Nang makapasok na si Xinghe sa kanyang kotse, nakatanggap siya ng tawag mula kay Mubai.
"Narating na namin ang restaurant. Papunta ka na ba?" Tanong ni Mubai sa mababang tinig.
"Paalis pa lang, papunta na ako diyan maya-maya."
"Sige, mag-ingat ka sa pagmamaneho." Sinara na ni Mubai ang telepono ng may ngiti. Si Lin Lin, na nakaupo sa kanyang tapat, ay inaayos ang bow-tie nito sa leeg.
Nakasuot ng mamahaling suit ang bata, at naglagay din ng gel sa kanyang buhok…
Ang kanyang sapatos na bagong linis ay kumikintab. Mukha siyang maliit na prinsipe.
Hindi mapigilan ni Mubai na hindi tumawa. Lunch date niya ito, bakit ba mas madaming seremonya ang anak niya kaysa sa kanya?
Habang inaayos ang kanyang custom made white suit, kinuha ni Mubai ang pagkakataon na tuksuhin si Lin Lin, "Isa lamang itong normal na tanghalian, bakit ba masyado kang nakaayos? Kinakabahan ka?"
Sinulyapan siya ni Lin Lin bago masungit na sumagot. "Daddy, nagsalita ka pa eh ikaw din naman!"
"…" Dapat ay hindi na siguro niya sinabi nito na manananghalian sila kasama si Xinghe...
Mabalik sa ospital, nagkaroon ng kaunting problema si Xinghe.
Ang kanyang kotse ay may sirang gulong. Kanina, maayos pa ang kotse dahil namaneho pa niya ito patungo sa ospital.
Masyado naman yatang kakaiba ang pagkakataong ito. Siguro ay may sumadya dito.
Nagdesisyon si Xinghe na ipatingin ito mamaya. Hindi niya pupwedeng palampasin ang tanghalian kasama ang anak niya kaya mabilis siyang tumawag ng taxi.
Sa oras na nakapasok na siya sa loob ng kotse, isang braso ang tumulak sa likuran niya at naramdaman niya ang malamig na bakal ng kutsilyo sa kanyang leeg!
…
Agad na umalis sa lunsod ang taxi at narating nila ang malayong probinsiya.
Ang mga mata ni Xinghe ay nakapiring ng itim na tela at ang kutsilyo ay hindi umalis ni minsan sa kanyang leeg.
Ibinigay niya ang kanyang buong kooperasyon at hindi nanlaban.
Ang dalawang kidnapper ay nasiyahan sa pagiging masunurin niya.
Sa wakas, huminto na ang kotse sa isang abandonadong pagawaan,
Marahas na kinaladkad si Xinghe palabas ng kotse at itinulak sa loob ng gusali. Sa oras na bumagsak siya sa maduming sahig, nakarinig siya ng malakas na tunog sa kanyang likuran.
Tinanggal ni Xinghe ang piring sa kanyang mga mata at nalaman niya na ang mga kidnapper ang nagsara ng pintuan.
Sinubukan niya itong hilahin, pero hindi ito natinag. Nakakandado ito mula sa labasan.
"Sino kayo?" Kalmadong tanong ni Xinghe sa dalawang lalaki mula sa kabilang panig ng pintuan, ang boses niya ay hindi man lang nanginig, "Sino ang nag-utos sa inyo na gawin ito?"
"Isang taong pinagkakautangan mo!" Marahas na sagot ng isang lalaki.
"Utang?"
"Tama iyon! Ikaw mismo ang nakakaalam kung anong klase ng kasalanan ang ginawa mo, kaya naririto kami para singilin ang utang mo sa kanya!"
"Sa kanya? Sino ba itong kanya?" Tiwala sa sariling tanong ni Xinghe, "Masyadong maraming tao akong nakabangga, baka kailangan ninyong tukuyin kung sino."
"Dahil wala ng sinasabi ang mga patay, siguro ay hindi masama na sabihin sa iyo! Siya ang kapatid namin na si Chui Ming. Inakusahan mo siya ng masama at ipinakulong, kaya naghihiganti kami sa kapakanan niya!"
"Mga tauhan kayo ni Chui Ming? Imposible, wala siyang maiaalok sa inyo at tulad ng sinabi ninyo, nakakulong siya," pakikipagtalo sa kanila ni Xinghe.
Napatawa ang isa pang lalaki, "B*tch, gusto naming ipaghiganti ang kapatid namin dahil ganun namin siya kamahal! Gayon pa man, ang araw na ito ang magiging huling araw mo sa mundo! Gusto mo bang hulaan kung paano ka mamamatay?"
Umikot si Xinghe para inspeksyunin ang kanyang paligid bago sumagot, "Wala na akong oras para makipaglaro. Pero nasisiguro ko sa inyo, kung hindi ninyo ako mapapatay ngayon, bukas ang kamatayan ninyo!"
"Matalas talaga ang bibig ng b*tch na ito! Pero huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin naming magiging kahindik-hindik ang kamatayan mo!"