Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 249 - Hello, Miss Xia

Chapter 249 - Hello, Miss Xia

Siyempre, hindi din ito alam ni Mubai. Hindi niya alam na aalis ito ng bansa.

Nang gabing iyon, tumawag siya para imbitahan itong magtanghalian sa makalawa.

Matapos siyang tanggihan nito agad, mabilis niyang idinagdag, "Kasama din si Lin Lin. Sinabi niyang nami-miss ka na niya ng husto."

"Sige, pupunta ako doon." Pumayag si Xinghe sa sandaling nabanggit ang pangalan ni Lin Lin.

Pakiramdam ni Xinghe ay hindi niya dapat ipagkait kay Lin Lin ang pagkakataon na magkaroong pagsasalu-salo ng pamilya. Malapit na siyang mamatay kaya ayaw niyang magkaroon ng pagsisisihan si Lin Lin.

Nahihiya si Mubai na kailangan pa niyang gamitin ang anak pero agad iyong napalitan ng kaligayahan dahil pumayag si Xinghe.

Ang paglalakbay ng maraming milya ay nagsisimula sa isang hakbang; hanggang sa nagsusumikap siya, naniniwala siya na isang araw ay mapapapayag niya si Xinghe na pakasalan ulit siya.

Pinaghandaan ni Mubai ng husto ang kanilang lunch date.

Sa kabilang banda naman, trinato ito ni Xinghe na tulad ng isang ordinaryong araw.

Ang totoo niyan, mayroon pa siyang oras para dumalaw sa ospital ng maaga noong araw na iyon.

Sinabi sa kanya ni Lu Qi na may gusto itong talakayin sa kanya. Ipinagpalagay ni Xinghe na may kinalaman ito sa artificial limb technology.

Dinala si Xinghe ng isang nars sa isang meeting room. Noong pumasok na siya, si Lu Qi at ilang mga doktor ay naroroon na at naghihintay.

Masaya silang makita siya. Trinato nila siya ng may paggalang at respeto.

Ibinalik ni Xinghe ang parehong trato. Sinagot niya ang mga tanong ng mga ito ng tapat at puno ng pasensiya.

Nang matapos na ang meeting, ang mga doktor sa silid ay napagtanto na mahusay ito tulad ng kanilang narinig. Mahusay talaga siya lalo na sa larangan ng mathematics.

Sapagkat para maperpekto ang artificial limb technology nangangailangan ito ng maraming kumplikadong algorithms para makumpleto.

Natamo ni Xinghe ng paghanga ng mga doktor dahil sa kahanga-hangang talento nito, idagdag pa ang kanyang murang edad.

Niyaya pa siya ni Lu Qi na mananghalian sa labas ng matapos na ang meeting.

Tinanggihan ni Xinghe ang alok nito. "Mayroon na akong nakaplanong tanghalian, pasensiya ka na pero sa susunod na lamang."

Nakakaintinding tumango si Lu Qi. "Sige, tatandaan ko ang pangako mo at imbitahan ka sa susunod. Aalis ka na, hindi ba? Halika, ihahatid na kita sa labas."

Sana, magkaroon ng susunod na pagkakataon…

Pinakitunguhan ni Lu Qi si Xinghe tulad ng isang tunay na maginoo, maalalahanin at mabait.

Ang totoo, may magandang impresyon si Xinghe sa kanya dahil isa talaga siyang mahusay na doktor.

Marami nang narinig na magandang balita si Xinghe tungkol dito tulad ng kung paano niya ginugol ang buhay niya para sa ikauunlad ng medisina.

Konektado ito sa mga Doctors without Borders at palagiang tumutulong sa international aid.

Humahanga si Xinghe sa ugali nitong mapagbigay at sa kampanya nito sa pagtulong sa lipunan ng tao sa pangkalahatan…

Kung hindi dahil sa nalalapit niyang kamatayan, marahil ay mananatili siya para tulungan si Lu Qi sa pananaliksik nito sa medisina.

"Doctor Lu…" isang babae ang bumati kay Lu Qi ng siya at si Xinghe ay naglalakad na sa pasilyo patungo sa entrada ng ospital.

Papunta ito sa lugar nila lulan ng wheelchair.

Ang babaeng may kapansanan ay bata pa, marahil ay nasa bente lamang. Mayroon siyang interesanteng presensiya.

Nakita siya ni Lu Qi at ipinakilala sila. "Siya ay isa sa aking mga pasyente. Ang apelyido niya ay Xia din. Baka naman magkamag-anak kayo?"

Tumingin si Xinghe sa babae at umiling, "Hindi, hindi ko siya kilala."

Ang isa pang Miss Xia ay sumagot ng nakangiti, "Pero mula ngayon, kilala na natin ang isa't isa. Ikinagagalak kitang makilala, Miss Xia."

"Gayundin sa akin," magalang na sagot ni Xinghe pero nakaramdam siya ng pagkabahala sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Miss Xia ng taas at baba.

Gayunpaman, hindi na ito pinansin pa ni Xinghe. Marahil ang babae ay hindi sanay makihalubilo; gayunman, hindi mahilig makialam si Xinghe sa buhay ng ibang tao. Hinarap niya si Lu Qi at sinabi, "Dahil sa may pasyente kang naghihintay ngayon aalis na ako. Magkita na lamang tayo sa susunod."

"Sige, paalam."

Tumalikod na si Xinghe para umalis peroo nararamdaman pa din niya na sinusundan siya ng tingin ni Miss Xia hanggang sa lumiko na siya sa isang sulok at umalis sa ospital…