Nagpaulan din ng papuri si Ginoong Xi.
Kahit ang trato sa kanya ni Ginang Xi ay kakikitaan ng pagbabago.
Gayunpaman, nahihirapan pa din siya na magpakumbaba at aminin ang dati niyang masamang palagay. Mahina niyang idinagdag na, "Xinghe, ang disenyo mo ay talagang kahanga-hanga. Magaling ang ginawa mo."
Tuluyan ng nagbago ang pagtrato ng buong Xi Family kay Xinghe. Mababait na silang lahat dito.
Ngunit, nanatiling hindi nagbabago ang ekspresyon sa mukha ni Xinghe, kalmado tulad ng dati, na patunay na hindi siya narito para mapalapit sa mga Xi.
"Elder Xi, matapos mong masigurado na walang kamalian sa disenyo ko, umaasa ako na tutuparin mo ang usapan nating dalawa," sinabi ni Xinghe kay Elder Xi.
Natigilan ang madla.
Pagkatapos noon, naalala nila na ang tanging dahilan kung bakit hinarap ni Xinghe ang lahat ng kaguluhang ito ay para ipaglaban ang kustodiya ni Lin Lin.
Nangako sa kanya si Lolo Xi dahil inisip niya na hindi nito magagawang tuparin ang pangako nito.
At kahit na magawa niya, makakahanap siya ng paraan para makalusot dito.
Biglang tumawa si Elder Xi at hindi nahihiyang nagmungkahi, "Xinghe, tawagin mo na lamang akong Lolo Xi mula ngayon. Imbes na kuhanin mo si Lin Lin, bakit hindi ka na lamang makipagbalikan kay Mubai? Sinisigurado ko sa iyo na walang sinumang hahadlang sa pagpapakasal ninyong muli! Ibinibigay ko sa iyo ang salita ko!"
Nagulantang si Ginang Xi pero alam niyang wala siya sa lugar para magsalita ng kahit ano.
Natupad ni Xinghe ang habambuhay na hiling ni Lolo Xi. Dahil sa magaling na kakayahan nito, walang paraan ang kahit sino sa mga Xi na tumutol sa pagpapakasal ulit.
Sa Xi Family, si Lolo Xi ang gumagawa ng lahat ng desisyon. Kaya naman, kung ang isa ay mapapalapit kay Lolo Xi o sa kahinaan nito, si Old Madam Xi, maaari siyang maghari sa buong pamilya ng mga Xi.
At eksaktong nagawa ito ni Xinghe.
Kung pinapayagan ni Lolo Xi na makasal silang muli, sino ang mangangahas na tumutol?
Isa pa, ipinakita ni Xinghe ang kanyang halaga. Higit na karapat-dapat niyang dalhin ang pangalan ng mga Xi.
Pero… paano naman si Tianxin?
Lumingon si Ginang Xi kay Tianxin pero ang babae ay may blangkong ekspresyon, lubos na hindi mabasa ang mukha nito.
Lumingon naman si Ginang Xi sa kanyang anak at nalaman niya na nakatitig ito kay Xinghe ng may giliw at maginoong pagtingin.
Ang anak niyang ito ay tuluyan ng nahulog sa pagkakataong ito.
Hindi maiwasan ni Ginang Xi na mag-isip, Marahil ay hindi naman ito masamang ideya para magpakasal silang muli kung ito ang gugustuhin niya…
Ang lahat ay ganoon din ang iniisip, well halos lahat.
Mahinang tumanggi si Xinghe, "Ang pokus ko ngayon ay ang palakihin si Lin Lin ng ilang taon. Wala akong interes na maghabol ng kahit ano maliban doon."
"Pero…" sinubukan siyang kumbinsihin ni Lolo Xi pero pinutol siya ni Mubai.
"Lolo, irespeto natin ang desisyon niya. Sumasang-ayon din ako na alagaan niya si Lin Lin ng ilang taon. Ang kaunting pagsasarili mula sa Xi Family ay makakabuti sa kanya. Ngayong malinaw na ang abilidad ni Xinghe sa lahat, sigurado akong aalagaan niya ng mabuti si Lin Lin. Hindi kasiraan ang pumayag dito.
Nagulat ang lahat sa lubos na suporta ni Mubai kay Xinghe, kahit si Xinghe mismo ay nagulat…
Hindi niya inaasahan na irerespeto nito ang kanyang kalayaan at kaisipan.
Ang pagtingin niya kay Mubai ay bumuti ng kaunti.
Dahil sinabi na ni Mubai, hindi na ipinilit pa ni Elder Xi ang pagpapakasal ulit.
Ang apo niyang ito ay mukhang may sariling binabalak. Baka siya mismo ang sumusubok na mahikayat si Xinghe na makipagbalikan ng walang pamimilit ng Xi family…
Kahit pa, alam ni Elder Xi na hindi ibibigay ni Mubai si Lin Lin ng basta-basta, pero kung pagbabasehan niya ang nakikita, mukhang hindi rin susukuan ni Mubai si Xinghe.
Well, dahil may plano ng sarili ang mga batang ito, ang isang matandang tulad ko ay hindi na dapat makialam pa.
"Sige, matapos nating masiguro na gumagana ng mabuti ang braso, malaya ka ng kuhanin si Lin Lin kahit anong oras mo gustuhin," pangako ni Elder Xi ng may tango pero hindi bago niya bigyan si Mubai ng isang nagbababalang tingin.
Sonny, kapag hindi mo ito naayos, babalatan kita ng buhay!