Ang mga pilat na namuo mula sa mga sugat ng pag-abandona sa kanyang kabataan ay marahas na nabuksan. Ang pakiramdam ng kawalan ng halaga ang nagdala kay Ruobing sa malalim na hukay.
Ibinaling niya ang pagkamuhi sa sarili patungo sa isang madaling target, kay Xia Xinghe!
Dahil si Xinghe ang humarang sa kanyang landas noong isang hakbang na lamang ang layo niya sa katanyagan at karangalan.
Karapat-dapat na matanggap ko ang lahat ng kayamanan at kapangyarihan, pagmamahal at paghanga, karapat-dapat sa akin lahat iyon! Pero bakit… bakit lahat ng ito ay kinukuha palayo sa akin? Malapit na ako… Bakit?
Siyempre… ito ay dahil kay Xia Xinghe! Ang babaeng ito ang sumira sa lahat sa oras na nagpakita siya! Lahat ng ito ay kasalanan niya! Si Xinghe ang humadlang sa akin na makuha ko ang lahat ng nararapat sa akin! Lahat ay kasalanan niya!
Dahil wala nang iba pang mawawala sa kanya, pinagbalingan ni Ruobing si Xinghe, sumisigaw na tila isang baliw, "Xia Xinghe, darating din ang karma sa iyo dahil sa hindi makatarungang pananakit mo sa akin ng ganito! Huwag mong ibababa ang iyong depensa dahil malapit ka ng mamamatay sa isang nakakakilabot na kamatayan! Hahaha, darating din ang hustisya sa iyo sa lalong madaling panahon kaysa sa iyong inaasahan…"
"Patahimikin ninyo siya!" Isang galit na Mubai ang mariing nag-utos.
Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay nainsulto siya kahit na ang tirada ni Ruobing ay nakadirekta kay Xinghe. Nawala ang kanyang pagiging kalmado.
Matapos marinig ang utos nito, agad na tinakpan ng kanilang mga kamay ang bibig ni Ruobing at kinaladkad ito palayo habang nagsisimula na naman itong magpupumiglas.
Halatang nayanig si Xinghe.
Ang mga pagmumura ni Ruobing, at ang kawalan ng pag-asa sa mga mata nito habang ginagawa ito, ay nagpakaba sa kanya…
Naaalala niya ang insidente nila kay Wushuang sa ospital.
"Huwag mo nang pansinin pa ang mga sinabi ng taong tulad niya. Sisiguraduhin kong maglalaho na siya mula sa City T at hindi na magpapakita pa sa buhay mo ulit," naramdaman ni Mubai ang pagbabago sa kondisyon ni Xinghe at inalo niya ito.
Lumingon para tumingin sa kanya si Xinghe at sumagot, "Ayos lang, hindi ko naman talaga ito iniintindi."
Gayunpaman, sa ibang kadahilanan, nararamdaman niyang tinititigan siya ni kamatayan…
Sa oras na iyon, ang pintuan sa surgery hall ay biglang bumukas.
"Tapos na ang operasyon!"
Ang atensiyon ng lahat ay agad na napako sa boses.
Unang lumapit si Elder Xi kay Lu Qi na kalalabas pa lamang. "Kumusta ang sitwasyon ng asawa ko?"
Sumagot ng may ngiti si Lu Qi, "Huwag kang mag-alala, maayos na ang lagay ni Old Madam Xi ngayon. Ang artipisyal na braso ay matagumpay na naialis at magiging mabuti na siya tulad ng dati matapos ang ilang araw ng pahinga sa ospital."
Nakahinga ng maluwag si Elder Xi sa nalaman. "Salamat sa Diyos at ayos lang siya."
"Gayunpaman, wala pa ding malay si Old Madam Xi. Ipinapayo ko na bigyan natin siya ng panahon na magpahinga. Ang totoo, ang aksidente sa oras na ito ay lubhang mapanganib, kung ang pagsabog ay mas naging malaki, nasunog na sana nito ang nervous system sa mga braso ni Old Madam Xi. Salamat na lamang at ang pinsalang natamo niya ay maliit lamang…" patuloy na paliwanag ni Lu Qi.
Muling sumiklab ang galit ng madla kay Ruobing.
Hindi lamang niya ninakaw ang disenyo ng ibang tao pero ang payagan nila na gamitin ito ng may kaalaman na maaari nitong masaktan ang umampon sa kanya. Wala ng salita pa na maglalarawan sa taong tulad niya.
Salamat na lamang, sa bandang huli, ang problema ay madaling natukoy at naparusahan na ang salarin.
Itinulak na si Old Madam Xi patungo sa VIP sick bay at ang artipisyal na braso ni Xinghe ay naiwan sa ospital.
Gusto ni Elder Xi na may mga dalubhasa na tingnan ito ng maigi para maiwasan ang naunang insidente na maulit. Matapos makasigurado na walang problema, gagamitin nila ang disenyo nito.
Nasabihan na din si Lu Qi ng katotohanan na ang tunay na may gawa ng perpektong artificial human limb ay si Xinghe.
Lubos siyang interesado sa disenyo ni Xinghe at humahanga siya sa kakayahan nito.
"Sino ang mag-aakala na si Miss Xia ay napakahusay. Ang disenyo mo, sigurado ako, ay magdadala ng labis na kaligayahan sa maraming tao. Isa itong dakilang responsibilidad. Miss Xia, kahanga-hanga ka."
Sumasang-ayon na tumango si Elder Xi. "Tama si Doctor Lu, Xinghe, kahanga-hanga ka talaga. Gusto ko muling humingi ng tawad sa pagdududa na ang disenyo ay hindi sa iyo at sa kakayahan mo. Napahanga mo talaga ako sa oras na ito."