Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 257 - Ang Unang Regalo

Chapter 257 - Ang Unang Regalo

"Kung ganoon ang kaso ano ang ginagawa mo dito?! Dapat ay alam mo na kaming mga Chu ay hindi namin tinatanggap ang b*tch na ito!"

"Narito kami para bigyan ng regalo si Tianxin." Sa pagkakataong ito ay si Xinghe ang sumagot.

Ang tono ng boses niya ay kalmado pero may diin sa likod nito.

Napasimangot si Ginang Chu. "Regalo? Anong regalo?"

Nag-utos si Xinghe ng may malamig na ngisi, "Men, ibigay kay Chu Tianxin ang una niyang regalo!"

Mabilis na lumapit ang dalawang bodyguard na may bitbit na stretcher.

Mayroong bagay na nandoon pero nasa ilalim ito ng puting tela.

Ang pagdating ng misteryosong bagay na ito ang nagpalamig ng hangin sa kanilang paligid. Nagbabadya ito ng mapanlinlang na awra…

Ang pakiramdam ni Tianxin ay nagsasabi sa kanya na hindi maganda ang bagay na ito.

Ang stretcher ay inilagay na sa sahig sa gitna ng dalawang partido at tahimik na umatras ang mga bodyguard.

Itinutok ni Xinghe ang kanyang tingin kay Tianxin habang inutos niya na, "Sige na, tingnan mo na. Matagal kong inihanda at pinagkaabalahan ang kahanga-hangang regalo na ito."

"Xia Xinghe, ano ba ang tinutumbok mo?" Pinagtuunan siya ni Tianxin, "Wala ako sa mood na makipaglaro sa iyo! Sabihin mo na ang layunin mo ng malinaw o lumayas ka na sa bahay ko!"

"Bakit magsasayang pa ng oras para makinig sa layunin niya? Lahat kayo, alis! Hindi namin kayo tinatanggap dito!" Galit na pinagalitan sila ni Ginang Chu.

Tumawa si Xinghe. "Bakit ba nagmamadali kayo? Sinabi ko na sa inyo na narito ako para bigyan kayo ng mga regalo. Maniwala kayo sa akin, pagsisisihan ninyo ito kung hindi ninyo bubuksan ang regalo."

"Sige, titingnan ko kung anong klase ng panlalansi ang gagawin mo sa ilalim nito!" Inalis na ni Ginoong Chu ang puting tela gamit ang mabilis na pagsipa ng kanyang paa.

At nalantad na ang regalo –

Napasigaw sa takot si Ginang Chu at kahit si Tianxin ay napaatras ng ilang hakbang, ang mga mukha nila ay namutla.

Pinandilatan ni Ginoong Chu ang sinasabing 'regalo', ang kanyang mga mata ay nag-aalab sa galit.

"Tumawag kayo ng pulis!" Kahit ang boses niya ay nanginginig sa galit.

Ang 'regalo' na ibinigay sa kanila ni Xinghe ay nakakatindig-balahibo sa takot.

Ito ang katawan ng dalawang aso…

Para maging eksakto, ang lasug-lasog na katawan ng dalawang aso na halatang hindi naman namatay ng mapayapa.

Ang kamatayan ng dalawang aso ay talaga namang nakakahindik, mapapasalampak si Ginang Chu sa sahig kung hindi dahil sa pagkakayakap ng nanginginig na katawan ni Tianxin.

Gayunpaman, may isa pang dapat ikatakot si Tianxin.

Ngayon ay nalaman na niya kung bakit nandoon si Xinghe.

Narito siya para maghiganti!

Pero paano niya nalaman na ako ang salarin? Ang katauhan ko ay nakatago kahit sa dalawang kidnapper!

"Ginoong Chu, sigurado ka ba na gusto mong tawagin ang mga pulis?" Ang malinaw na boses ni Xinghe ang pumutol sa kanilang mga isipan. "Sa sandaling dumating ang mga pulis ay ang sandaling mawawala ang kalayaan mo."

"Ano ang ibig mong sabihin diyan?" Naningkit ang mga mata ni Ginoong Chu sa kanya sa pagkagulat.

Sa ibang kadahilanan, nakaramdam siya ng pagkabalisa.

Alam niyang ang babae sa kanyang harapan ay hindi tanga at pumunta dito ng handa.

"Malalaman mo din maya-maya," humarap na si Xinghe pabalik kay Tianxin, "So ano sa tingin mo? Nagustuhan mo ba ang iyong regalo?"

"Xia Xinghe, ano ba ang eksaktong layunin mo? Bakit ba sinasadya mong gamitin ito para takutin ako?" Ang mga mata ni Tianxin ay napuno ng luha, at nagmamakaawang tumingin siya kay Mubai, "Mubai, wala akong ginawang masama, kaya bakit kinakampihan mo ang babaeng ito para pahirapan ako ng ganito?"

Mula ng dumating sila, ang mga mata ni Mubai ay natatakpan ng sobrang kalamigan.

Hindi ganito ang pagtingin niya habang nagtatanghalian sila ng putulin nito ang engagement.

Pero ngayon, hindi na kakikitaan ng kahit katiting na init ang mga mata nito.

Kahit na nakaharap sa kanya ang pakikiusap ni Tianxin, ang kanyang mukha ay hindi man lamang nagbago. Patay na siya sa kanyang mga mata sa oras na napangiwi si Tianxin ng buksan nito ang pintuan at nakita si Xinghe. Ito talaga ang salarin tulad ng sinabi ni Xinghe.

Related Books

Popular novel hashtag