Nag-aalalang sinabi ni Luo Jun, "Miss Xia, hindi ba't masyado ng huli para sa atin na simulan ang pananaliksik ngayon? Halos kumpleto na ni Yun Ruobing ang kanyang disenyo."
Hindi natinag si Xinghe. "Gawain na niya iyon. Sa anumang kaso, hayaan na lamang natin na ang pinal na produkto natin ang magsalita para sa sarili nito."
"Pero nakita ko na ang disenyo ni Ruobing. Miss Xia, ayoko sanang sabihin ito pero hindi mo pa nakita ang disenyo niya, ito ay…"
Natigil sa lalamunan ni Luo Jun ang mga sasabihin ng ipakita ni Xinghe ang kanyang mga disenyo sa computer screen.
Walang salitang tinitigan niya ang screen, ang mga mata niya ay kasing bilog tulad ng mga pilak na barya.
"Ito, itong disenyo…"
"Ay ang eksaktong kopya ng sa babaeng iyon?" Pagtatapos ni Xia Zhi sa naiisip nito.
Marahas na tumango si Luo Jun. "Siyang tunay! Ito ay ang eksaktong kaparehas! Miss Xia, bakit ang disenyo mo ay tulad ng kay Ruobing?"
"Dahil ang nakakasuklam na babaeng iyon ay ninakaw ang disenyo ng kapatid ko," bulong ni Xia Zhi ng may pagkasuklam, "Ninakaw niya ang gawa ng iba at pinalabas na kanya, napawalang-hiyang babae!"
Napahanga si Luo Jun. "Ang disenyo ni Ruobing ay ninakaw mula kay Miss Xia?"
"Tama iyon!"
Makikita ang paghanga sa mga mata ni Luo Jun. "Miss Xia, ang gawa mo ay talagang nakakahanga! Hindi na ko nagtataka kung bakit agad na natapos niya ang kanyang pananaliksik ilang araw matapos mong dumating sa lab kahit na nagkaroon siya ng zero na progreso sa mga nakaraang taon. Naiintindihan ko na ngayon. Pero bakit hindi mo pa siya ibinuko? Ang pinal na produkto niya ay halos handa na, kung isisiwalat mo ito matapos ang katotohanan, ang iisipin ng iba ay…"
Hindi nakaligtaan ni Xinghe ang implikasyon. "Ako ang nanggaya sa kanyang gawa?"
"Oo…"
Nagbigay ng misteryosong ngiti si Xinghe. "Ang trabaho ko ay hindi madaling gayahin, dadating din sa kanya ang nararapat na kaparusahan. Gayunpaman, tama na ang kwentuhan, bumalik na tayo sa trabaho."
Agad na ibinigay ni Xinghe kay Luo Jun ang asignatura nito.
Ang asignatura ay naging isa pang surpresa kay Luo Jun.
Gusto ni Xinghe na kuhanin niya ang isa sa mga prototype ni Ruobing. Gusto niyang baguhin ang prototype imbes na magsimula ng bago.
Akala ni Luo Jun ay namali siya ng dinig dito. "Miss Xia, ano ang sabi mo? Gusto mo na pumunta ako sa grupo ni Ruobing at humingi ng isa sa mga natapos na nilang prototype?"
"Oo."
"Pero ang mga iyon ay gawa nila, ang angkinin kahit isa sa mga iyon bilang atin ay isa pa ding…"
Naiintindihan ni Xinghe ang pag-aalala nito. Sumagot siya ng nakangiti, "Eh ano naman kung gawa nila iyon? Ang disenyo ay akin, sila lamang ang gumawa. Dahil ibinigay ni Ruobing ang lahat ng pagsusumikap na matapos ang disenyo ko, ang hindi paggamit ng prototype niya ay bibiguin lamang siya, hindi ka ba sang-ayon doon? Kaya pumunta ka na at hingin ang isa sa mga prototype na natapos nila, kung may pumigil sa iyo, sabihin mo sa kanila na may karapatan na silang tumanggi kapag mas higit pa sa limampung porsiyento ang shares nila sa lab!"
Na kay Xinghe ang kapangyarihan ng mga shareholder kaya naman walang pagpipilian si Luo Jun kundi sundin ang utos niya.
Halos malaglag si Ruobing sa kanyang upuan ng marinig niya ang iginigiit ni Luo Jun.
"Gaano kakapal ang mukha ni Xia Xinghe? Ang mga prototype na ito ay gawa ko, bakit ko siya bibigyan ng isa? Ano, wala na ba siyang sapat na oras para gumawa ng kanya kaya nya hinahabol yung isang gawa ko?"
Alam ni Luo Jun na ito ang magiging sagot ni Ruobing kaya kalmado siyang sumagot, "Sabi ni Miss Xia na ang disenyo ay inyo kaya hindi na siya nakikipagtalo pa dito, gayunpaman, bilang ang taong nagmamay-ari ng kalahati ng shares ng lab na ito, hinihingi niya na ibigay ni Leader Yun ang isa sa mga prototype ninyong natapos."
"Maaari niyang angkinin ang buong lab pero hindi ko pa din ibibigay ang isa sa mga tira ko!"
"Leader Yun, handa na ito —" sa eksaktong pagkakataon na iyon, isang inhinyero ang tumakbo at masayang sumigaw, "Leader Yun, nagawa na natin! Ang pinal na produkto – nasa atin na ito at perpekto na ito! Leader Yun, nagawa na natin sa wakas!"