Ang atmospera sa lab ay tulad ng sa isang piyesta.
Ang grupo ng mga inhinyero ni Ruobing ay sobra ang saya. Sa wakas ay nagawa na nila ang isang perpektong artipisyal na braso ng tao.
Alam ng lahat kung ano ang ibig sabihin ng tagumpay na ito.
Ang ibig sabihin nito ay isang malaking hakbang para sa ikauunlad ng sangkatauhan, isang pahina para sa mga aklat ng kasaysayan!
Kasikatan at pera, ito ang mga pabuya na naghihintay sa grupo na may kinalaman sa proyektong ito.
Syempre, bilang ang manager na nangangasiwa sa importanteng pananaliksik n aito, si Ruobing ay sigurado na ang buhay ng karangyaan at kapangyarihan para sa sarili niya.
Alam ni Ruobing na ang pag-unlad na ito ay hindi maiiwasan pero nahihirapan pa din siyang pigilan ang sobrang kagalakan sa kanyang puso.
Nakisaya siya sa kanyang grupo at pagkatapos ay hinarap si Luo Jun ng may mayabang na ngiti. "Hindi ka ba masaya na narito ka para makita ang oras ng aking tagumpay? Huli na para kay Xia Xinghe, masyado ng huli, narinig mo! Ako ang nauna, ang tagumpay ay akin!"
Nakaramdam ng lubos na pagkamuhi si Luo Jun para sa babaeng ito.
Ang disenyo ay gawa ni Miss Xia, paano siya naging ganoon kawalang-hiya para angkinin ito at, hindi lamang iyon, magyabang tungkol dito?
Naawa si Luo Jun para kay Miss Xia. Ang lahat ng pabuya ay dapat dito pero ngayon ay inangkin na ni Yun Ruobing. Paano ba ito naging patas?
Sa pagkakataong iyon, gusto na ni Luo Jun na ibunyag si Ruobing ng ganoon katindi.
Ang kaso, wala siyang pruweba, kaya nanahimik na lamang siya at naghintay na matapos ang selebrasyon.
Matagumpay na tumawa si Ruobing, ninanamnam ang pananahimik ni Luo Jun. matapos iyon, agad niyang kinuha ang kanyang telepono para ibalita kay Elder Xi ang magandang balita.
Tuwang-tuwa si Elder Xi. Nagsimula na itong humalakhak. Ang atensiyon ng mga tao sa paligid niya ay naakit sa kakaibang ikinikilos nito.
"Mabuti! Mabuti! Magaling ang ginawa mo, Ruobing! Ngayon ipadala mo na ang braso sa ospital, ang mga doktor ay naghihintay na maisagawa ang operasyon. Pagkatapos ng lahat ng ito, sabihin mo ang gusto mo at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng gusto mo!" Masayang pangako ni Elder Xi.
Nararamdaman ni Ruobing na kumukulo ang kanyang dugo, ang kanyang mga mata ay may histerikal na kislap.
"Sige Elder Xi, uutusan ko na ang mga tauhan ko na dalhin ang bagay na iyon ngayon!" Matapos ibaba ang telepono, agad din siyang sumunod sa grupo patungo sa ospital. Ang kanyang pag-iingat kay Xinghe ay tuluyan na niyang nakalimutan.
Sa kanyang mga mata, si Xia Xinghe ay lubusan ng natalo.
Ang tagumpay ay sa kanya na. Hindi na kailangan pang mag-ingat kay Xia Xinghe.
Indeed, Xia Xinghe… who?
Sa kanilang mga mata, tama lamang na sinapit ito ni Xia Xinghe dahil kinalaban nito ang pinakamamahal nilang si Leader Yun.
Sa lab, marahil ay tanging si Luo Jun lamang ang kakampi ni Xinghe. Ginawa niya ang kanyang responsibilidad at dinala ang isang prototype na tapos na pabalik kay Xinghe.
Gayunpaman, punung-puno siya ng reklamo at sama ng loob.
"Miss Xia, wala kang ideya kung gaano kayabang si Yun Ruobing. Kinuha niya ang lahat ng karangalan gamit ang disenyo mo at ngayon ay papunta na siya sa ospital dala ang pinal na produkto! Kung hindi mo siya ibubunyag ngayon, huli na ang lahat, nakuha na niya ang lahat ng mga benepisyo."
Nahawa na ng pag-aalala ni Luo Jun si Xia Zhi.
"Tama siya, Ate. Kailangan na nating magmadali at ibunyag ang kasuklam-suklam na babaeng iyon!"
Kabaliktaran naman si Xinghe ng dalawa, na huwaran ng kapayapaan at kahinahunan.
Dahan-dahan niyang pinag-aaralan ang prototype ni Ruobing.
Lalo lamang nitong pinabalisa si Xia Zhi. "Ate, bakit hanggang ngayon ay kalmado ka pa din?"
"Bakit ba ako mag-aalala?"
"Dahil halos isang hakbang na lang si Yun Ruobing mula sa finish line!"