"Wala siyang puso dahil ang kayamanan ang tanging nakikita niya! Kaya niyang ipagpalit si Old Madam Xi, na nagpalaki sa kanya, para makuha ang sarili niyang kapakanan. Siyempre wala siyang puso!"
"Kawawa naman si Old Madam Xi na minahal siya, nawasak siguro ang puso niya ng ipinahamak siya ng sarili niyang apo na inampon…"
"Nagpalaki tayo ng lobo na siyang umatake sa ating likuran!"
Tulad ng inaasahan ni Xinghe, ang mga Xi ay mabilis na tumalikod kay Ruobing.
Ang pasira ng tiwala ni Ruobing sa kanila ay nagpasiklab ng galit ng mga ito tulad ng isang posporong itinapon sa lawa ng langis.
Ang paniniwala nila kay Ruobing noong una ay napalitan ng galit.
Maliban pa doon, ang mga Xi ay isang mapagmataas na pamilya kaya hindi sila papayag na ginagawang tanga.
At saka, ang mga kilos ni Ruobing ang dahilan kung bakit nasaktan ang matriarka ng pamilya. Wala iyong kapatawaran.
Sa isang iglap, lahat ay ibinaling ang galit kay Ruobing.
Nanggigigil si Elder Xi. "Yun Ruobing, hindi ka na kwalipikado na magdala ng pangalan ng Xi. Mula sa oras na ito, hindi ka na parte ng Xi Family at pinagbabawalan ka ng pumasok sa Xi grounds!"
"Tama si Lolo Xi, hindi ka karapat-dapat na magdala ng pangalan ng Xi!"
"Hindi…" nahihintakutan na si Ruobing. Hindi niya inaasahan na magiging ganito ang lahat.
Itinakwil siya ni Lolo Xi.
"Lolo Xi, alam kong mali ang ginawa ko, pakiusap patawarin mo ako sa pagkakataong ito!" Napasalampak sa sahig si Ruobing na puno ng takot at gumapang sa gilid ni Elder Xi para magmakaawa.
"Lolo Xi, hindi ko ito sinadyang gawin. Natatakot ako na palayasin mo ako kapag hindi ko natapos ang disenyo. Natakot ako na hindi na ako pahahalagan. Ito lamang ang tanging pagkakataon ko na mabayaran ang kabutihan ni Old Madam. Alam kong nakagawa ako ng pagkakamali, pakiusap patawarin mo ako dito, nangangako ako na hindi ko na ito uulitin…"
Para iligtas ang sarili niya mula sa pagkakatakwil, nagmakaawa ng nagmakaawa si Ruobing pero ang Xi Family ay kayang maging matigas kung kinakailangan.
Kung hindi sila niloko ni Ruobing mula sa simula, mapapatawad nila ito.
Pananagutan na nito na aminin ang kanyang pagkakamali ng kinumpronta siya ni Xinghe tungkol sa pagnanakaw niya at binalaan siya na ang produkto niya ay depektibo. Ang katotohanan na hindi niya ginawa ay nagpakita ng tunay niyang personalidad.
Siya ang tipo ng tao na kayang isakripisyo ang kahit na sino para sa sariling kapakanan, kahit na ang taong iyon ang nagpalaki sa kanya.
Ang ibang tao ay nararapat na patawarin pero ang mga tulad niya ay hindi.
Nakita na ni Lolo Xi ang kanyang balak, naiintindihan na niya na ang hayaan ito ay nag-iimbita lamang ng panganib.
Sinipa ni Lolo Xi palayo ang mga kamay nitong dumadaklot at sinabi, "Kabutihan na sa parte ko ang hindi ka ipahuli sa pulis! Hindi na ako makapapayag na manatili ka pa sa pamilya! Security, itapon siya palabas!"
Dalawang security guards ang nagmamadaling hinatak si Ruobing mula sa lupa at kinaladkad ito palayo…
Nagpupumiglas ng buong lakas niya si Ruobing. "Hindi ako aalis, Lolo Xi, patawarin mo ako, wala na akong ibang pupuntahan kundi dito. Pakiusap, Lolo Xi, huwag mo akong ipagtabuyan! Gusto kong manatili dito!"
Hindi natinag ang mukha ni Elder Xi.
Matapos na kaladkarin palayo ng mga security guard si Ruobing, sumuko na sa pagpupumiglas si Ruobing.
Walang lakas siyang hinihila, na tila ba hindi na niya kontrolado ang katawan niya. Hindi maintindihan ng utak niya ang nangyari sa katotohanan.
Ilang minuto lamang ang nakakaraan, nasa itaas siya, ang tagumpay ay halos abot na niya.
Pinapaulanan siya ng lahat ng papuri at pagmamahal…
Pinahahalagahan at kailangan siya, nakakita na din siya ng lugar kung saan hindi lamang siya kailangan pero gusto siya.
Nasa ituktok siya ng mundo.