pero, ang isang mental breakdown ay hindi naman wala sa lugar lalo na kung ikukunsidera na…

"Ano ang pangalan ko?" Biglang tanong ni Xinghe, na bigla nitong hinablot ang braso nito.

Napatalon si Auntie Ding sa biglaang paghawak nito. Walang pasensiyang inalis niya ang mga kamay ni Xinghe habang nagkokomento, "Ngayon nagkukunwari kang nababaliw matapos ang nabigo mong pagpapatiwakal? Huwag kang mag-alala, hindi ka ididiborsyo ni Young Master kahit na talagang nababaliw ka na!"

"Ano ang pangalan ko?" Ulit ni Xinghe habang tinititigan ito.

Si Auntie Ding, sa ibang kadahilanan, ay nakaramdam ng malaking puwersa na nagdidiin pababa sa kanya.

Sa wakas ay bumulong ito, "Sige, kung gusto mong ipagpatuloy ang pagbabaliw-baliwan mo, pagbibigyan kita. Ang pangalan mo ay Xia Meng at ang asawa mo na si Ye Shen, ay ang Young Master ng Ye Family!"

Nataranta si Xinghe.

Sino itong sina Xia Meng at Ye Shen…

Lumingon si Xinghe para tingnan ang imahe niya sa dingding at unti-unti niyang nakilala ito.

Bigla, isang partikular na eksena ang pumasok sa kanyang isip.

"Isa siya sa mga pasyente ko. Ang apelyido niya ay Xia din. Baka naman magkamag-anak kayo?"

"Hindi, sa tingin ko ay hindi ko siya kilala."

"Pero mula ngayon, kilala na natin ang isa't isa. Ikinagagalak kitang makilala, Miss Xia."

Ito siya! Ang pasyente ni Doctor Lu sa wheelchair!

Walang ideya si Xinghe kung bakit bigla siyang naging ang babaeng ito.

Pero bakit? Nawalan lamang siya ng malay sa maliit na sandali at pagkatapos niyang magising, ibang tao na siya?

Hindi makaisip ng isang lohikal na sagot si Xinghe.

Matapos nilang makapasok sa kotse, wala pa din sa sarili si Xinghe.

Sa wakas, kailangan niyang mapaniwala ang sarili niya ng isang natitirang posibilidad na maaaring magpaliwanag ng kanyang sitwasyon.

Marahil ay tulad nga ito ng sinabi ni Xia Zhi. Marahil, namatay siya at ang kaluluwa niya ay napunta sa katawan ng iba, at ito ay magiging isang istorya ng transmigration…